Episode 017
Agad akong sumalampak sa kama sa sobrang pagod kanina. Halos hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na hindi manlang nakakapagpalit ng damit.
Kinabukasan ay nabigla ako sa biglaang pagbisita ni Sierra sa bahay. Nakaupo sya sa sofa habang sinusuklay ang buhok nito gamit ang kanyang daliri at saka ngumiti sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"I'm visiting you! Namiss kita!" aniya saka tumayo at umamba ng yakap sakin ngunit agad akong umiwas roon. Sumimangot sya ngunit hindi ko iyon pinansin.
Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng lulutuin para sa almusal. Abala ako sa pagluluto nang makarinig ako ng boses sa labas.
"Sino ka naman? At bakit ka nandito?" tinig iyon ni Sierra. Mukhang may kausap ito sa labas at hindi ko alam kung sino iyon.
"Ah, si Tris po?" nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko nang marinig ang boses nya.
"Nasa loob, sino ka ba? And what are you doing here? Stalker ka ba ng boyfriend ko?"
Shit!
Mabilis kong nilapag ang kutsilyo at tumakbo palabas sa kusina.
Nakita kong nakatayo si George sa may pintuan. Halata ang gulat sa mukha nya at agad siyang napatingin sakin.
No.
"At paano ka nakapasok ha? Trespassing ka, alam mo yun?"
Lalapit na sana ako para pigilan si Sierra nang magsalita muli si George habang nakatingin sakin.
"Pasensya na po...akala ko kasi walang girlfriend si Tris. Sorry, sige aalis na lang ako..." aniya at ngumiti sa akin.
Tumalikod sya at saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita roon. Damn it !
"George!" napalingon si Sierra sakin at malapad ang ngiti niyang lumapit sakin ngunit umiwas ako sa ambang pagyakap nya at hinabol si George palabas.
"George!" tawag ko at tumigil sya sa tapat ng gate.
Nakatalikod pa rin sya at hindi nagsasalita. Pumapara siya ng mga dumaraang tricycle roon.
"Baka magalit ang girlfriend mo...aalis na ko. Sa susunod na tayo magkita" aniya ngunit hinawakan ko ang palapulsuhan nya.
Hell, it's not true! Maniwala ka sakin, George! Please!
"George, hayaan mo kong magpaliwanag."
"Saka na, naaalala ko kasi na may gagawin pa pala ako." aniya at agad bumitaw sa akin. Hinawakan ko muli ang palapulsuhan niya para magsalita pa.
"George" tawag ko ngunit kinalas nya iyon saka nagmadaling lumabas at sumakay ng tricycle.
Bumalik ako sa bahay at napabaling ako sa pintuan. Nakita kong nakatayo roon si Sierra at magkakrus ang dalawang braso. Mabilis ang hakbang ko palapit sa kanya at marahas syang hinawakan sa braso saka hinila paalis doon.
"Aww! Masakit, Tris!"
"Get out" mariin kong sabi
"What?! Bakit? Sino ba yun Tris? Sinabi ko lang naman ang totoo ah?" singhal nya
"I said, get out! And for the record, walang naging tayo! Naiintindihan mo?!" sigaw ko sa kanya at marahas na binitawan ang kanyang braso.
Umiling sya sakin at agad nagmartsa palabas ng bahay. Napasandal ako sa hamba ng pintuan at pinagmasdan ang pag-alis ng sasakyan nito.
What have I done? Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. I'll just explain to Kaizer about what happened. Kinagabihan ay halos hindi ako makatulog paulit-ulit kong tinatawagan at tinetext si George ngunit hindi nya sinasagot ang mga iyon. I better explain to her tomorrow right away.
Hindi ko nga alam kung susunduin ko ba sya o ano. Masyado akong naguguluhan, hindi ko rin naman kasi inaasahan na darating si Sierra rito. Damn it!
Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising dahilan para hindi ko sya maihatid sa kanyang eskwelahan. Magdamag ko siyang tinawagan kagabi ngunit di niya pa rin iyon sinasagot. Sinubukan ko uli syang tawagan ngunit ganun pa rin wala pa rin, di pa rin siya sumasagot. Kumain ako at nagbihis para sana mag-gym nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag dun si Kaizer. Sinagot ko iyon habang inaayos ang aking gym bag. After this pupuntahan ko si George para magpaliwanag.
"Hello?"
"Tris! I have a bad news" bungad nya.
Napatuwid ako sa pagkakatayo at nagtanong.
"Ano yon?" tanong ko
"Open the TV, it's all over the news" sabi nya at agad kong binuksan ang TV.
"Isang jeep ang sinalpok ng isang rumaragasang trak sa may Sto.Tomas. Patay ang ilang pasahero kabilang ang driver ng diumanong jeep at ilang lubhang nasugatan sa aksidente habang kritikal naman ang isang estudyanteng nakilala sa pangalang Georgina Sander. Agad namang isinugod ang estudyante at ilang biktima sa pinakamalapit na ospital."
Halos mabitawan ko ang aking cellphone at pilit na pinapaniwala ang sariling hindi sya iyon. Pinilit kong magsalita para alamin kung totoo iyon, umaasa na hindi siya ang tinutukoy sa balita.
"Sabihin mong hindi totoo iyon."
"I'm sorry, Tris pero nakumpirma na naming si George iyon. Nandito kami ngayon sa ospital. Pumunta ka na muna rito at saka ko ipapaliwanag." aniya at agad nyang binaba ang tawag.
Mabilis akong umakyat sa taas para magpalit ng damit. Halos mataranta ako sa pagbubukas ng kotse sa sobrang kaba at nang makasakay ay mabilis kong pinaandar iyon papunta sa ospital. Tumawag si mom sa cellphone at agad ko iyong kinonekta sa kotse para makausap sya.
"Anak asan ka?" tanong nya
"Nagmamadali ako mom, mamaya ka na tumawag."
"Nag-usap kami ni Sierra. She was disappointed, ano ba nangyari?"
"Mom, please. There's an emergency. I need to go, bye."
Hindi ko na sya pinatapos pa na magsalita at binaba na agad ang tawag. Pagkarating sa ospital ay tumakbo agad ako papasok doon at hinanap sila.
Naabutan ko sina Kaizer na nakaupo sa may reception area ng ospital. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang pamumugto ng mga mata ni Mila.
"A-anong nangyari?" tanong ko
"Nabangga ang sinasakyan nyang jeep papuntang school...kritikal ang lagay. Nasa ICU sya ngayon and her parents are already there." si Carlos ang nagsalita sa kanila.
Mabilis akong umakyat sa taas at sumunod naman sila sa akin. Namataan agad ako ng mommy nya na nakaupo sa labas ng ICU area. Lumapit ako sa kanya at bakas ang lungkot sa mukha nito.
"N-narinig ko po ang nangyari." sambit ko at humikbi ito sa aking harapan. Lumingon ako sa pintuan kung saan nakalagay ang malaking sign ng ICU.
"Gusto ko po syang makita." sabi ko at tumango naman ang kanyang ama.
Pinagsuot nila ko ng scrubsuit at cap dahil masyadong isolated ang lugar. Pagpasok pa lamang ay tila nanlambot na ko sa aking nakita.
Mahimbing ang kanyang tulog habang nababalot ng kumot ang kalahati ng kanyang katawan. Ang swero ay nakakabit sa kanyang kanang kamay. Marami itong galos at sugat sa iba't ibang parte ng katawan. Nakakabit din ang oxygen mask sa kanyang ilong at bibig at sa gilid ay ang heart/pulse rate monitor niya. Kumuha ako ng isang upuan doon at umupo sa tabi nya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at hinawakan ang kanyang kamay na malapit sakin.
"I'm sorry, George. I'm so sorry kung hindi ako nakapagpaliwanag sayo. Sorry for being an ass and for everything. Sorry, George." sambit ko at hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata.
"Please, wake up. Please, we got a lot more things to do. George, please." pagsusumamo ko sa kanya.
Nanatili lamang ako roon sa tabi nya hanggang mag-gabi. Ayokong iwanan sya, gusto kong makita syang imulat ang kanyang mga mata. I want to hear her voice, her laugh and everything about her. I want to see her awake so bad. Pakiramdam ko ay mababaliw ako hangga't di siya nagigising at nananatili siyang nakaratay rito. I just don't want to lose her right now.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...