Chapter 45: Wala Lang

13 1 0
                                    

Napakunot ang noo ko pagkabasa sa note. Okay, so magpapakilala rin siya sa'kin. Pero gaano ba katagal ang soon niya?


And why am I feeling excited all of a sudden? Anong nakaka-excite sa pagpapakilala nitong taong nagbibigay ng libro sa'kin? Anong ka-thrill thrill doon?


Ah, siguro dahil para siyang automatic na Santa Claus for Christmas. Tapos ang maganda pa doon, araw-araw siya magbigay ng libro.


Pero nakakakilabot pa rin eh. This can be a stalker. Alam ko na ito eh, yung tipong pabigay-bigay ng kung ano-ano tapos may pa-mysterious effect pa.


I mean, hindi nakakakilig eh. Nakakapraning. What if these books are traps? Ang nakakatakot pa ay baka ala-Psychopath itong nagpapadala...


Okay, so it's getting creepy. Saka ano bang iniisip ko! If there are hidden clues in the books, I'm sure that I'll be able to recognize it. Oh Hailey, what are you thinking?


Hindi ko na dapat pag-aksayahan ng oras ang pag-iisip tungkol sa pa-mysterious book sender na ito. Saka balewala rin naman eh, if he's interested with me, well... magiging magkaribal sila ni Zach.


But I doubt that he'll have a chance now that Zach has already captured me.


Itinabi ko na lang yung note at inayos ang mga gamit ko. Tuloy-tuloy na sana ako sa paglabas kaso biglang nasalubong ng mukha ko ay bulaklak.


Sisigawan ko dapat ang may hawak nun kaso nanlambot ako nang makita si Zach na nakangiti,"Uhh, s-sabay tayo?" Kinamot niya ang batok niya and there, he's making his cute mannerism again.


Ngumiti ako at nakangiting tinanggap yung flowers,"Thank you."


"Uhmm Hailey."


Nilingon ko siya,"Why?"


"Pwedeng ano... uhmm... ano..."


Nangunot na ang noo ko. Bakit nauutal ang isang 'to? Anong kautal-utal sa sasabihin niya?


"Bakit Zach?"


"Uhmm..." Awkward siyang tumingin sa'kin at awkward ding ngumiti,"Pwede ba kitang yayain mag..." Umiling siya at mahinang bumulong sa sarili,"Pvta, hindi talaga ko magaling sa ganito. Tsk."


Natatawa akong nagsalita,"Ano bang problema? Bakit di mo masabi?"


"Pwede ba..." He slightly smiled,"Pwede ba tayong mag-date?"


Napangiti ako. Seriously? Nahihirapan si Zach na magtanong kung pwede kaming mag-date?


"Uhmm, you're seriously getting nervous about that question?" Naka-pout siyang tumango,"Oh Zach..."


"Di ko alam Hailey. Iba ka kasi kaila Mika eh. Alam mo yun, yung... sobrang nakaka-tense pag kausap kita. Tapos kinakabahan ako. Yung puso ko hindi tumitigil sa pagtibok---ano nga English nun? Yung karaniwang nangyayari kapag umiinon ng kape--"


"Palpitate."


"Ayun, nagpa-palpitate ako. Natatakot akong magkamali kapag kaharap kita. Gusto ko ala-Prince Charming ako kapag kaharap kita."


I pursed my lips,"You don't have to feel like that Zach. Hindi ko naman kailangan ng Prince Charming."


Umiling si Zach at tinignan ako,"No Hailey. Gusto kong maging perfect sa paningin mo. Because you deserve the best... saka ayoko naman magpaka-feeling guwapo dahil ako ang kauna-unahang nakaligaw sa'yo ng legal."


Kinindatan niya ako saka ngumiti,"Gusto ko yung makikita ng mga tao na worth it."


Napangiti na lang rin ako. Sumagi sa isip ko yung mysterious book sender, ano kayang ibabatbat niya kay Zach? His books? His words?


"So ano Hailey? Pwede ba tayong mag-date?"


"Sure. What time? Saka saan tayo magkikita?" Tanong ko. Okay rin naman yon dahil Sabado rin bukas at wala naman akong gagawin sa bahay.


"Uhmm, hindi kita pwedeng sunduin?"


"Pwede naman. Kaso you know, Mom's exaggerating about us. Baka abutin ka ng tatlong oras kakasagot sa mga tanong nun."


"Oh. Eh di sige, antayin na lang kita sa café. Yung oras, okay lang ba na eleven o' clock? Hindi kita masusundo sa bahay niyo kaya feeling ko mas safe kung tanghali na lang." Nag-aalangan siyang tumingin sa'kin,"Okay lang ba yun sa'yo?"


Agad akong tumango,"Sure!"


Hinatid niya ako sa bahay. Muntikan pa nga siyang hindi makalabas dahil ayaw talaga siyang tantanan ni Mommy. Pagkaalis ni Zach, saka naman ako kumonsulta kay Mommy tungkol sa 'date' nga namin bukas.


"Naku ang anak ko, nawalan ka ba ng fashion sense at kailangan mo pang itanong sa'kin kung anong isusuot mo?" Nakangising tanong niya na siyang dahilan ng pag-pout ko.


"'My naman eh." Tumingin ako sa kanya,"Alam mo naman pong first time kong makikipag-date sa first official na manliligaw ko..."


Tumawa si Mommy at saka ako hinila sa wardrobe ng kwarto ko. Hinalukay niya lahat ng mga damit doon na maayos kong isinabit at tinupi kaya naman halos manlumo ako sa kinatatayuan ko.


"Mom! Anong ginagawa mo?"


Mommy replied with a grin,"Pinipilian kita ng damit para sa date mo."


Tumango na lang ako at niligpit yung ibang damit na kinalat niya.



---




Maaga akong nagising kinabukasan. Napagpasyahan kong dumaan muna sa National Book Store bago pumunta ng café. Kailangan kong bilhin yung third book ng Mortal Instruments na Clockwork Angel.


Saka malapit lang naman ang NBS sa café na pagkikitaan namin ni Zach. Less hassle na, may libro pa kong bago.


Busy ako sa pamimili ng libro nang may mabunggo akong isang lalaki. Nakatungo siya at parang walang pakialam na nabunggo siya. Patuloy lang siya sa pagpili ng libro.


Maya-maya ay narinig ko siyang bumulong,"Ano pa kayang magugustuhan niya?"


Napataas man ang kilay ko doon ay napangiti ako. Ang sweet, siguro book nerd yung girlfriend o kapatid nitong taong 'to at binibilhan niya ng libro.


Ang sweet naman---


Oh sh*t. Yung nagbibigay sa'kin ng libro... Can it be him? Ay hindi, hindi. Maraming lalaki dito sa National Book Store. Hindi naman pwedeng siya agad yun porke't namimili siya ng libro.


Isinantabi ko na muna yun sa utak ko at binili yung librong bibilhin ko. Habang nasa may cashier ako ay may napansin akong lalaki na may dinidikit na sticky note sa mga librong binili niya.


Napakunot naman ang noo ko. Sticky notes din yung gamit nung mysterious book sender sa akin. What if siya iyon? Sayang at hindi ko mahabol dahil nasa dulo ako ng pila.


Nang nakapagbayad na ako sa cashier ay madaling-madali akong lumabas ng National Book Store kaso hindi ko na nakita yung lalaki. At kahit naman makita ko eh imposibleng makilala ko siya, hindi naman kasi ako matandain sa damit ng tao.


Napabuntong-hininga na lang ako at tumalikod. Nandoon kasi sa kabilang side yung café na pagkikitaan namin ni Zach.


Kaso pagtalikod ko, may nabangga na naman ako.


"H-Hailey..."


Nanlalaking mata ko siyang tinignan,"Zach! A-Anong ginagawa mo dito?"


Awkward siyang ngumiti at napakamot sa batok niya,"W-Wala lang..."


And that made me think...

Story of UsWhere stories live. Discover now