"Alam mo Hails, obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano ka talaga para sa kanya. Kasi sarili mo lang ang pinapahirapan mo kakaisip. Na-iistress ka lang Hails."
"Alam mo Hails, obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano ka talaga para sa kanya. Kasi sarili mo lang ang pinapahirapan mo kakaisip. Na-iistress ka lang Hails."
"Alam mo Hails, obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano ka talaga para sa kanya. Kasi sarili mo lang ang pinapahirapan mo kakaisip. Na-iistress ka lang Hails."
"Argh!" Pinunit ko yung panlimang papel na atang pinagsusulatan ko ng speech dahil sa sobrang frustration.
"Oh Hails? Anong meron?" Matalim kong nilingon si Ryde na agad nagtaas ng kilay,"Bakit? Anong ginawa ko?"
"Argh! Kasalanan mo to!" Hinampas ko yung braso ni Ryde na ikinabigla naman niya.
"Ano ba Hails? Masakit ah?"
Inirapan ko siya,"Eh kasi naman Ryde! Gulong-gulo na ako! Ayoko na talaga!"
"Kung ayaw mo ng talaga, edi ayawan mo. Hindi yung nagdadalawang-isip ka pa. Ano bang problema doon?"
Napaisip ulit ako sa sinabi ni Ryde. Kahit kailan talaga, palaging matino ang nasasabi nito sa mga ganitong bagay.
"Oh ano? Di'ba tama ako?" Nakangisi siya ngayon kaya inirapan ko,"Wews. Ayaw pang umamin na tama ako."
"Oo na, may tama ka na." Binelatan ko siya,"Sa utak."
"Grabe ah! Hard naman!" Nag-pout siya kaya natawa ako.
"Truth hurts!" Asar ko kay Ryde.
Kaya nga ayun, iniwasan ko si Zach. Halos hindi na nga ako lumalabs ng room dahil alam kong palagi siyang nakatambay sa corridor namin.
"Hailey, hinahanap ka ni Zach. Anong meron?" Tanong ni Rica pero nilingon ko lang siya at hindi sinagot. Nakatanggap tuloy ako ng palo sa braso na agad ko namang ininda.
"Aray! Masakit ha?"
"Ikaw kasi! Ayaw mo pang sabihin sa'min! Kahit si Dianne, walang ka-ide-ideya sa kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Ano ba talaga 'Lei?"
Napabuntong-hininga ako,"Iniiwasan ko siya."
Marahan lamang na tumango si Rica na ipinagtaka ko. Siya kasi yung taong mausisa na kahit ata dahilan kung bakit nag-e-exist ang kuto ay gustong-gusto alamin. Hmm? May problema rin siguro ang isang to.
"Rica." Lumingon siya,"May problema ka no?"
"Ha? Problema? Wala no. Ako pa ba?"
"Tss. Magsisinungaling ka na nga lang tapos sa'kin pa? Ano bang nangyari? May conflict sa story ng buhay mo?"
Malungkot na tumangosiRica kaya niyakap ko siya na sinuklian din naman niya ng yakap din. Siguro nga ganito talaga, lahat ng tao may problema. Hindi man halata pero palaging meron.
Totoo yung quote na 'We're all battling different demons in different levels in this sane world we're living in'
"Salamat Hails." Sabi ni Rica at kumalas sa yakap.
Ngumiti ako,"Wala yun! Ano? Kailan ba namin maririnig yan? Or O think...sa sarili mo na lang?"
Malungkot siyang tumango kaya ngumiti na lang ulit ako dahil naiintindihan ko naman siya.
YOU ARE READING
Story of Us
Fiction généraleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...