Umagang-umaga ay naligo ako kahit wala akong balak pumasok sa opisina. I'm now a well-known CEO of a fashion company and a co-owner of Dad's own mental institution. Hindi ko naman binalak but it happened.
"Saan ka pupunta? I'm just cooking breakfast..." Mom trailed off when she saw what I'm carrying,"Oh? Birthday ni Zach? Hindi mo naman sinabi. Invite him later."
"Yup," I answered as I swiftly placed the party accessories at the back of my car. Mahihirapan pa ata ako mag-set up mamaya sa dami ng ginawa ko.
Well, hayaan na. Kaysa naman masayang ang effort.
Kumakanta-kanta pa ako habang nagda-drive para naman mabawasan ang kaba ko. Iniisip ko din ng maayos kung paano ang plano para mamaya. Kailangang hindi ito epic at talagang surprise para sa kanya.
Pagka-park ko ng kotse ay umakyat na kaagad ako sa condo unit ni Zach. Mayroon akong spare key lalo na't pumupunta ako dito minsan para ipagluto siya ng breakfast. Hindi pa rin kasi siya marunong at nahihiya kay Ryan magpaluto.
Inilapag ko ang mga party decorations sa sofa at inikot ang paningin sa kabuuan ng unit niya. Wala siya dito ngayon dahil nagkaroon sila ng advance mini-celebration nila Migs kagabi. All boys night-out kumbaga.
Paniguradong na kaila Migs iyon ngayon... at mabuti yun para sa surprise ko! Yey!
Naglinis muna ako ng condo niya. Hindi naman siya sobrang dumi pero nilinis ko na rin. Dito kami magpa-party mamaya kaya dapat malinis.
Pagkatapos ko maglinis ay nag-decorate na ko sa bahay niya. Napangiti pa ako nang mapatingin sa mga dala-dala ko. From balloons to party banner na ako mismo ang gumawa, kumpleto ang lahat.
Idinikit ko muna lahat ng madidikit sa walls and such. Including our pictures especially iyong mga groufies namin. Hindi ko rin pinalampas ang mga epic stolen shots niya.
"Pfft..."
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa isang picture niya doon. He's giving the weird face while looking at an aquarium. Iyon yung araw ng post-celebration namin nila Dianne for graduation. Sumama silang dalawa ni Migs.
That picture is probably taken when he spotted a stone fish in the aquarium. Nagulat siya kasi nakita niya yung mata. He first thought na bato iyong may mata. He never realized it's a fish.
Ang balak ko sana ay magpapatulong ako kaila Dianne pero busy pa sila sa kani-kanilang trabaho. Ayoko namang maabala ko sila. First of, secretary si Dianne ng isang beverage company. Si Irene at Mark busy sa next cosplaying event. At si Rica...
"Dali na. It's my company, I can make you as an exception! Tulungan mo lang ako dito."
I heard tools clinking as she answered. Paniguradong nagta-try na naman siya ng bagong make-up techniques.
"Busy ako. And besides, I know you can do it. Hindi porke't ikaw ang may-ari ng company at ako ang taga-make-up sa mga models mo, we can do everything right away. Hindi mo ko pwedeng bigyan ng exception. I'm currently doing my job and we should not bring personal relationships here," With that she ended the call.
Napasalampak ako sa sofa at tinignan ang natitirang mga decoration. Iyong balloons na lang naman at kakaunting whatchamacallit. Plano ko ring gumawa sana ng tiramisu para kay Zach. It's his favorite and I don't want to miss the chance.
Tumayo ako at nagpalobo na ng mga lobo. I attached strings on it para lumutang at nilagyan ng ilan niyang pictures sa baba. Ang cute na tuloy ng sala ni Zach. Sana magustuhan niya.
YOU ARE READING
Story of Us
قصص عامةI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...