Pumasok ako sa school na may kakaibang nararamdaman. Pano ba naman, sinalubong ako ng isang nakakakilig na text galing kay Zach kaninang umaga.
From: ZACH.
Good morning Hailey! Eat your breakfast! Sana nakatulog ka ng mahimbing kagabi!! ♡
Napangiti ulit ako nang maalala yon. Itago ko man pero nakakakilig. Bat ba may heart iyon? I mean, may girlfriend siya right? Is he flirting?
Napailing ako dahil sa naisip. Typo lang siguro. Napindot niya lang yung heart. No additional meanings kasi wala namang dahilan para manlandi siya.
"Hoy babae! Kanina ka pa nakangiti! Anong nangyayari sa'yo?" Nanlaki ang mata ni Dianne,"My God! Wag mong sabihing na-engkanto ka?!"
"Baliw hindi!" Inilabas ko ang aking phone at ipinakita sa kanya ang text ni Zach. Ngumiti siya pero nag-pout din.
"Ano sa tingin mo? Tama bang kinikilig ako?"
"Ewan ko Kams. Alam mo namang may 'Mika' yan di'ba?" Usal ni Dianne habang nag-action pa ng quotation mark gamit ang mga daliri niya.
"Yun na nga eh. Pero ewan, hindi ko maiwasang hindi kiligin. Sariling hormones ko na nagdidikta. Ewan."
Maya-maya ay nag-ring ang bell. Signal yon na magsisimula na ang Flag Ceremony at dahil nga makikipagkumpetensya na naman ako kay Rona.
"Guys magsipila na kayo." Mahinahon kong sabi unlike ni Rona na sumisigaw.
Mean mang ituring (kahit mean talaga ako) pero pakiramdam ko ay mas pinapaboran ako ng mga kaklase ko kaysa kay Rona. Saka pa lamang kasi sila pumila nang ako na ang nagsalita.
Tinignan ko kaagad si Rona at ngumiti ng mapang-asar. Halos malukot naman ang mukha niya habang nagsasalita,"Bitch."
"At least sa'yo lang." Nginitian ko ulit siya bago umalis.
Ewan ko ba. Ang saya-saya ko kapag inaasar si Rona. Masyado na bang masama ang ugali ko dahil ganito ang nararamdaman ko? But I really think she deserves my attitude after all.
"Castillo! Musta? May nabalitaan ako ah?" Lumapit ang kaklase ko at bumulong,"Yung kay Alwyn?"
Napapikit ako. Pilit ko kasing inaalis sa utak ko yon. Wala ring alam ang mga kaklase namin, basta na-kick out si Alwyn yun na yun. Walang explanation. Ang tanging nakakaalam lang bukod sa mga teacher ay ako, sila Dianne at si Zach.
Unless sinabi ni Zach sa iba.
"Anong nabalitaan mo?" Tanong ko. Ganito kasi dapat ang strategy para hindi mahalatang may alam kang iba. You need to ask.
"Na-kick out daw dahil nakipagbugbugan." Wews. Akala ko naman kung ano na.
"Ahh ganon? Thank you."
"Akala ko kasi may kinalaman sa'yo. Baka kasi...karibal niya?"
Mabilis akong sumagot na hindi at agad na tumalikod. And the world stopped.
Saktong pagkatalikod ko kasi ay napadikit ang ilong ko sa ilong ng lalaking pinaglalaanan ng effort ng puso ko sa pagtibok. Damn. Second time. Bakit hindi ako makagalaw? Am I just plain awkward or already mesmerized by him?
Hindi ko na alam. Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa sistema ko. Hindi ko nga lang alam kung nararamdaman din niya ito.
"A-ah..uhmm."
Yumuko ako at umiwas. Dumiretso ako sa side nila Dianne na nagkukwentuhan at hindi napansin ang nangyari. Si Irene lang ang bumulong sa'kin.
"I saw it. Full." Ngumisi siya kaya napangiti ako.
Am I just complicating things? Am I just exaggerating normal things because of my attraction to Zach? Hayst. Bakit ba kasi wala akong karanasan sa ganito? Ayan tuloy at nagugulo ang utak ko. Hindi ko pa makontrol.
Binalewala ko na lang ulit iyon dahil klase at kailangan kong makipagsabayan kay Rona. I need to show her that the spotlight's not above her. It's above everyone. It's for everyone.
Pagka-recess ay nagpunta ako sa corridor para magpalamig at mag-sight seeing. Si Dianne kasi ay kasama si Migs ngayon. Si Rica ay kasama rin yung ka-MU niya. At si Irene? Nasa loob, kasama si Mark, yung halata namang may gusto sa kanya pero dahil sobrang manhid ng kaibigan ko, ayun at walang maramdaman.
Forever alone tuloy ako dito. Ganon naman kasi di'ba? Kailangan mong mabuhay ng mag-isa. You live first by yourself before living for someone.
Kasabay ng pagnguya ko ng Potato chips ay ang paggalaw nh tainga ko dahil may naririnig akong nag-uusap sa may room ni Zach. Katabing room lang naman namin yon eh.
"Asan ba si Melendez?" Saad ng kung sino mang babae sa mapang-asar na tono.
"Yieee kinikilig na si Mika."
At may malambing na boses ang sumagot,"Tumigil nga kayo! Tara na sa room!"
Napasimangot ako. Nakakainis. Magkaka-crush na nga lang kasi, doon pa sa may crush na iba. Kung hindi nga lang talaga tanga ang puso mo Hailey!
"Patabi ah?" Tumaas ang kilay ko nang tumabi sa'kin si Zach. Damn, his scent,"Itago mo ko kaila Mika."
Magtatanong sana ako kung bakit pero hindi ko na nagawa. Isiniksik niya na kasi sa'kin ang sarili niya kaya hindi ako makagalaw. It's disturbing!
"Y-yung kanina pala.." Pagsisimula niya ng topic na ikinakunot ng noo ko. Ano? Bukod sa nagkadikit ang mga ilong natin, ano pa?
"Ano namang meron doon?" Sparks. Sparks. Sparks.
Tumungo siya,"Baka kasi...uhmm...ma-awkward ka sa'kin. Wag naman sana Hails."
Ohmy. He called me 'Hails'.
"Hindi naman. May ika-a-awkward ba ako?"
Mayroon Hailey! Yung sparks! Yung butterflies! Yung rainbows! Yung unicorn! Damn! Zach's making me sick!
"Wala. Akala ko kasi mayroon." Ngumiti siya,"O sige na, papasok na ko sa room ko. Pasok ka na rin sa room mo." Tinapik niya ako sa likod bago umalis.
Ako naman ay malungkot na napatitig sa pagkain ko. Ano ba yan, masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Masyado na akong nalilito. Hindi ko na alam kung nakakabuti pa para sa sarili ko.
Pagka-uwian ay naghiwa-hiwalay na kaming apat. Magpapaiwan kasi ako dito sa school dahil may libreng sighting ng lunar eclipse mamayang gabi.
Alas-syete nang inanunsyo ng teacher na mag-gather na ang students sa field. Ako naman ay nagpunta sa may malayong side nung field. Doon sa may veranda ng flagpole kaya nagulat ako nang may tumabi sa'kin.
Zach.
Tinitigan ko siya habang nakasandal sa railings ng flagpole. Payapa siyang nakatingin sa langit kaya inilipat ko na rin ang paningin ko doon hanggang sa magsalita siya.
"Mahilig ka talaga sa panonood ng kung ano-anong nangyayari sa universe ano?"
Tumango ako.
"I don't know. Gustong-gusto ko lang talaga masilayan ang universe. It's absolutely wonderful Zach. The weird phenomena, the experiences....lahat."
"Well. Kaya nga siguro 'Hailey' ang pangalan mo." Ngumiti siya,"Cause you're part of the mystifying universe."
Hindi na ako umimik. Nag-aalab ang dibdib ko. I'm flattered. Ewan na, basta I can see sparks surrounding us.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...