Episode 001
Manila,Philippines
Bandang alas-siyete ng umaga nang lumapag ang eroplano sa Pilipinas. Pagkakuha ko ng aking maleta ay bumili ako saglit ng kape sa isa sa mga kainan doon. Uminom ako saglit habang tinitingnan ang mga tao sa labas. I also texted Mila at ang mga kaibigan namin na nasa bansa na ako.
Lumabas ako sa airport at naghintay ng isang cab. Ilang sandali pa ay may isang dumating at agad akong sumakay roon.
"Sa BGC po," sabi ko sa driver.
Mga ilang sandali ang itinagal ng aking pag-byahe. Pagkarating ay sinalubong ako ng ilang guwardya ng condominium tower na tinutuluyan ko para tulungan ako sa mga bagahe ko.
"Welcome home, Sir Tris" bati ng receptionist sa akin.
Tinanguan ko lamang siya at saka sumakay sa elevator. Tumunog ito sa penthouse floor ng building. Lumabas ako habang nakasunod pa rin sakin ang mga guwardya papunta sa aking mismong unit.
"Here's your key, Sir." sabi nung isa at inabot sakin ang susi.
Binuksan ko ang pinto at isa-isa silang sumunod sa akin.
"Pakilagay na lang diyan." utos ko sa kanila.
Sinunod naman nila iyon at mabilis na lumabas pagka-ayos ng aking mga bagahe sa loob.
Umupo ako sa couch para makapagpahinga sandali. Masyado akong napagod kahit pa maghapon naman akong natulog sa biyahe.
"Bilisan mo na..."
"Uy, ano ba!"
"Dahan-dahan ka nga!"
"Lintik, wag kayong maingay!"
"Hoy! Dito yan!"
Naalimpungatan ako sa mga ingay na naririnig mula sa kung saan. Nakasimangot akong napatayo mula sa couch at dahan-dahang lumapit sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay.
Pagkarating ay nadatnan ko silang inaayos ang lamesa na animo'y may isang malaking handaan sa dami ng pagkain na inilalapag nila roon. Kumpleto ang handa mula sa appetizers hanggang desserts ay maayos na nakahain sa lamesa.
"Putik! Wag mong kainin yan!" sita ni Ian kay Kaizer na pinapapak ang mga marshmallows sa chocolate fondue.
"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa nyo?" biglaan kong tanong at lahat sila ay natigilan saka napalingon sakin.
"Tris!" sigaw nila at mabilis na humakbang patungo sa akin.
Niyakap nila ko na halos masakal ako sa sobrang higpit nito. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa higpit ng mga yakap nila.
"Namiss ka namin!" sabi ni Kaizer habang mahigpit pa rin ang yakap sakin. Inilayo ko naman siya at sinamaan ng tingin. Ngunit ngumiti lamang ito saka bumalik sa mesa para kumain uli.
"Kuya!"
"Mila!" bati ko sa kanya...
Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang presensya nya, nagbabaka sakali kasi ako na isasama sya ni Mila rito. Tutal hinihintay nya naman daw ang pag-uwi ko.
"Mila, asan yung bestfriend mo?" tanong ko
"Sino?" takang tanong nya
"Si George?"
"Ah, busy raw hindi siya makakapupunta ngayon." sabi niya at tumango na lamang ako. Damn! Akala ko ba excited sya? Bakit wala sya ngayon dito? Niloloko nya ba ko?
"Hinahanap mo?" biglang singit niya at agad akong napatingin sa kanya.
"Hindi...Naisip ko kasi na pupunta siya dahil kagaya ng sinabi mo. Gusto niya akong makita." sabi ko
"Dami kasi laging ginagawa nun, kahit weekends meron. Saka mahigpit ang parents nun" aniya at tumango na lamang ako sa sinabi niya.
Kumuha ako ng isang strawberry saka isinawsaw iyon sa chocolate fountain na nasa gitna ng lamesa bago iyon isinubo. Ilang sandali pa ay nagbukas na si Laxus ng isang bote ng champagne at kanya-kanya kaming nagsalin sa mga sariling wineglass.
Nagkukwentuhan kami habang nagpapatugtog si Ian ng music sa stereo. Si Kaizer daw ang nakaisip ng pakain tutal ay may susi naman siya dito sa penthouse. Madalas din kasi sila tumambay rito kaya naman parang sila na rin ang nakatira rito.
Maya-maya ay narinig kong may nag-buzz kaya naman pumunta ako sa main door para buksan iyon.
"Tris!" dumating si Ate Lia kasama ang asawa nitong si Kane at ang kanilang dalawang anak na kambal.
"Ate Lia, Kane!" bumeso sa akin si Ate Lia at kinamayan ko naman si Kane. Tig-isa nilang buhat ang dalawang bata
"Hi Chi! Hi Chu!" tawag ko sa dalawang bata. Si Kane ang nakaisip ng kakaibang nickname sa kanyang mga anak. Hindi ko alam kung saan nya ba nakuha ang mga iyon.
"Hi." bati sakin ng kambal pareho silang nasa dalawang taong gulang at halos ang mga features ay namana sa kanilang dalawa lalo na kay Kane.
"Kiss your Tito Tris, baby...Go." sabi ni Lia at umamba naman si Chu sakin para halikan ako sa pisngi.
Pumasok kami at nagtungo sa kusina kung saan sinalubong din sila ng iba.
"Hoy! Lia!" nilingon namin si Mila na nakasandal ngayon sa hamba ng pintuan.
"Aba! buhay ka pa pala!" sagot ni Ate Lia rito at lumapit kay Mila para makipagbeso.
"Gaga! Pag namatay ako mawawalan ng maganda sa mundo..."
"Tse!"
Lumabas kami saglit sa kusina papunta sa salas dahil nag-iinuman sina Laxus roon.
Naupo sila sa couch para magkwentuhan kasama si Kane. Pumunta naman ako uli sa kusina para ikuha sila ng makakain doon.
Bumalik ako na bitbit ang tig-isang plato ng pasta at saka iyon nilapag sa maliit na lamesa sa harap nila.
"Tris, pakidala naman si Chi sa guest room. Nakatulog na kasi siya," pakiusap ni Lia sa akin at binigay sa akin ang bata.
Iniabot ko si Chi mula sa kanya at binuhat ito saka sila iniwan doon para dalhin ito sa guest room.
Binuksan ko ang pinto ng guest room pagkarating saka binuhay ang ilaw at aircon sa loob. Dahan-dahan kong inihiga ang natutulog na bata sa gitna ng kama.
Gumalaw siya ng bahagya kaya naman hinaplos ko ang kanyang maiksing buhok para bumalik ito sa pagkakatulog. Kinumutan ko rin sya at nilagyan ng ilang unan sa gilid para hindi ito mahulog kung sakali. Lumabas ako sa kwarto nang masigurong mahimbing ang tulog ni Chi at nabigla nang makita si Mila sa may labas ng kwarto.
"Bakit?" tanong ko
"Si George, kausapin ka daw." binigay nya sakin ang cellphone at tinanggap ko naman iyon.
Nilagay ko iyon sa aking tenga at pinakinggan ang boses nito sa kabilang linya.
"Hello?"
Napatigil ako at napapikit nang marinig ang boses niya sa kabilang linya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Hello" muling aniya at mas lalo akong hindi nakapagsalita ng walang dahilan.
Damn it !
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...