Hailey's POV
Time flies so fast. Eto nga at pangalawang araw na namin sa paglilinis ng bakanteng lote and hindi ako pinapansin ni Zach. Ewan ko ba doon but he and Ryan always fight.
I wonder kung magkaano-ano sila. Are they bestfriends? Probably no kasi si Migs ang bestfriend ni Zach. Uhmm, friends? Possible but no. Saan ka naman kasi makakakita ng magkaibigan na palaging nagbabangayan?
Oh. Siguro ganon talaga. May ganon naman kasing magkakaibigan hindi ba? Yung palaging nagtatalo at nagkakainisan. Malay ko ba, baka nga close friends pa silang dalawa.
But siguro, my hypothesis is not true. Cannot be true rather. Why? Tsk. Kasi for the third time around, I saw them fighting AGAIN.
Pero this time, hindi ko sila inawat. Pinabayaan ko. Baka kasi may kailangan silang ilabas sa isa't-isa. Kaya ayun, pagkatapos kong ibaba ang bag ko, umupo na lang ako sa may upuan dito sa bakanteng lote at hinihintay na matapos sila Ryan at Zach sa pagbubugbugan.
"Ano? Pvtang*na mo kasi Zach! Bakit ba?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Ryan sa buong paligid. Buti na lang ako lang tao dito.
Lumapit ako doon para manood pero sa gilid lang. Ayoko naman kasing makita nila ako at maabala pa ang pagsusuntukan nila. I'll go with that motto: you want it, you'll get it.
"Pvtang*na mo rin! Layuan mo si Hailey!" What? Ako? Anong ako?
Sinuntok ulit ni Zach si Ryan pero bumawi ito,"Bakit? Anong meron kay Hailey? Hindi ba may Mika ka na?!"
"Pvta. Basta nga layuan mo siya!" Isang suntok ulit ang ibinigay ni Zach kaya naman nagdugo na ang labi ni Ryan.
Pinunasan ni Ryan iyon,"T*ngina Zach."
"T*ngina mo rin Kuya." Kuya?! Did he just say 'Kuya'? Bakit? Magkaano-ano ba sila?
"Don't call me 'Kuya'."
"Bakit Ryan? Hindi mo ba talaga matanggap na ako ang nagustuhan ni Mika at hindi ikaw? Ha? Mag-move-on ka na!"
Ano daw? Si Mika? Hala?
"Pvta. Pinsan pa naman kita Kuya." Nagulat na lang ako nang pinunasan ni Zach ang gilid ng mata niya. Umiiyak siya?
At ano daw? Magpinsan sila?
"Pvtang*na Ryan." Isang suntok pa ang pinakawalan ni Zach bago siya umalis habang si Ryan ay naiwan lang doon na nakaupo sa may mga damuhan sa gilid.
And for the first time, I saw sadness visible on Ryan's face.
Kaso hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, susundan ko ba si Zach o iko-comfort ko si Ryan?
I guess I should choose the latter.
"R-Ryan..." Naglakad ako papunta sa kanya habang siya ay dahan-dahang lumilingon. Nagulat pa nga ata.
"Kanina ka pa dyan?"
"Uhh." Will I be honest?
"Ano?" Tumaas na ang kilay niya. Ako naman ay natameme na lang, hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo. Argh! Sige na nga!
"Actually oo at narinig ko...lahat."
Mukha namang hindi siya nagulat nang sinabi ko na narinig ko ang lahat dahil tumango lang siya. Pero sinenyasan niya akong maupo doon sa tabi niya kaya sinunod ko.
Buti na nga lang talaga at naka-set sa uwian ang community service namin kaya okay lang kahit mag-stay ako dito kasama si Ryan.
"Doon tayo sa lounge. Ako nang bahala sa'yo." Turan niya sa'kin kaya tumango na lang ako. Nagulat pa ako nang tinulungan ako nitong makatayo.
I mean, ang isang Neil Ryan Reisler pala ay kayang maging gentleman? Just wow!
Pero mas nagulat ako nang imbis na bitawan ang kamay ko pagkatayo ko ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak doon. Hindi ko tuloy mapigilan ang kung anong init sa loob ng katawan ko. Oh God, feeling ko nagba-blush ako.
"Ryan..."
"Please Hailey. Hayaan mo muna ako. I just need...someone."
Sa pagkasabi niya ng salitang 'someone', I saw the pain, the sadness, the loneliness and desperation. Hindi ko tuloy mapigilang hindi makaramdam ng awa para sa kanya. Maybe he's keeping this feelings for so long?
I let out a deep sigh saka tumango,"Okay."
Ngumiti si Ryan saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at kahit na medyo awkward ako sa ginagawa niya, pinabayaan ko na lang. He needs comfort eh.
Pagkadating namin sa lounge ay pinaupo niya ako sa sofa habang siya ay kumuha muna ng inumin sa ref na naroroon din. Tahimik lang akong nakatingin sa mesa niya na punong-puno ng kung ano-anong mga papeles.
Siguro ang hirap maging presidente ng school. Intindi dito, intindi doon. Sulat dito, sulat doon. I'm glad to be the secretary though, mas magaan pa pala ang trabaho ko.
"Uhmm. Coke?"
Tumango ako at kinuha yung baso sa kanya. Natutuwa ako at coke ang kinuha niya imbis na yung alak na nandoon (yes, allowed ang liquor dito sa school, hard man o light)
Pasalampak siyang umupo doon sa sofang katabi ko at nagbuntong-hininga. Na-conscious ako sa posisyon namin. First time to eh. First time kong nakatabi ang presidente naming tinaguriang 'anti-social'.
"Feeling better?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya,"Thank you."
Tumango na lang din ako. Ano pa bang sasabihin ko? Hindi naman kasi ako marunong mag-comfort ng lalaki, babae lang especially sila Dianne.
Nagulat lang talaga ko nang biglang nagsalita si Ryan. Muntikan pa nga akong mapatalon sa gulat. Hindi naman kasi nang-iinform na magsasalita pala siya.
"Seriously, kami ni Zach---"
"Magpinsan kayo." Nagulat siya nang bigla ko siyang pinutol sa pagsasalita,"And nag-away kayo...ugh...because of Mika?"
Malungkot siyang tumango,"Yeah, I don't know how to explain it pero oo, nag-ugat ang lahat dahil kay Mika. Gabi iyon, I was about to ask her to be my girlfriend but she said no. I asked her why tapos pvta.
"Dahil pala kay Zach. Kasi sila pala ni Zach yung nagkakamabutihan habang nililigawan ko si Mika. T*ngina kasi eh, bakit ba kasi ako nagpatulong kay Zach? Ayun tuloy, silang dalawa ni Mika ang nagkapalagayan ng loob."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko.
"And it's cruel Hailey. Ang sakit para sa'kin. Biruin mo yon, Zach amd I we're bestfriends before Mika came and then bang, biglang nawala yon lahat."
Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon,"R-Ryan...there's hope. There's always a light behind this darkness within yourself."
Malungkot na tumingin si Ryan sa'kin at inilapag ang basong hawak niya sa mesa. Na-mesmerize ako sa anggulo ng mukha niya. Magkahawig kasi talaga sila ni Zach.
Nagulat lang ako nang hinawakan niya ang aking kanang pisngi at dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
At first I can feel his breath, then my heary racing. Kinakabahan ako because I know this scene so well, I know that if I'll fail to control myself, my first kiss will happen right at this moment.
"H-Hailey..."
Napapikit na ako nang sabihin niya ang pangalan ko. Something in his tone makes me sleepy. I think my first kiss will really be taken by Neil Ryan Reisler...
...or so I thought.

YOU ARE READING
Story of Us
Fiction généraleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...