Episode 022
Nasa harapan ako ngayon ng bahay nina Carlos. Dito muna ko uli titira dahil nga sa binenta ko na ang condo unit at nakabalik na rin ang mommy ni Kaizer mula sa business trip nito. Nagpasalamat naman ang mommy ni Kaizer sa akin dahil sinamahan ko raw ang anak niya habang wala siya.
Pinindot ko ang doorbell at agad naman syang lumabas doon at kinuha sa akin ang mga gamit ko.
"Pasok ka" sabi nito at pumasok ako sa loob.
Umakyat kami sa taas at nagsalita sya.
"Pinaayos ko na yung kwarto mo dito. Kung may kailangan ka, puntahan mo na lang ako."
"Sige"
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at hinila ang aking maleta papasok doon. Malinis nga iyon gaya ng inaasahan ko dahil bago pa man ako dumating dito ay tinawagan ko na siya at pinalinis ang kwartong gagamitin ko. Pinatong ko ang maleta sa kama at binuksan iyon. Saka isa-isang inayos ang mga damit sa loob ng closet pagkatapos ay nagpalit ng pwedeng isuot na pambahay roon.
Lumabas ako ng kwarto at nagulat nang makita kung sinong lumabas sa katapat kong kwarto. Nagkatinginan kami ng ilang segundo nang biglang magsalita si Carlos.
"George"
Lumingon sa kanya si George at ganun din ako. Nagtataka sa mga nangyayari at sa kung ano ang ginagawa nya rito. Bakit siya nandito? At anong ginagawa nya sa kwarto ni Carlos?
"Uuwi na pala ko, balik na lang ulit ako sa susunod."sabi nito at tumango si Carlos sa kanya habang nakasakbit ang isang shoulder bag sa kanyang balikat.
"Hatid na kita..." pagprisinta nito at ngumiti lang ito sa kanya.
"Tris, hatid ko lang si George saglit" sabi nito at hindi ako umimik. Bumaba sila at sumunod ako makalipas ang ilang segundo. Sumilip ako sa bintana at pinanuod ang pag-alis nila pareho gamit ang kotse ni Carlos.
Gabi na nang makabalik si Carlos sa bahay. Nanunuod lamang ako ng tv habang sya ay naghuhubad ng sapatos sa isang tabi.
"Anong ginagawa dito ni George?" tanong ko
"I'm helping her with some things. By the way, kumain ka na?" tanong nito at tumayo na dala ang sapatos. Naglakad sya patungo sa shoerack at inilagay iyon doon saka lumapit sakin.
"Yes." sagot ko at naupo sya sa tabi ko.
"Hindi ka kakain? Nagtira ako roon sa kitchen."
"No thanks, nag-dinner na ko sa kanila..." aniya at nilipat ang channel sa tv.
"Ah..."
Tahimik lang kaming nanunuod doon hanggang sa nagpaalam na syang mauuna sa taas. Sumunod na rin ako matapos ang ilang sandaling pag-iisip at saka pinatay ang tv. Pumasok ako sa kwarto at sinubukan tawagan si George.
Ngunit unattended ang numero nito. I tried to open Mila's account but then naisip ko na gumawa na lamang ng sariling account. I immediately signed up on Facebook at mabilis na hinanap ang profile niya. I saw her post that she had a new number. Kaya pala di ko siya matawagan. I added Mila on Facebook hoping that she would accept it.
She accepted it later on and I asked her about George's number. She gave it to me at ngayon ay nakatitig ako sa cellphone ko at nag-iisip kung anong gagawin. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin pala ko.
Pasado alas-dose nang magising ako sa tunog ng gate. Sumilip ako at nakitang lumabas ang kotse ni Carlos ng bahay. Hatinggabi na, saan naman kaya ang punta nito? Sinara ko ang kurtina at hindi na lamang pinansin ang pag-alis nya.
Kinabukasan ay medyo tanghali na ko nagising, lumabas ako sa kwarto at napansing tahimik pa rin ang bahay. Di ba umuwi si Carlos kagabi? San naman kaya siya pumunta sa dis-oras ng gabi? Sumilip ako sa labas at naroon na ang sasakyan nya. Baka siguro ay natutulog pa iyon, tutal ay mag-uumaga na nung umalis siya. Naisipan kong mag-gym ngayon dahil sa mukhang bumababa ang timbang ko kaya kailangan kong magdagdag ng kaunti at susubukan ko ring i-maintain ang cardio health ko.
Umakyat ako pabalik sa taas para kumuha ng mga gamit. Natapos ko ng ayusin ang mga gamit ko ngunit nalimutan ko atang dalhin dito ang gym monitor ko.
Lumabas ako sa kwarto at naisipang humiram sana ng gym monitor kay Carlos. Kumatok muna ako ngunit nang walang sumagot doon ay marahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
"Carlos?" tawag ko ngunit walang sumasagot. Napansin kong may nakahiga sa kama nya at isang pares ng sapatos ang naroon.
May ilan ding damit ang naroon sa paligid isang pares ng pencil cut skirt at longsleeve blouse at isang coat. Nagdala ba ng babae si Carlos kagabi? Marahan akong naglakad palapit sa kama ni Carlos.
Kunot-noo akong lumapit roon at halos manigas ako sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino iyon. Mahimbing ang kanyang tulog at magulo ang kanyang buhok her collarbones are also exposed and the blanket is covering her body up to her upper chest. Bahagya siyang gumalaw dahilan para ma-expose ang isang binti nya. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya. She looks peaceful while sleeping in some man's bed. Napagalaw lamang ako nang magbukas ang pinto ng banyo sa kwarto at lumabas mula roon si Carlos na halatang kakaligo lamang.
"Tris" gulat na usal nya matapos makita akong nagpapalit ng tingin sa kanilang dalawa. Si George na natutulog ngayon sa kama ni Carlos at si Carlos na kagagaling lamang sa pagligo ngayon. Nakauwi na siya kahapon diba? Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya rito?
Napalunok ako at pilit tinatanong ang sarili. Siya ba ang pinuntahan nya kagabi? Did something happened between them? Ito na ba yung sagot sa tanong ko sa kanya noon? Sila na ba ni Carlos? Kung meron man, kung may nangyari man sa kanila...kailan pa? Kailan pa nagsimula ang lahat? Kaya ba kahapon nakita ko siyang lumabas sa kwarto ni Carlos? Bakit hindi manlang niya sinabi sa akin? Why, George? Why didn't you told me about it last time? Bakit hindi mo sinabi na may iba ka na pala?
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...