"Sinusundan mo ba ako?"
Napataas ako ng kilay sa guwapong assumerong ito. Seriously? Siya susundan ko? Aba, napaka-kapal naman ng mukha niya.
"Hoy Mr. President. Hindi ba pwedeng paliitin mo yung ulo mo? Ang laki eh, puno ng hangin. Medyo hindi applicable sa panahon ngayon."
"So sinusundan mo nga ako?"
"Malamang hindi. Bakit naman kita susundan? Tingin mo ba interesado ako sa buhay mo?"
"Malay ko ba and oh, napansin ko lang..."
Iritado ko siyang binalingan,"What?!"
"You're ditching class. First warning, Ms. Castillo. First warning."
Hinarap ko siya. Nakakabw*sit na kasi eh, t*ngina. Kanina pa SILA. Si Ryde, si Zach at itong Ryan na to!
"Ano? Asar na asar ka pa ata?" Nakangisi siya,"Bakit? Akala mo paparusahan kita? Wag kang mag-alala, para sa'yo, hindi magiging ganon kabigat."
Iritang-irita na ako sa mundo at dahil pinepeste ako ng isang to, ayun, sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas sa braso. Ininda niya pa yon.
"What the fvck! Ano ba?!"
"Ano ka rin!" At tinalikuran ko siya.
Nakakainis! Nakakairita! Sana talaga sakmalin na lang silang lahat ng isang malaking dinosaur! Kasi kung hindi, ako mismo kakain sa kanila isa-isa!
Hindi na ko pumasok sa klase, hahabulin ko na lang siguro yung mga lessons basta I need space. I need air. Hindi ko ata kakayaning makatabi si Ryde na ganon makitungo sa'kin. No way. Ayoko ng Ryde na ganon.
Pumunta ako sa canteen para bumili sana ng croissant kaso nakasalubong ko ang demonyitang itago na lang natin sa pangalang Rona.
"Oh? Saan ka nag-cutting?"
Tinaasan ko muna ang kilay ko bago sumagot,"Eh ikaw? Saan ka lumandi?"
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko kaya napangisi ako at tinalikuran na siya kaso etong demonyitang to, ayun! Itinulak niya ako kaya muntik na akong masubsob sa table.
Aba t*ngina. Hindi ako papayag na isang demonyita lang ang tutulak sa'kin. Tinulak ko rin siya pabalik, mas matindi nga lang. Napaupo kasi siya sa sahig at alam kong nasaktan siya base na rin sa reaksyon ng mukha niya.
"Ano? Masaya bang bumalik ang karma sa'yo?"
Ngumisi pa ako ulit. Akala ko kasi ay hindi na sasagot si Rona pero makapal ang mukha, sumagot pa. And take note, English ang sagot niya!
"Wait my revenge Hailey! Wait for my revenge!"
Natatawa akong lumingon sa kanya dahil ang weird niya pakinggan lalo na't hindi talaga bagay sa kanya ang magsalita ng English. Oh my goodness! Ang laking joke nito!
"Why Hailey? Is funny what?"
Tuluyan na kong humaglapak ng tawa dahil sa pangalawa niyang sinabi. Mag-E-English na lang kasi, mali pa ang grammar!
"Oh my God Rona, minsan i-try mong bumalik ng Grade 1, para naman matuto kang mag-English ng maayos." Umirap ako,"My God. I can't believe that you're running for valedictorian."
"Aba!" Nagulat ako nang dinaganan ako ni Rona at sinabunutan. Syempre, dahil isa akong diyosa, sinabunutan ko rin siya. Hindi naman kasi ako papayag na gagantuhin lang ako.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...