Chapter 26: Uptight

12 1 0
                                    

Hailey's POV


From: Zach

Good morning baby! *kiss* Sana maayos ang tulog mo at napaniginipan mo ako I mean tayo saka yung mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita 'by. I can't live without you. Ikaw ang oxygen ng buhay ko. Ayieee. Tumatawa ka na ba dahil sa kakornihan ko 'by? Ang ganda ng tawa mo, ang sarap pakinggan. Sige, kain ka na ng breakfast. Kita na lang tayo sa school. I love you! ♥


Pagkakita ko pa lang doon sa text ay kumunot na ang noo ko. Ano na namang kalokohan to? Nanginginig ako nang tinipa ang keyboard para replayan si Zach.


To: Zach

Sana naman sa susunod na gagawa ka ng good morning message, iwasan mo ma-wrong send.


Lalo na kung sa'kin ka mawro-wrong send. Idadagdag ko sana kaso wag na lang pala. Wala pang isang minuto ay nagreply agad si Zach sa text ko. Wow ah? Alerto masyado?


From: Zach

Sorry Hails. Galit ka na ba? Sorry ah? 😘


Halos lumuwa ang mata ko nang nakita ang kabuuan ng message. Napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa phone. Fvck that sh*t. Bakit may kiss emoji doon?


To: Zach

Wag ka ng magtext sa'kin.


Automatic ko siyang binlock sa contacts ko pagka-send ng mensaheng yon. Nakakaasar. Nananadya ba siya? O baka ako lang talaga tong nagbibigay ng meaning at naiinis dahil nakikita ko kung gaano siya ka-sweet pagdating kay Mika?


Nagseselos ba ako?


Napa-isang titig pa ako sa conversation namin. Siguro typo lang talaga to. This is pure coincidence. Drop what you're thinking Hailey.


Hindi nakatulong ang mga salitang naisip ko dahil hanggang pagpasok ng school ay puro iyon pa rin ang laman ng utak ko. Idagdag pa ang tensyon sa pagitan namin ni Ryde. Ang hirap makihalubilo sa kanya. Lalo pa't na-assign kaming mag-partner ngayon.


So paano ako magiging civil at formal? Paano?


"R-Ryde..." Nauutal pa ako habang inaabot sa kanya yung index card. Kailangan niya kasing makita yon since nandoon yung mga directions para sa activity na gagawin namin.


Kinuha niya naman yon pero may kasamang pag-irap. Seriously? Bakit ba ang taray nito sa'kin? Dahil ba doon...sa last naming pag-uusap? Hindi naman siya ganyan noon ah.. 


Ay oo nga pala, ako nga pala ang may kasalanan kaya kami nagkaganito. Or ako nga lang ba talaga? Hindi ko naman siya ginayuma ah. Kusa siyang na-fall!


"Castillo, ano ba?" Napanguso ako nang tawagin niya ako sa last name ko. Grabe, ganoon ba talaga siya kagalit sa'kin?


"Sorry." At kinuha ko yung index card sa kanya.


Maayos naman naming natapos yung activity at matagumpay kong nairaos ang hindi pakikipag-usap kay Ryde. Nakakalungkot talaga. Dati naman hindi kami ganon ka-awkward pero bakit ngayon? Ano nang nangyari sa pagkakaibigan naming dalawa?


"Bakit ka ba umiiyak? Tss." Hindi ko pinansin yon,"Ano ba Hail--Castillo? Tsk. Pvta."


Tapos mumurahin pa niya ako? Lalo lang tuloy akong naiyak dahil doon. Naging hagulgol ang mga yon hanggang sa narinig nila Mark at Irene na nasa malapit lamang.


"Huy pre! Anong ginawa mo kay Hailey?"


"What's going on?" Si Irene,"Fudge Hailey! What happened?"


Imbis na sagutin sila ay tumayo ako at umalis ng room. First time ko magdi-ditch ng class. Tsk. Pero bahala na, ang mahalaga ngayon ay mapakalma ko itong sarili ko.


"Hailey!!"


Hindi ko na nilingon ang kung sinomang tumawag sa'kin at nagdire-diretso sa paglalakad papunta sa library. I'm calm when I'm with books...at ang tanging lugar lang na mayroon nun ay syempre, ang library.


Paliko na ako nang may marinig akong hagikgikan at mga naglaglagan na gamit. Hindi ko na sana papansinin yon kaya lang may narinig akong pangalan.


"Zach~~" It's a moan.


Napahinto ako sa paglalakad lalo na nang may narinig akong isa pang boses. Yung boses nung taong gustong-gusto ko.


"Mahal talaga...kita..." That voice said between breaths. Nasundan yun ng tunog ng naghahalikan...and yeah, technically, I already know what they're doing.


Yuck.


Kahit nandidiri at nanginginig dahil na rin sa mga narinig ko, tumuloy pa rin ako sa corridor papuntang library. Mga hindi nahihiya, talagang dito pa sila nag-make-out?!


Pero hindi ko naman inaasahang saktong pagliko ko ay mababangga ko ang likod ni Zach. Nagulat ako lalo na't napaharap siya sa'kin. Fvck! Hindi ko naman alam na ditong parte sila nag-make out! Edi sana hindi na lang ako dumaan dito.


Napahinto ako at tumingin sa kanila. Magulo ang buhok ni Mika at ganoon rin ang kay Zach. Fortunately, hindi naman sila nag-make baby ayon na rin sa lagay ng uniform nila, make-love ata yung ginawa nila.


Asiwang-asiwa ako sa mga nakita at narinig ko kaya naglakad na ako at nilagpasan sila. Nandidiri ako. Hindi ko naman akalaing ganon si Zach. At ganon abg ginagawa nila ni Mika! Argh, hindi ko mapigilang mapatanong sa utak ko!


Nagawa na ba nila iyon? Lumagpas na ba sila sa limitations ng 'in a relationship' at pang-'married' na ang pinaggagawa nila? Sana hindi. Sana naman hindi ganoon kalala si Zach tulad ng naiisip ko ngayon.


Ayokong magka-crush sa lalaking wala ng V-card!


Inalis ko na agad ang mga bagay na iyon sa utak ko at kumuha ng isang libro sa library. Pumunta din ako sa usual spot ko sa library: ang pinakadulong upuan ng pinakadulong table. Doon ako nagbasa ng tahimik pero fvck! Hindi mawala ang pangyayaring yon sa utak ko! Dagdagan pa ng kung ano-anong pumapasok dito!


"H-Hailey..." Nilingon ko ang tumawag sa'kin at tinaasan ng kilay. Hinihintay siyang magsalita.


"About doon sa mga nakita at narinig mo..." Napairap ako at halos masuka nang naalala yon. Ano namang kinalaman ko doon?


"Oh? Anong meron?" I remained composed.


"Uhmm...s-sana...hindi yon makaapekto sa...friendship natin."


Fvcking friendship!


"Of course. Hindi naman sinusukat sa pagkakaibigan ang paggawa mo ng GANON." I emphasized the word,"And besides, wala naman akong pake sa kung anuman yung ginagawa niyong dalawa."


"Sorry Hailey." Tumalikod siya at umalis.


Ako naman dito ay naiwang nagtataka. Anong 'sorry'? Para saan? Dahil ba narinig ko ang ginagawa nila? At nakita ko silang dalawa ni Mika na sobrang gulo ng buhok? Fvck! What is so sorry about that?


Imbis na intindihin ay napailing na lang ako. Ibinalik ko ang hawak kong libro sa bookshelf at nagsimula nang maglakad sa corridor nang may nakabunggo ako.


"Ikaw?!"


"At ikaw?!"


Sh*t. This day can't be so uptight.

Story of UsWhere stories live. Discover now