Episode 031
Kumain kami sa napiling restaurant ng mall at halos hindi ko sya matingnan dahil pakiramdam ko ay mapapatitig lang ako sa kanya. Isang taon na ang nakalipas, saan sya nagpunta? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Alam kaya ng mga kaibigan namin na nandito siya sa Mykonos?
"Pagkatapos nga pala natin dito, ihahatid na kita. San ka ba?" tanong nito at agad naman akong dumiretso sa pagkakaupo.
"Ah, sa may Chora ako." sabi ko rito at biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Carlos roon at hinayaan ko na muna iyon dahil sa nag-uusap pa naman kami.
"Talaga, dun din ako." aniya at napatingin sa phone ko na paulit-ulit na tumutunog.
"Sagutin mo na, baka importante." aniya at tumango ako.
"Sige" iniswipe ko ang phone at agad nagsalita.
"Hello, Carlos?"
"Hi, George! Kamusta ka na dyan?" tanong nito at kahit hindi nya nakikita ay ngumiti ako.
"Ayos naman,"
"Ganun ba? Kailan ba balik mo? I miss you. Actually lahat pala kami rito namimiss ka na."
"I miss you too, hindi ko lang alam kailan ang balik ko. Sige na...uhm may meeting pa ako eh" sabi ko
"Haha, sige. See you soon." at pinatay nya na ang tawag.
Humarap ako sa kasama ko na patuloy lang ngayon sa pagkain.
"So, kayo na ni Carlos?" tanong nito sa gitna ng pagkain namin dalawa.
"Wala kaming relasyon ni Carlos..." diretsong ani ko.
"Ah." tanging sabi nya at napataas naman ako ng kilay. Hindi ko kasi alam kung ano bang gusto niyang palabasin dahil sa reaksyon niya at bakit ba ko naaapektuhan?
Natatawa syang umiling sa reaksyon ko.
"Bakit?" nakangising tanong nya. Para bang sinasadya nya na inisin ako kahit hindi naman.
"Wala!" singhal ko at padabog na tinapos na ang pagkain.
"Then why are you fuming mad?" nang-aasar na tanong niya at mas lalo akong nainis.
"Hindi ako galit, saka pwede ba umayos ka."
"Why? Maayos naman ako ah." mapanuyang sabi niya.
Umirap ako dahil sa nakakaloko niyang tingin dahilan para tumawa siya.
"Why are you so mad? I'm just lighting up our atmosphere here. George."
Mabilisan kong tinawag ang waiter para sa bill at agad kumuha ng pera para magbayad, Tumayo ako pagkalapag ng bayad saka nagmartsa palabas.
Hindi ko na talaga kayang tagalan pa ito. Ayoko na talaga! Kung umasta sya parang walang nangyari. Parang hindi siya nawala at nang-iwan! I swear na kaunti na lang talaga sasabog na ko. Pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa inis sa kanya. I can feel myself breathing heavily habang pilit na iniisip kung bakit ba siya pa ang naging kliyente ni Sir Vini. Tumigil ako sa tapat ng isang railings malapit sa ilang stores para kumalma.
"Siya nga tong nawala na parang bula tapos bigla syang magpapakita ng ganun na lang? Akala mo parang wala lang, parang di sya nang-iwan!"
"Bakit ka umalis?" halos mapatalon ako sa biglaan nyang pagsulpot sa likuran ko. Tumapat pa siya sa tenga ko matapos sabihin iyon.
"Ano ba?!" singhal ko at mukhang natuwa pa sya sa reaksyon ko! Bwisit!
"Oh, bakit parang galit ka? Ganyan ka ba sa mga kliyente mo? Sige ka baka mapagalitan ka. You need me to sign the contract right?" aniya at napairap naman ako. Grabe ang galing nya gumawa ng dahilan!
"Bwisit! Tara na nga!" singhal ko at agad nagmartsa paalis doon.
Nilingon ko pa sya nang makitang tila ay tuwang tuwa sya sa reaksyon ko. The hell? Ano bang problema nya? Pinagtitripan ba ko ng lalaking to?
Ilang beses akong naglakad lakad paikot sa buong mall panay naman ang pang aasar at pangungulit nya. Minsan pa ay pumapasok sya sa mga female clothing stores at isinusukat sakin ang mga damit na pinipili nya na sya namang iniiwas ko.
"Tris...I mean, Mr.Linden may mga branches pa tayong pupuntahan. We need to go right now." iritadong sabi ko habang nakatingin sya sa dalawang klase ng neck ties na hawak nya.
Nagpunta kami ngayon sa department store matapos ang ilang oras at ngayon ay namimili siya sa dalawang neckties na hawak niya.
"Mamaya na, maaga pa." aniya at napairap naman ako.
"Nasasayang ang oras." sabi ko ngunit parang wala lang iyon sa kanya.
"Hindi kaya," pang aasar nya pa saka hinarap sakin ang dalawang neck ties. Isang kulay navy blue at maroon iyon.
"Anong bagay sakin?" tanong nya at tinuro ko ang kulay navy blue na necktie para matapos na to.
Napangiti sya bago tinawag ang saleslady at sinabing bibilhin nya iyon. Kinuha ng saleslady ang necktie at nilagay niya iyon sa isang box. Ginaya niya kami patungo sa cashier para bayaran ang binili niya.
Pagkatapos niyon ay naglakad kami palabas ng store papunta sa mga susunod na branches. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makasakay ako bago siya umikot papunta sa driver's seat. Nagmaneho sya papunta sa kasunod na mall habang panay ang pagsasalita nya.
"Do you know how to tie a neck tie, George?" tanong nya at sumagot ako ng hindi sya tinitingnan.
"No...at wala kong balak pag-aralan iyon" ani ko at nagsalita naman ito.
"Sayang," tila may panunuyang sabi nya at napairap ako.
"Bakit naman?"
"Because, it would be such a waste if my future wife doesn't know how to tie one." aniya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakangiti siya ngayon habang diretso ang tingin sa kalsada.
Anong sabi niya? Future wife?
Lumingon siya sa gawi ko dahilan para mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Kasabay noon ay bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid.
"Bakit?" tanong niya dahilan para umiwas ako ng tingin at itinuon iyon sa tanawin sa labas. Kitang-kita ko ang asul na dagat sa pwesto namin ngayon.
"Bakit ka nakatingin sakin?" he asked again at matapos niyon ay iniharap niya ko sa kanya.
I swallowed hard when our eyes met during that moment. Parang may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko noong mga oras na iyon.
"Why are you looking at me, George?" tanong niya muli at mabilis ko namang inayos ang sarili ko at nilabanan ang tingin nya.
"Wala, masama bang tumingin? Saka kung pwede mag-drive ka na? May pupuntahan pa tayo."
Ngumiti siya bago muling pinaandar ang sasakyan, tumingin naman ako sa labas para hindi na niya makita pa ang itsura ko. Itinuon ko ang atensyon ko sa dinaraanang tanawin sa labas.
As I looked outside I suddenly saw his movements through my window's reflection. Nakapatong ang isang kamay niya sa manibela habang ang isa naman ay nasa gearstick. Seryoso ang tingin habang nagmamaneho. Hindi na rin siya nagsalita pa at ganun na rin ako hanggang sa makarating kami sa susunod na branch.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...