Chapter 3: Friends

24 2 0
                                    

Zach's POV


"Pre san ka punta?" Inakbayan ako ni Melvin. Agad ko namang tinanggal yon at sinagot siya.


"Dyan lang. Maggagala ako."


At iyon nga, nag-ikot ikot ako sa campus. Iniwasan kong tumingin sa mga magagandang babae. Andami kasi, nagkalat dito. Kundi mga kapwa ko highschool ay mga college. Pati nga elementary, napakagaganda na.


Pero syempre loyal ako kay Mika.


Hindi ako makapunta sa room nun ngayon dahil busy daw siya. Ayoko namang magpumilit kasi baka mayroon yon at magalit sa'kin. Ayoko ng ganon.


Tumambay ako sa may dulo ng school. Dito lang kasi yung tahimik na part kasi university to at likas na maingay. Haaay matutulog na lang ako kaysa lumandi.


Ay oo nga pala, yung papel na nadampot ko kanina. Mabasa nga ulit...


Wishlist 20**

*TRUE Friends

*1001 books

*Bookshelf

*Unique Gift for my Birthday

*Happy Memories

*Achievements

*Find him <3

by: Hailey Shanelle T. Castillo


Wews. Kay Hailey pala to. Pero bakit parang gusto kong ipagkaloob sa kanya ang mga bagay na to? Tulad nitong libro, bakit gusto ko siyang bilhan?


Argh. Bahala na nga. Basta bibilhan ko na lang siya. Tutal ako naman nakadampot nito. Pagkatiklop ko ng papel ay isasaksak ko na sana ang earphones sa tainga ko kaso may narinig akong sigaw.


"Gusto mo ako! You like me Hailey! You're just telling that because you're frustrated!"


"Hindi kita gusto! Bakit ba pinipilit mo ang mga bagay na hindi naman totoo?!


Babalewalain ko na sana kaso bukod sa narinig ko ang pangalan ni Hailey ay narinig ko rin ang boses niya. Wews. Hindi man ako matalino, at least madali akong makatanda ng boses at sigurado akong kay Hailey yon.


Saktong pagtayo ko ay nakita ko na si Hailey on nakasandal sa pader habang may lalaking nakaharap sa kanya. Si Alwyn Legaspi ba yon?


"May boyfriend ka na?"


"Meron."


Oo nga no. Hindi kaya si Alwyn ang boyfriend niya? Pero bahala na, bakit naman sila magsisigawan? Nag-aaway kaya?


Tumakbo ako palapit sa kanila dahil gusto kong makita kung paano paluluhurin ni Hailey si Alwyn pero nanlaki lang ang mata ko nang nakitang hawak ni Alwyn ang dalawang kamay ni Hailey.


Nakita ko ang pagpatak ng luha galing sa mga mata ni Hailey at ang pagdampi ng daliri ni Alwyn sa leeg ni Hailey. Naikuyom ko ang aking palad at lumapit doon.



"Mukhang masarap ah?"


Nakangisi si Alwyn habang hagulgol na ang iyak ni Hailey. Pvta. Ang manyak ah. Kung siya nga ang boyfriend ni Hailey, tang*na.


Pvta.


Sinuntok ko si Alwyn at agad naman itong natumba. Wews, isang suntok lang pala ang isang to. Tss. Agad kong pinatayo si Hailey na walang tigil pa rin kakaiyak. Nabigla ako, may kakayahan din palang humikbi ang isang to.


Story of UsWhere stories live. Discover now