Episode 008

47 2 0
                                    

Episode 008


Isang linggo pa ang nakalipas at nanatili pa rin ako sa bahay nina Carlos. Sa ngayon ay nag-aayos kami ng gamit dahil lilipat na kami ng bahay.

Sasamahan namin ang pinsan niyang si Lissa dahil iyon daw ang binilin ng mama ni Lissa kay Carlos bago ito payagan na umuwi sa Pilipinas.

Nasa gitna kami ng pag-aayos nang biglang may nagdoorbell sa labas. Tumayo si Carlos para tingnan kung sino ang naroon.
Lumabas siya para pagbuksan ang sinumang nagdoorbell at pinapasok iyon sa loob. Abala ako sa pagliligpit ng mga gamit ng makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Please! Carlos! Please,please? Sige na!"

"I told you, Melissa. Ako ang mapapagalitan kapag hinayaan kita."

Tumingin ako sa dalawa na ngayon ay magkasunod na naglalakad patungong kusina. Dumaan sila sa harap ko at mabilis akong binati ni Lissa.

"Hi Tris!" bati nya at tinanguan ko lang sya saka ito sumunod kay Carlos.

"Hey, Carlos! Wait!"

Natapos ko ang pagliligpit ng mga gamit at inalagay ang mga iyon sa isang tabi. Napatingin ako kay Lissa na padabog na lumabas mula sa kusina. Sumalampak sya sa upuan at nakasimangot na hinahampas ang mga unan na naroon.

Nilapitan ko siya at naupo sa tabi nya at kinuha ang isang unan.

"Anong nangyari?" tanong ko at laking gulat ko nang bigla syang umiyak sa harapan ko.

"Si Carlos kasi, ayaw akong payagan!" umiiyak na sabi nya

"Saan ba?"

"Papuntang Siargao, nagyayaya kasi yung bestfriend ko. I want to go with them! I really want to!" pagngangawa nya sa akin.

"Melissa, stop that!" baritonong boses ni Carlos ang narinig namin. Lumabas sya sa kusina at nakita kong nagtakip ng unan si Lissa at sumiksik sa pinakadulo ng sofa.

Tiningnan ko sila pareho at magkakrus ang mga braso ni Carlos na nakatingin samin, este sa kanya pala.

"Hindi ka pupunta roon and that's final. I called your mom also and hindi rin sya pumayag. For God's sake, Melissa! 18 ka pa lang! Hindi ganun kadali pumunta sa ganung kalayong lugar. You don't even have a job! Kaya paano ka makakapunta roon? Do you expect me to give you an allowance? No way, Melissa alam mong sumusunod lang ako kay Tita para sa safety mo."

Sumisinghot na tumingin si Lissa kay Carlos at padabog itong tumayo.

"I hate you!" sigaw nito at padabog na umakyat sa taas.

"Melissa! Come back here! Damn it!" inis na sumalampak si Carlos sa tabi ko at tumingin sya sakin.

Nagtaas ako ng kilay at pinaling ang ulo ko sa palabas sa TV.

"Favor, please?" sabi nya

"What?" tanong ko.

"Pumunta kayo sa mall ni Lissa. Treat her, make her relax. Alam kong shopping lang ang sagot para malighten-up ang mood niya. Please."

"Ok." tipid na sagot ko at tumayo na.

"Thanks, I owe you this one" aniya at tumango na lamang ako.

Umakyat ako sa taas at kinatok ang pintuan ng kwarto ni Lissa.

"Lissa, open the door. Si Tris to may sasabihin ako."

Binuksan nya ang pinto at sobrang pugto ng mga mata nya. Napasinghap ako at napailing na lamang. She looks like a child on her appearance.

"Fix yourself, we're going to the mall." sabi ko at biglang kumislap ang mga mata nya sa tuwa. Para bang nawala ang pag-iiyak niya kanina dahil sa away nila ni Carlos.

"Give me a minute!" excited na sabi nya at sinara ang pinto.

Naglalakad kami sa loob ng mall at hila-hila nya ko papasok sa bawat store na madaanan namin. Marami siyang pinamili at ako ang nagsilbing tagabitbit nya sa araw na iyon.

"Hold this, this and this...please?"

Hinayaan ko na lang siya dahil baka dito pa sya magwala. Kakaiba sya kung magwala at umiyak, daig pa nya ang isang 4 year old kid kung mag-iiyak. Kaya mas mabuti kung hayaan ko na lang muna siya ngayon.

Kalalabas lang namin sa isang shop at bigla syang napatigil sa harap ng isang fastfood chain.

"I'm hungry" nakangusong aniya.

Umiling ako at pumasok sa loob noon habang siya ay sumunod naman sa akin at nag-order kami pareho.

"Grabe talaga! You know, I really don't get it. Masyadong mahigpit si Carlos sa akin! May kasama naman ako eh. Yung mga kaibigan ko at saka di naman nila siguro ako pababayaan doon sa Siargao." pagsusumbong nya sakin.

"Intindihin mo na lang ang pinsan mo. You're his responsibility. Once na may nangyaring masama sayo. Siya ang mananagot sa parents mo." paliwanag ko.

Humugot sya ng malalim na hininga bago sya tumuloy sa pagkain. Ilang sandali pa ay naglibot pa uli kami at nagdesidido na rin na umuwi sa bahay. Papalabas na kami ng mall nang may marinig ako sa may bandang exit.

"Anong pangalan nya ulit?"

"Tris!"

Agad akong napalingon sa nagbanggit ng pangalan ko at laking gulat ko nang makita si George sa mismong tabi ko.

Hindi ako makapagsalita dahil halos sobrang lapit na nya sa akin. May kausap siyang isang bata at nagtuloy sa paglalakad.

"Hey, what's wrong?" ani Lissa at mabilis kong pinahawak sa kanya ang mga paperbags at agad tumakbo.

"George!" hinabol ko sya at halos mabangga pa ko matapos tumawid. Pagkarating sa parking lot ay hinanap ko sya.

Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa isang sasakyan ang dumaan sa harap ko. Nakita ko siyang nakasakay sa loob noon kaya hinabol ko ito agad.

"George! George!" sigaw ko habang pilit na hinahabol ang sasakyan.

"George!" habol ko at pilit siyang sinusundan.

Nang makalayo na ito ay pagod akong napaluhod sa semento. Hawak ang aking dibdib ay pinagmasdan ko ang papalayong sasakyan kung saan sya nakasakay.

"Tris" agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ang seryosong mukha ni Lissa roon.

"Lissa" tumayo ako at agad na kinuha ang mga paperbags sa kanya.

"I'm sorry about that." sabi ko at ngumiti siya sa akin.

"No, it's fine. Uwi na tayo." pag-aaya nya at pinakita sakin ang iba pa niyang pinamili na hawak nya sa magkabilang kamay.

Tumango ako at sinamahan sya papunta sa kotse. Lumingon uli ako sa dinaanan ng sasakyan nila George at tuluyan na nga itong nakalayo.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon