Opening

338 7 2
                                    

Opening


Mykonos,Greece

Inaayos ko ang mahabang manggas ng aking polo, ito ang araw na uuwi ako pabalik ng Pilipinas. Halos ilang buwan din ang inilagi ko dito para magbakasyon. It's been two years since pinayagan akong mag-travel ng parents ko.

I have been to Greece since I was a kid. I literally fell in love with its sunset. Their sunset is one of the most beautiful thing in this world. A beautiful way of saying goodbye, at least that's what I think. Kaya naman paminsan-minsan ay binabalikan ko ang lugar na ito. Mykonos, Greece is my Safe Haven, literally.

Nagtitiklop ako ng natitirang damit at pumasok roon si Ms. Delilah kapitbahay at caretaker ng paupahan na tinutuluyan ko.

"Fevgete? (Are you leaving?)" tanong nito sa akin.

"Nai (Yes)" nakangiti kong sagot at niyakap niya ako.

"Na prosecheis (take care)" aniya at tumango ako.

"Antio sas (goodbye)" paalam ko sa kanya at lumabas na ito ng pintuan.

Inihanda ko ang aking maleta saka binuksan ang pinto ng tinutuluyan kong paupahan. Pumara ako ng isang cab at sumakay roon patungong airport.

Habang bumibyahe ay binuksan ko ang aking cellphone at naglabasan ang mga mensahe ng ilan sa mga kaibigan at kakilala ko.

Puro pangangamusta at kung ano-ano lang ang laman ng kanilang mga mensahe. Papatayin ko na sana ang cellphone nang biglang tumawag si Mila, isa sa mga malapit kong kaibigan.

Nakilala ko si Mila nung highschool siya nang minsan ay muntik ko ng mabangga noon. Nagtalo pa kami noon hanggang sa unti-unti ay naging malapit kaming magkaibigan.

Mabait at maganda si Mila at aaminin kong minsan ay nagkagusto rin ako rito. Pero sa ngayon ay magkaibigan na lamang kami. Sinagot ko ang tawag niya at bago pa man ako makapagsalita...

"Kuya!" anang nya sa kabilang linya, halos mailayo ko ang aking cellphone sa sobrang tinis ng boses nya.

"Oh, bakit?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga gusali sa labas ng bintana.

"Uuwi ka na, ngayon?" tanong nya

"Oo, bakit?"

"Tinatanong ni George."

Saglit akong natahimik nang marinig ang pangalan ng taong binanggit niya.

"Talaga?" tanong ko sa kanya.

"Oo, inaabangan na nga niya, eh..." sabi nito at tipid akong ngumiti.

Si George, isa sa mga highschool bestfriends noon ni Mila. Madalas siyang i-kuwento sakin ni Mila at sinabing may gusto raw ito sa akin. Naalala ko pa nung minsan nakita ko siyang parang baliw na nagtatatalon sa may school fountain nila na kamuntikan niyang ikadapa. Halos mamula ako sa kakatawa noon habang pinagmamasdan sila sa malayo.

Tumingin ako sa labas at napagtantong malapit na pala ko sa mismong airport.

"Sige na, malapit na ko sa airport. I'll call you soon." paalam ko rito.

"Bye, Kuya! Have a safe trip!" aniya saka binaba ang linya.

Pinatay ko na muli ang aking cellphone at saktong huminto ang cab sa harap ng airport. Binayaran ko ang driver at saka bumaba kasabay ng aking maleta.

Pumasok ako sa loob at agad nagcheck-in. Sakto ang aking pagdating sa airport dahil ilang minuto na lang ay aalis na rin ang eroplano. Dumiretso na ko sa eroplano at naghintay sa paglipad nito. Halos labing-isang oras ang itatagal ng aking biyahe. Alas-otso pa lamang ng gabi ngayon at batid kong umaga na ko makakarating sa Pilipinas

"PASSENGERS, WE ARE NOW LEAVING MYKONOS, GREECE. FLIGHT NUMBER AC-021496...PLEASE SIT BACK AND RELAX. AS WE MOVE TO OUR NEXT DESTINATION: MANILA, PHILIPPINES. " ani ng babae sa speaker.

Inilagay ko ang built-in headphones sa aking kinauupuan saka shinuffle ang playlist nito, at tuluyang ipinikit ang aking mga mata para matulog sa isang mahabang byahe.

Saglit akong nagising at tinawag ang isang flight attendant.

"Can I have a bottle of water please?" ani ko at mabilis niya akong inabutan ng isang bote ng mineral water. Uminom ako roon at agad nilagay iyon sa aking tabi. Sumilip ako sa bintana ag madilim pa rin ang paligid. Kitang-kita ko ang mga nagkikislapang ilaw ng mga siyudad sa ibaba

"Is there anything you want, Sir?" tanong sakin ng attendant at umiling na lamang ako.

Umalis na ito para tumingin sa pangangailangan ng ibang pasahero.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon. I texted my mom at sinabing pabalik na ko ng Pilipinas at kasalukuyang nasa biyahe ngayon.

She immediately replied to me and told me that she's currently in New Zealand as of now. Matagal ng nagta-travel si mommy sa iba't-ibang bansa. Mas outgoing sya unlike ni daddy na palaging nakafocus sa business.

Our family owns an architectural company called Lineage. May iba rin kaming business gaya ng agriculture or farming. But those business were handled by dad's brother.

Isinalpak ko na lamang muli ang built-in headphones at nag-play ng isang kanta. Habang nakikinig ng musika ay nag-iiscroll ako ng mga messages sa email. Most of it ay galing sa Lineage and I chose to ignore it.

Pinatay ko na ang cellphone ko at saka umayos dahil nakaramdam na muli ako ng antok. Ipinikit ko ang mga mata ko para sa pagtulog. Ngunit ilang saglit lamang ang nakalipas ay nagitla ako ng biglang mahila ang headphones ko.

Nagising ako at nadatnan ang isang bata sa harap ko. Agad naman siyang kinuha ng sa tingin ko ay mommy nya.

"I'm sorry, Sir." pagpapaumanhin nito at agad na kinuha ang bata sa harap ko. Binalik ko na lamang uli ang headphones sa aking tenga nang biglang tumugtog roon ang pamilyar na kanta.

It's one of George's favorite according to Mila. Kasabay noon ay bumuhos sa akin ang mga alaala nung una ko siyang makilala dahil sa mga kwento ni Mila. How eager she was to see me na kahit ano ay inaalam nya tungkol sakin. Kahit pa na aware ako na minsan ay simasadya kong hindi magpakita sa kanya bukod pa sa minsan din wrong timing scenarios namin dahil akala ko ay susuko rin sya. But then, I underestimated her dahil hanggang ngayon sabi ni Mila ay ako pa rin ang gusto nya.

Kaya naman ngayong pabalik na ko ng Pilipinas. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang naghihintay sa amin. Sa aming dalawa sa oras na payagan na ng tadhana na magkita kami.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon