Episode 024
Tumungo sya at pinunasan ang mga luha pagkatapos ay humarap sa akin habang ako ay bahagyang napaatras mula sa kanya. She stared at me coldly and with rage that seems like she kept inside for so long.
"You want an answer? Pero matanong kita? Bakit ba nandito ka pa?" ang kaninang kalmado nyang mukha ay napalitan na lang bigla ng matinding galit. Napabitaw ako sa kanya at sinagot ang tanong nya.
"I came back for you...because I love you." sambit ko at biglang nag-alab ang ekspresyon nya sa galit. Isang matinding galit na ngayon ko lamang nakita sa kanya.
"Bullshit! You love me? Really, Tris?! Talaga?! Kaya ba iniwan mo ko at sumama ka sa kanya? Kay Sierra? Tell me, yun ba yon?! Habang wala akong buhay sa ospital nun?! Sasabihin mong mahal mo ko?! And you expect me to believe that?! To believe that you love me?!" sigaw nya at napansin ko ang pagpasok nila sa loob.
"Anong nangyayari?" si Kaizer ngunit hindi ko sila pinansin. Dahil ang buong atensyon ko ay nasa kaharap ko ngayon. Sa babaeng mahal ko.
Mabilis ang hininga ni George kaya sinubukan kong lumapit sa kanya para pakalmahin ito. Ngunit agad din syang umatras. Papalayo sa akin, nanginginig ang mga labi at patuloy na umaagos ang mga luha.
"Don't you ever come near to me. Not this time, Tris. Tama na yung ilang beses na nasaktan ako dahil sayo. Tama na yung ilang beses akong nagpakatanga dahil sayo." mariin niyang sabi sa gitna ng paghikbi. Bakas sa mga mata niya ngayon ang sakit na nararamdaman niya para sa akin, sa amin. Tila ba'y parang nawala yung dating George na masayahin at mahiyain na nakilala ko.
"George, please. Listen to me, mahal kita at nagsisisi ako kung bakit iniwan kita noon. Kung bakit hindi kita napagtanggol noon kay Sierra. Maniwala ka sakin, please." ani ko at sinubukan siyang lapitan pa.
"Liar!" malakas na sigaw nya at dinuro ako. Lalong nabakas sa mga mata nya ang matinding galit na sa tingin ko ay matagal niyang kinimkim at ngayon ay unti-unti niyang inilalabas.
"No, I'm not. Pakinggan mo ko please. Mahal kita, George. Mahal na mahal kita, ikaw lang ang unang babaeng minahal ko. Sayo ko lang naramdaman to. Please, believe me...I'm begging you right here. Please...maniwala ka sakin, mahal kita George. Mahal na mahal." pagsusumamo ko at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha ko.
Umiling sya at patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin na pilit na nagmamakaawa sa kanya. Halos lumuhod pa ko sa kanya para lang magmakaawa na maniwala siya sa mga sinasabi ko. Dahil alam kong iyon ang totoo. Alam kong hindi ko na maitatanggi pa na siya nga ang babaeng minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon.
"Stop with all the lies, Tris. Please." she said at agad akong tumayo.
"No, George. Mahal kita at yun ang totoo. Walang kami ni Sierra at mas lalong hindi naging kami. She was just lying to you. Pinaalis ko agad sya noon sa bahay at sinubukan kitang tawagan para magpaliwanag. God knows how much I don't want to leave you before. Kung gaanong ayaw kong umalis sa tabi mo kasi mahal kita. I really do love you, George."
Nilapitan ko sya ulit at sinubukan syang hawakan ngunit agad nyang tinabig ang kamay ko.
"Ako din, Tris ako din. I love you for almost four years...pero binalewala mo yun. You took everything for granted dahil alam mo kung gaano kita kamahal, pero ano? Nagising ako na wala ka sa tabi ko. Hinanap kita noon and then I found out from your cousin, si Gabriel na umalis na kayo ni Sierra papuntang Italya? Probably settling down, or what? Now tell me, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Kung sa mismong pinsan mo na nanggaling na sumama ka sa kanya? Kahit sina Carlos ay alam na magkasama kayo papuntang Italya. Tris, tao lang ako napapagod din ako. Nakakapagod na kasing mahalin ang isang taong wala naman kasiguraduhan kung mamahalin ka ba o hindi. Nakakapagod na, pagod na kong mahalin ka."
Bigla akong nagulat ako sa mga sinabi nya sa akin ngayon. Si Gabriel? Sya ang nagsabi nito kay George? Shit!
"Pero George, maniwala ka please! Pinagsisisihan ko ang lahat ng pagkakamali at kasalanan ko sayo. I love you, George iyon ang totoo."
"Ayoko na Tris...kaya pwede ba? Hayaan mo na ko, please? Ayoko ng masaktan pa ulit nang dahil sayo."
Hindi ako nakagalaw at ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. Umalis sya sa harapan ko at pinagmasdan ko ang pag-alis nya.
Bakit umabot sa ganito ? Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko pero mas matinding galit sa pinsan kong si Gabriel. Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?! Bakit niya sinabi ang kasinungalingan na iyon? Alam naman niya kung anong nararamdaman ko para kay George. Saan niya napulot ang balitang iyon?
"Tris" narinig ko ang pagtawag ni Carlos at tinapik ang aking balikat.
"Kung iniisip mong may nangyari samin ni George, dahil sa nakita mo kanina. Wala iyon. Walang nangyari, wala kaming relasyon. I'm just helping her with her studies...Iyon lamang iyon. She was not naked this morning, she's just wearing an off-shoulder dress na mukhang nag-loose dahil sa pagtulog niya. The clothes you have found ay kay Mila pinadala nya kay George. Sinabi ko na sayo noon, she's in love with you. Pero sa puntong ito, nasaktan talaga sya sa nangyari. Halos mawala siya sa sarili nung mabalitaan ang tungkol sa inyo ni Sierra. Halos ilang araw siyang umiyak, ilang linggong tulala na halos mapabayaan na niya ang sarili. Kaya hindi mo rin siya masisisi kung natatakot na siya ngayong mahalin ka pang muli, Tris." aniya at tumingin ako sa kanila. Lahat sila ay bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Umiling ako at iniwan silang lahat roon.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Damn it! She's really mad! My girl despise me so much! She hates me now! At hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano nya ko mapapatawad. Kung paano ko siya mababawi ngayong sobra-sobra ang galit niya sa akin.
The hell have you done, Tris!
BINABASA MO ANG
Far Away
Любовные романыHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...