Episode 026
This is the second half of the story, written in George's Point of View.
Mykonos, Greece
1 year later.Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada ng Mykonos habang bitbit ang ilang folders sa aking kanang kamay at isang bag naman sa kaliwa. Bago ako nakarating sa building na pinagtatrabahuhan ko ngayon.
Sobra-sobra ang kaba ko habang tinitingnan ang pag-andar ng numero sa elevator. Panay rin ang pag-aayos ko sa aking sarili dahil wala na kong oras kanina sa sobrang pagmamadali. Tinanghali kasi ako ng gising matapos ang tawagan namin kahapon ni mama sa Pilipinas.
"Good morning, George!" bati sa akin ni Wanda, isang Fil-Am na nagtatrabaho dito sa Greece at kaibigan ko rin.
"Andyan na ba si Sir Vini?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga folders na dadalhin ko roon.
"Oo, mainit ata ang ulo..." bulong nya at mas lalo akong kinabahan.
"Patay, sige salamat." tumakbo ako paakyat sa opisina ng aking amo at hindi pa man ako nakakapasok ay batid kong may kausap na ito sa kanyang telepono.
"Oo na Terrence. Wag ka ng makulit, sige na" he said at agad binaba ang telepono.
Mabilis kong pinunasan ang pawis ko at huminga ng malalim.
Kumatok ako sa pintuan ng kanyang opisina at agad syang napalingon doon."You're fifteen minutes late, Miss Georgina." aniya at napangiwi ako sa pagtawag nya ng buo sa aking pangalan. He usually calls me that way kaysa sa palayaw ko and wala naman kaso sakin kung ano mang itawag niya sa akin.
"I'm sorry, Sir. By the way ito na po yung reports na pinapagawa ninyo sakin from last week." sambit ko at nilapag ang mga folders na dala ko kanina sa kanyang mesa at isa-isa nya iyong tiningnan.
"It's good" tipid nyang sagot
"Thank you, Sir."
"What's my schedule for today?" tanong nya at agad ko naman sinabi sa kanya ang mga schedule nya ngayong araw.
"Today you will have a meeting with new client at exactly 10 am, Lunch with Mr. Kara at Thioni Restaurant." ani ko
"Is that all?" tanong niya.
"Yes, Sir" sagot ko
"You may leave now" aniya at tumango naman ako.
Pagkalabas ay nasalubong ko si Wanda na nakaabang sa tapat ng opisina ni Sir Vini. Agad syang lumapit sakin at hinila ako palayo roon.
"Ano, napagalitan ka?" tanong nya
Umiling ako at nginitian sya pagkatapos ay nagpakawala sya ng isang malalim na hininga.
"Buti naman, alam mo ba pagpasok pa lang nyan kanina hinahanap ka na nyan? Nasaan na raw si Georgina! Tapos iyong guard sa labas napagalitan pa."
"Baka naman, may nangyari kanina."
"Ewan ko ba, lakas maka-moody nyang si Sir. Sayang at gwapo pa naman."
"Huy, may Zach ka na. Pag narinig ka noon lagot ka." sita ko sa kanya at umirap naman siya.
Naglakad kami pabalik sa aming opisina at sinimulan na ang trabaho. Mga alas-dose ay kumatok si Wanda sa aking pintuan dahilan para tumigil ako sa ginagawa at bumaling sa kanya.
"George! Tara mag lunch" aya nya at tumango ako.
"Sige!" inayos ko ang mga gamit kong nakakalat doon at sinara ang aking laptop. Kinuha ko ang wallet at phone ko saka sinuklay ang aking buhok.
Palabas na ko nang biglang may tumawag sa akin via video call at mabilis ko iyong sinagot.
"Hi George!" si Mila kasama sina Carlos.
"Hi! Kamusta kayo?" tanong ko habang lumalabas sa opisina.
"Ayos naman kami, ikaw?" tanong ni Carlos
"Ayos lang, sakto at lunchbreak namin dito."
"George! Let's go!" si Wanda na halatang naiinip na sa akin.
"Sino yun?" si Mila
"Si Wanda, officemate ko. Sige na, kakain lang kami. Bye!" sabi ko at pinatay na agad ang linya.
Tumakbo ako palapit kay Wanda at umirap naman sya sa akin. Maganda si Wanda dahil mas lumamang ang American features niya. Siya ang una kong nakilala at naging kaibigan simula nung nagpunta ako rito sa Mykonos.
"Gutom na kaya ko noh. Tara na!" aya nya at sabay kaming naglakad paalis.
Kumain kami sa isang resto di kalayuan sa aming opisina at pagkatapos ay namasyal ng ilang oras. Maraming bata ang naglalaro sa labas at mukhang nalalapit na rin ang taunang festival dito sa Mykonos. Kanya-kanya na kasi ang pag-aayos ng mga taga-roon sa kanilang mga tahanan at sa ilang mga pampublikong gusali o establishimento dito sa Mykonos.
Minsan ko ng nasaksihan ang festival dito sa Mykonos pero sadyang namimiss ko pa rin ang mga fiesta o festivals ng Pilipinas.
Naglalakad kami nang makita ko ang isang batang umiiyak sa gitna ng kalsada. Para bang nawawala ito o napahiwalay sa kanyang mga magulang. Mabilis ko itong nilapitan at agad umupo sa harap nya.
The kid looked at me with a pair of innocent eyes. Ang cute nya sa suot na t-shirt at jumper shorts.
"Hey, what's wrong?" tanong ko dito at humihikbi nyang tinuro ang sugat sa kanyang kamay.
"Let's fix this okay? Where is your mom?" hindi sya umimik at kumuha ako ng band aid mula sa aking bag at nilagay iyon sa sugat nya.
"There, see...it's gone." ani ko at tumingin siya roon sa band aid na nilagay ko.
"George! Tara na!" sigaw ni Wanda sa akin.
Tumayo ako at ngumiti doon sa bata na ngayon ako sumisinghot na nakatingin sakin.
"I'm sorry but I have to go, maybe you should go to the police so that they can look for your parents okay?"
Tumango sya pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya saka bumaling kay Wanda at sumunod.
Lumingon akong muli sa bata at isang lalaking nakaputing longsleeves shirt at khaki shorts ang lumapit sa kanya. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakatalikod sya sa direksyon namin.
Hinawakan nya ang kamay ng bata na ngayon ay nakangiti sa kanya habang pinupunasan ang mga luha. Pagkatapos ay umamba itong magpabuhat doon sa lalaki na agad naman nitong ginawa.
That must be her father...
"George!" sigaw ni Wanda at agad akong tumakbo palapit sa kanya.
"Pasensya na!" naglakad na kami paalis at nilingon ko muli ang lalaking kasama ng bata na naglalakad ngayon papunta sa kabilang direksyon.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...