Episode 036

33 1 0
                                    

Episode 036


Tumayo ako matapos ang kanta at agad dumiretso sa comfort room sa first floor ng villa. Naghilamos ako at agad na napatitig sa salamin. Sumunod si Wanda sakin at nag-aalalang tumingin ito sa akin.

"George?"

Pinunasan ko ang mukha at luha ko bago siya hinarap. Bakas sa mga mata niya ang labis na pag-aalala sa akin.

"Sorry, bumalik ka na dun. Susunod na ko," sabi ko at umiling siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Hindi, ayos lang yun...Kailangan mo ng kasama kaya tara muna sa kwarto. Doon tayo mag-usap." aniya at hinila ako palabas ng CR.

Inalalayan nya ko papasok sa loob saka nya nilock ang pinto para hindi kami maistorbo. Naupo ako sa dulo ng kama at siya naman ay kumuha ng isang upuan at naupo roon paharap sa akin.

"What happened?"

"He still loves me" sabi ko at agad napahagulhol doon. I covered my face with both hands at patuloy na humikbi sa lahat ng nararamdaman.

Hinaplos nya ang likod ko habang nakikinig sa lahat. All of my sentiments, my feelings and my thoughts about him were released in front of her. Kung gaano kahirap sa akin na itago ang totoo kong nararamdaman para sa kanya dahil sa takot na baka masaktan na naman ako dahil sa kanya.

"Aaminin ko na mahal ko pa rin sya at walang nagbago roon. Pero natatakot na ko, Wanda."

"Mahal ka nya, mahal mo sya. Bakit ka natatakot?" naguguluhang tanong ni Wanda.

"Dahil ayokong masaktan si Vini. He's too good for me at kaibigan sya ni Tris .Baka masira ang partnership nila dahil sakin at ayokong mangyari yun. Isa pa, natatakot na rin akong masaktan niyang muli."

"Mahirap nga yan, George. Pero kailangan mo sabihin kay Sir Vini ang totoo. He deserves to know the truth, and besides mas lalo kang mahihirapan kung patuloy mo lang itong itatago." sabi nya at napatungo na lamang ako. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa aking kamay at tumunghay sa kanya.

"Hindi ko alam, Wanda" ani ko saka bahagyang napailing sa kanya.

"You need to decide right away, George." sabi nya at halos mapatalon kaming dalawa nang biglang may kumatok sa pinto.

"Georgina, ayos ka lang?" boses iyon ni Vini kaya naman nagmadali kaming nag-ayos ni Wanda.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at inayos ang aking sarili. Naglagay ako ng powder at tumulong si Wanda sa pagsusuklay ng aking buhok bago namin binuksan ang pinto.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Vini at tumango ako saka siya nginitian.

"Oo naman, uhm...pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko at tumingin muna siya kay Wanda bago tumango sa akin.

"Sure..."

Nilingon ko si Wanda at nakita ang pag-ayon niya sa gagawin ko. She even gave me a two thumbs up bago ko sinara ang pinto ng kwarto namin.

Naglakad ako palabas at nadaanan namin si Tris na nag-aayos na ng mga baso roon. Nakatingin sya samin habang palabas ng villa habang si Vini naman ay nakasunod sakin palabas.

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong nya nang makarating kami sa tabing dagat.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago sya hinarap. He's standing in front of me both hands are on his pockets. Ang liwanag mula sa poste ng ilaw ng villa ang nagbibigay liwanag samin. Malakas ang simoy ng hangin at tanging hampas lang ng alon ang maririnig.

"Alam kong matagal na din tayo nagkakilala...naging mabait kang boss sakin at sa mga kapwa ko empleyado. Hindi ko rin inaasahan na magugustuhan mo ko. Kasi, kahit ako ay hindi naisip yon. Dahil alam ko kung gaano ka ka-professional. At hindi sumagi sa isip ko na magugustuhan mo ko. Dahil sa isip ko ang mga tipo mong babae ay yung mga mala-modelo at galing sa kilalang pamilya at ako naman ay executive assistant mo lamang. Kaya hindi ko inaasahan ito... mabait ka Vini, aaminin ko pero..."

"Pero mahal mo si Tris? Tama ba?" biglang dugtong niya sa sasabihin ko.

Nagulat ako roon at ngumiti naman sya. Ngumiti siya kahit bakas sa mga mata niya ang sakit at lungkot. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinaplos iyon.

"Alam ko na lahat Georgina, nag-usap na kami ni Tris kanina matapos mong umalis sa bonfire. He told me everything, at halata ko rin naman sa kilos nyo...I'm not that stupid or numb para hindi maramdaman na may namamagitan sa inyong dalawa ni Tris. I also overheard your conversation with Wanda dahil sinundan ko kayo pagkatapos sabihin sakin ni Tris ang lahat. Iniintay ko lang na sabihin mo mismo sakin at wag kang mag-alala, hindi ito makakaapekto sa partnership as well as friendship namin."

"Vini" nag-aalalang sambit ko at hinawakan niya lamang ang pisngi ko gamit ang isang kamay.

"Aaminin ko...masakit, na malaman na may iba kang mahal o gusto. Pero handa akong tanggapin yun, basta ipangako mo sakin na magiging masaya ka. Mahal kita, and you deserve to be happy with him. Mahalaga kayo sakin ni Tris and I'm willing to give way just for the both of you..."

Bigla ko syang niyakap sa sobrang di maipaliwanag na dahilan. Akala ko mahihirapan ako pero parang pinadali nya ang lahat. I somehow felt that how can I deserve this kind of love. Naisip ko na maswerte ang babaeng mamahalin niya dahil kahit ako mismo ay naramdaman iyon. That I wish for him to find someone who is worthy of his love.

"I'm sorry, Vini but thank you so much. Thank you for everything." sabi ko at agad bumitaw sa kanya.

Subalit nagulat ako nang makitang nakatayo roon si Tris seryoso ang tingin sa amin. He was standing a few meters away from us. At mukhang kararating niya lamang din doon.

"Tris..." tila hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Blangko ang kanyang ekspresyon at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Tris..." pagtawag ko at akmang lalapit sa kanya.

Bumitaw sakin si Vini at hinayaan akong pumunta sa kinaroroonan niya. Ngunit bago pa man ako makalapit ay umiling sya at mabilis na naglakad palayo samin.

"Tris..."

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon