Chapter 1: Wishlist

93 2 0
                                    

Zach's POV


Sumakay ako sa tricycle papuntang school. Naalala ko yung babae na tropa ni Dianne. Sobrang taray kasi. Tsk. Ang arte pa, kala mo naman may germs yung kamay ko. Palagi kaya kong naghuhugas ng kamay for her information.


Hindi pa umaalis si Manong Drayber kasi kulang pa ng isa. Yun yung sa katabi kong seat. Magtropa kasi ata yung dalawang sumakay eh ayaw maghiwalay, ayun, nagsama sa backseat.


Edi sila na! Sila na ang may forever. Wala nga ako nun.


Joke lang syempre, gagawin ko kaming forever ni Mika. Kahit na nanliligaw pa lang ako sa babaeng yon ay aaminin kong gusto ko talaga siya. Mahal na nga kung tutuusin.


Maya-maya ay may sumakay na rin sa tricycle at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan niyang isinara ang payong niya at nilagay yon sa kanyang bag. Wait, parang pamilyar siya?


Naka-earphones siya. Medyo chinita. Pakurba ang labi. Matangos ang ilong. Morena. Buhok na may pagka-blonde sa baba? Teka? May kulay ba buhok niya?


"Anong kailangan mo kuya?"


Nagulat ako nang nagsalita siya. Agad kong ibinaling ang paningin ko sa kanya at nagulat na bukod sa hindi siya nakatingin sa'kin ay naka-earphones pa siya. Pano niya nalaman na nakatingin ako sa kanya? May mata ba siya sa tainga?


"You stare too much."


Nagsalita ulit siya. Napangiti ako dahil parang kinikiliti ang katawan ko kasi ang cute niya mag-English.


"Why are you smiling?"


Nakaharap na siya sa'kin ngayon habang hawak-hawak yung isang earphones na kakatanggal pa lang sa tainga niya. Nakataas pa ang kilay niya sa akin.


Sh*t!


Siya yung babaeng tropa ni Dianne na sobrang arte at taray! Nanlaki rin ang mata niya kaya napangiti ako. Naalala niya rin siguro na ako yung pinandiriin niya. Hah! Baka nagsisisi na ito dahil ang guwapo ko!


"Y-you..."


"What?" Wow. Nakakapag-English pala ako.


"Ang FC mo!"


Sumigaw siya sa loob ng tricycle kaya huminto ito. Naalarma siguro si Manong. Agad naman niya itong sinenyasan na wala lang yon.


Wow. Napakataray naman talaga ng babaeng to pero di bale, maganda naman siya kung tutuusin. Para siyang Heavenly Body na ibinaba sa Earth.


Bakit? Well, three impressions na makikita sa kanya.


Cold. Beautiful at hard to reach. Para siyang kometang ibinagsak sa lupa. Teka? Alien ba siya? May ganto bang kagandang alien? Ano kayang specie niya kung ganon?


"Anong pangalan mo?" Inirapan niya lang ako kaya inulit ko,"Hoy miss, anong pangalan mo?"


Isinalpak niya ang earphones sa tainga niya at pinindot ang gilid ng cellphone niya. Hala? Minax volume niya? Sh*t. Ayaw niya ba akong kausap? Bad breath ba ko?


Napailing ako sa naisip ko dahil nag-toothbrush ako. Imposibleng bad breath ako. Sadya lang talagang mataray at suplada ang babaeng to.


Parehas sila nung isa nilang tropa ni Dianne na maputi at mahaba ang buhok. Yung mala-white lady. Parehas silang cold, hard to reach at maganda pero iba talaga itong babaeng kasama ko.


Story of UsWhere stories live. Discover now