"Mi bakit mo pinakita?!" Rinig ko si Hailey mula sa kusina nila. Tumawa lamang si Tita dahil doon,"Mi naman, seryoso kaya ako dito..."
Napailing na lang ako habang nakatingin pa rin sa mga pictures niya. Ang cute-cute ni Hailey kahit na noong bata pa. Hindi kataka-takang ganito siya kaganda ngayon.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbubukas ng pintuan. Napatayo ako bigla dahil baka yung tatay na ni Hailey yon. Syempre, kailangan kong maging magalang.
Pero hindi pala tatay ni Hailey...
"Z-ZACH?!" Halos lumuwa ang mata ni Dianne nang makita ako doon. Ako naman ay awkward na ngumiti at kumaway.
"H-Hi?"
Bago pa makapag-react ulit si Dianne ay hinila na siya ni Hailey paakyat. May ibinulong ito kay Dianne na hindi ko alam kung ano. Tumango si Dianne at napatingin sa direksyon ko...
Ano kayang ibinulong ni Hailey sa kanya---?
"ZAAAAAACH! Buti naman at na-realize mo na ang lahat!" Malakas na tinapik-tapik ni Dianne ang balikat ko. Pero maya-maya ay humina iyon, napalingon ako sa kanya at laking gulat ko nang nakita ko siyang masama ang tingin sa'kin.
"B-Bakit?"
Tumikhim siya at sumeryoso,"Wag na wag mong sasaktan si Hailey. Kung ayaw mong mapaaga ang paglalakbay ng kaluluwa mo..."
Tumango ako. Alam ko kung gaano nagmamalasakit si Dianne kay Hailey, noon pa man, alam kong mahal na mahal nilang tatlo si Hailey.
Pagkaakyat ni Dianne, tinabihan naman ako ni Hailey. Tahimik lang siyang kumain sa tabi ko. Ako naman, pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
Partida, katabi ko pa lang si Hailey pero ganito na ako. Ganunpaman, walang-wala to sa naramdaman ko kanina nung naghalikan kami.
"Zach."
Hindi muna ako lumingon. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko pero hindi talaga ko lumilingon. Wala lang, ang sarap-sarap pakinggan na binabanggit niya yung pangalan ko.
"Zach naman eh! Bahala ka nga," Pabulong niyang sigaw. Doon ko siya nilingon at napangiti ako nang nakita ko siyang nakapout. Nakakaakit, baka mahalikan ko to ulit.
Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya dahil sumeryoso agad ang mukha niya,"Ayan, I finally got your attention!"
"Bakit ba?"
"Uhmm, look at this," Inabutan niya ako ng papel tapos ngumiti siya,"Ilang months na akong pinapadalhan ng libro niyan eh. Actually, may pinadala siya ngayon... I mean kanina pala."
Pinigilan ko yung ngiti ko habang ipinapakita ni Hailey yung natanggap niya doon sa nagpapadala sa kanya ng libro. Nagkukwento rin siya tungkol sa mga card na nakadikit doon sa mga libro. Araw-araw daw na nagpapadala yon, walang palya. Kaya nagtataka na siya kung sino ba yung taong nagbibigay sa kanya ng libro.
"Natatakot na nga ako kasi baka stalker. Kaso ang gaganda nung mga librong binibigay niya and I can't resist books." Kumunot ang noo niya nang napatingin sa'kin,"Bakit ka nakangiti dyan? Kilala mo?"
Magsasalita pa lang sana ako nang bumukas ang pintuan. Tumakbo kaagad doon si Hailey. Hindi ko makita kung sino yung dumating pero biglang nagtayuan ang mga balahibo ko nang narinig ko si Hailey.
"Kamusta 'Dy?
At nalunok ko yung laway ko nang narinig ko yung boses ng Tatay niya. Nailigpit at naiayos ko pa yung mga upuan.
YOU ARE READING
Story of Us
Ficção GeralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...