Episode 050: The Last Episode
Anim na araw pa ang inilagi namin sa Palawan bago umuwi sa Batangas. Sobrang tuwa at saya ang naramdaman ng lahat nang makitang buhay sya. Naiyak pa si Carlos na ni minsan ay hindi ko nakitang magkaganun.
"Gago ka! Akala ko patay ka na talaga...ni bakas mo walang nakita, tapos yun pala wala ka na talaga dun. Sa susunod aagawin ko na talaga si George sayo!" banta nito ngunit hindi naman nagpatalo ang isa at agad akong tinago sa likuran nito.
"Subukan mo lang at mumultuhin kita pag nagkataon!" singhal nito at napatawa si Carlos
"Wala ka pa rin pinagbago." natatawang sambit nito at ngumiti sa amin.
"Guys! Kain na!" tawag samin ni Mila mula sa may kusina at hindi agad kami nagsi-sunuran sa kanya dahilan para magtawag pa itong muli.
"Wag nyong paghintayin ang masarap na luto ko...Bilis! Now na!" at isa-isa kaming lumapit sa mesa.
Maya-maya ay magce-celebrate kami ng New Year sa isang hotel. Hindi ko alam pero panay ang pag-alis nilang lahat. Minsan ay kami ni Ashley o Alessa ang naiiwan. Minsan naman ay nilalaro ko si Chi at Chu dahil kakauwi lang nila galing America. Akala ko ay hindi ako makikilala ni Chi pero nung makita nya ko ay agad itong nagpakarga at yumakap sa akin.
"Ate Lia, asan po ba si Tris?" tanong ko nang mapansing malapit ng sumapit ang gabi at kailangan na namin maghanda para sa party.
"Ha? H-hindi ko alam eh...Uhm..Pakitimpla naman ng gatas yung kambal...okay lang? Salamat" at mabilis syang umalis sa harapan ko.
Pinagtimpla ko nga ng gatas ang kambal at saka iyon pinainom sa kanila.
Nakakapagtaka rin na wala pang kahit anong text si Tris sa phone ko makalipas ang ilang oras. Hanggang sa tuluyan ng sumapit ang gabi at walang Tris ang pumunta. Hindi ko na rin maiwasan pa ang mag-alala dahil kanina pa siya hindi sumasagot sa mga tawag at text ko.
Napatayo agad ako nang marinig ang isang sasakyan na pumarada sa harapan ng bahay. Mabilis akong lumabas at nakitang bumaba sina Carlos roon. Pare-pareho na silang nakabihis at nakaayos para sa party mamaya.
"Si Tris?" tanong ko at nagkatinginan naman sila.
"Di ba nya nasabi?" tanong ni Kaizer at nagtataka akong umiling at sinagot siya.
"Ang alin?"
"Nagkaroon ng emergency, pumunta siya ng Cebu kaninang tanghali." tugon ni Kaizer at mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Seryoso ba sya?
"Baka humabol sya bukas o mamaya, magbihis ka na. Aalis na rin tayo in a few minutes." si Carlos at matamlay akong umakyat sa taas.
Sinuot ko ang isang light blue na flowing halter dress at inayos ang aking sarili. I put on some light make-up and a bit of pinkish lipstick. I also added some accessories including his first engagement ring for me. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba ako sa hagdan ng hindi manlang makangiti dahil sa inis na nararamdaman ngayon.
"Tara" aya ni Carlos sa akin at sumakay ako sa sasakyan nya ganun rin ang iba sa kani-kanilang sasakyan.
I left my car for Ashley, Mila and Alessa's use dahil nasa repair shop pa ang kotse ni Mila. Tumulak kami papunta sa sinasabing hotel at dumiretso sa roof deck area niyon. Naka-set na ang lahat ng kailangan sa New Year's Party...the lights, tables, chairs, music, decorations and as well as the food were all prepared at the venue. There's also a mini bar on the other side of it.
Nagsimula ang party ngunit nanatili akong nakaupo sa isa mga mesang naroon. Kumakain ng pasta habang pinagmamasdan silang nagsasayawan sa gitna.
"Magbabagong taon ganyan ang mukha mo " si Mila na naupo sa tabi ko habang hawak ang isang baso ng ladies drink.
"Wala lang, bigla ba naman kasing umalis yung isa. Tapos wala na namang paalam." sabi ko at padabog na kumain ng pasta roon.
"Guys! Malapit na!" sigaw ni Ian at nagsitayuan silang lahat.
"George, tara!" aya sakin ni Mila at hinila ako patayo sa aking kinauupuan.
Lumapit kami sa gilid ng roof deck at kasabay noon ay ang pag-countdown nila sa Bagong Taon at ang unti-unting paglabas ng mga mga makukulay na fireworks display.
Namangha na lamang ako sa ganda habang pinagmamasdan iyon nang biglang may lobong lumipad papunta sa akin.
Kumunot ang noo ko at kinuha ang lobo na nasa harapan ko. Napansin ko na may maliit na kahon ang nakasabit sa dulo ng tali nito. Tinanggal ko iyon at halos mapatalon ng isang malaking hot air balloon naman ang bumungad sa harapan ko.
Nakita ko syang naroon at nakangiti sa akin. He's wearing a grey suit and he's also using the tie I chose before for him. Tumalon siya mula roon papunta sa akin dahilan para mapaatras ako sa gulat...his hair was also in a clean cut which makes him look even more handsome than before!
Hinihingal syang humarap sakin at napalunok naman ako nang kuhanin niya sakin ang maliit na kahon na kinuha ko mula sa lumipad na lobo sa akin kanina.
Unti-unti syang lumuhod sa harapan ko at binuksan ang maliit na kahon. It's another ring and this time it's a simple pearl diamond ring.
"Georgina Ellisse Natalia Sander, My supposed proposal for you before was postponed due to unfortunate circumstances. So, here I am again Tristan Eros Porteu Linden who asks you to marry me...for the first time. You have two options, George. Yes or Yes?" tanong nya at napairap naman ako dahil sa huling sinabi niya.
"Nagbigay ka pa ng choices ano? Ayos ka rin ha...may pagpipilian pa ba ko sa choices mo? Eh di sa malamang, yes!" sagot ko at kumunot ang noo niya saka tumayo mula sa pagkakaluhod.
"Napipilitan ka ata eh" inis na singhal niya at inirapan ko siya.
"Walang hiya, sinagot ka na nga ayaw pa..." pagmamaktol ko at bigla nyang sinuot ang singsing sakin.
Saka hinapit ang aking bewang at unti-unting nilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Itatali na kita, tandaan mo to." bulong nya at hindi naman ako nagpatalo sa kanya.
"Baka ikaw ang itali ko." ani ko at biglang tumikhim ang lahat.
"Grabe sa sobrang sweet...nagkaroon ng sariling mundo" si Mila at agad kaming bumitaw sa isa't-isa.
"Hoy Tris! Yung bayad mo sa amin! Nag-effort kami magset-up dito...sobrang mahal nito ha!" si Kaizer at nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi niya.
"Lintek ka, Kaizer! Panira ka talaga!" singhal nya rito at niyakap ako mula sa aking likuran. I felt his breath on my nape which somehow creates a tingling sensation to me.
"Humanda ka na, George." bulong nito at napatawa naman ako.
Oh, Tris if you just know...matagal na kong handa para sa'yo. I have always waited for this moment Tris. I have always waited for this day. This day that I agree on marrying you. Dahil ang pakasalan ka ay isa sa mga pinapangarap ko.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...