Episode 005

44 3 0
                                    

Episode 005



"How long do you plan to stay here?" tanong sakin ni Carlos.

"Bakit? Pinapalayas mo na ko?" pagbabalik tanong ko dito at umiling naman siya.

"No, it's just that...Hindi ba nag-aalala si Tita sayo?"

"She can worry all her want. Babalik din ako pag humupa na yung issue about sa Lineage."

Tumayo ako at dumiretso sa kusina niya at kumuha ng tubig mula sa ref. Bumalik ako sa salas at binuksan ang TV dala ang baso ng tubig. Ilang linggo na kong nakikitira dito kayna Carlos and as of now wala pang tawag si mommy sa akin.

"By the way, have you heard the news?" tanong sakin ni Carlos

"What news?" tanong ko dito

"Sierra is coming back, soon" sagot nito at ramdam ko ang pagtitig niya sakin.

"Well? So what if she's back?" ani ko at pinaglaruan ang channel sa TV.

"She wants you to pick her up."

"Tell her I'm busy, kay Kaizer siya magpasundo, rather kay Laxus. They're cousins kaya bakit sa akin pa?" sabi ko at tinigil ang paglilipat sa Discovery Channel.

Kinabukasan ay umalis ako sa bahay nina Carlos at nag-drive paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta hinahayaan ko na lamang ang sarili ko na magmaneho. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa may Tanauan na pala ako.

Unti-unting bumagal ang takbo ko hanggang sa mapatapat ako malapit sa kanyang school. Nakita ko siyang patawid sa kabilang kalsada kasama ang isang babae. Bumusina ako dahil sa biglaan niyang pagtigil sa gitna ng kalsada.

Mababangga ka sa ginagawa mong yan inis kong sambit sa aking sarili at nang makaalis siya ay saka ko siya sinundan ng tingin bago tumuloy sa pagmamaneho.

Natigil ako sa Walter at nagsimulang maglibot-libot doon. Sumaglit lang ako dun bago bumalik kayna Carlos. Pabalik na sana ako nang bigla siyang tumawag.

"Oh, Bakit? "

"Tris, don't come home yet." sagot niya

"Bakit?"

"Andito si Tita, hinahanap ka."

"Oh, Shit! Sige sige...Kayna Louis na muna ko" sagot ko at saka binaba ang linya.

Lumiko ako pakaliwa bago nag u-turn papunta sa subdivision nina Louise. Pagkarating sa entrance ng subdivision ay agad akong sinalubong ng guard doon.

"Welcome po, Sir" bati niya saka inangat ang harang para makapasok ako. Pagkarating sa bahay ni Louise ay agad nagbukas ng gate ang kanilang kasambahay at pinapasok ako .

"Bro." bati nya sakin pagkabukas ng pinto...

"Nakayna Carlos si Mommy, dito muna ako" sabi ko

"Oo nga... Tumawag sakin si Carlos na papunta ka raw dito. Actually, galing din dito si Tita kanina. Mukhang balak niyang puntahan lahat ng mga kaibigan natin mahanap ka lang. "

"Fuck! Mas lalo akong hindi uuwi sa ginagawa niya! It's better kung bumalik na lang siya sa Italya o kung saan man siya nanggaling bago siya dumating dito!" singhal ko

"Tris! Calm down, she's still your mom... Ano ka ba?" aniya at bahagya akong huminahon ngunit nakakuyom pa rin ang mga kamao sa magkabilang gilid.

"Alam ko pero naiinis ako dahil pinipilit niya ang isang bagay na ayaw ko, na alam niyang hindi ko gusto. She made me live alone for the past two years at ngayon pupunta siya dito para ipilit sakin na ihandle ang architectural firm ng Lineage?! Alam mo kung gaano ko kinamumuhian ang architectural firm na 'yon."

Natahimik kami pareho matapos kong ilabas ang inis at sama ng loob ko. Pareho kaming naupo sa magkabilang dulo ng sofa at tahimik na nag-isip. Nabigla na lang kami nang biglang tumunog ang telepono nila. Kinuha iyon ni Louise at sinagot.

"The fuck?!" aligaga siyang lumingon sakin at nangunot ang noo ko...

Binaba niya ang telepono at lumingon sakin...

"We need to get out of here, fast!" singhal niya at kinuha ang susi ng kanyang kotse.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Pabalik ang mommy mo dito! Kasama ang mga bodyguards niya! Come on!"

"Fuck!" mabilis kong hinablot ang susi at lumabas sa bahay nila

"Manang! Pakisara ng gate! Sabihin nyo wala ako! Wag kayong magsasalita, naiintindihan nyo?" sigaw ni Louise at sumakay kami pareho sa kanya-kanyang sasakyan.

Mabilis namin pinatakbo ang parehong sasakyan at nagpadala siya sa akin ng isang text message.

Louise: Sa SM Calamba tayo.

Niliko ko ang sasakyan papunta sa direksyon ng nasabing mall. Pinark namin ang sasakyan sa gilid ng mall at sabay na lumabas...

"Sinong tumawag?" tanong ko

"Si Laxus, kagagaling lang ni Tita sa kanila. Nadulas daw si Kaizer dahil inalukan ni Tita." sagot niya at napasapo ako sa sariling noo.

Mapapatay talaga kita Kaizer!

Nagikot-ikot kami sa buong mall at doon nakasalubong namin ang iba. Mabilis kong binatukan si Kaizer sa oras na magtama ang paningin namin.

"Kingina ka talaga!" salubong ko sa kanya...

"Sorry na! Alam na alam kasi ni tita kahinaan ko eh." angil niya habang hinihimas ang ulo nito.

Napailing na lamang ako at inaya silang kumain. Tutal ay naiinis pa rin ako kay Kaizer ay siya ang inutusan kong magbayad ng kakainin namin.

"Teka." hindi nya naituloy ang sasabihin nang pandilatan ko sya ng mga matang may pagbabanta.

Napakamot na lang sya sa ulo niya at umuna na samin papunta sa kainan. Isa-isa kaming nag order at katulad ng nakasanayan ay siya ang may pinakamaraming order.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Ate George, may nakita akong magandang dress na bagay sayo!"

"Talaga? Saan?"

Nasamid ako nang marinig ang pangalan na yun. Kaya dali-dali silang kumuha ng tubig at inabot sakin.

"Oh, ayos ka lang?" ani Carlos sa akin pagkaabot nito sa baso ng tubig.

Tumango ako matapos uminom at luminga sa pinanggalingan ng boses ngunit wala na akong nakita.

"May problema ba?" tanong ni Laxus

"Wala, bilisan na lang natin kumain." utos ko at tinuloy namin ang pagkain.

Matapos iyon ay naggala-gala kami sa buong mall. Pumasok kami sa loob Quantum at bumili ng ilang tokens. Saka nagkanya-kanya. Nag-ikot ako para humanap ng magandang laro roon.

Papalapit na ko sa isang racing arcade game nang biglang may bumangga sakin.

"Sorry po!" aniya at nagulat ako nang makita kung sino iyon...

May kasama siyang isang batang babae at nagmamadali silang lumabas ng Quantum. Hindi niya ata ako napansin dahil nakatungo siya nung magkabanggaan kami at ganun din nung humingi ito ng dispensa.

"George" ani ko at biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya.

"Kuya! Asan ka?" tanong ni Mila sa kabilang linya

"Kasama sina Kaizer, bakit?"

"Dumating na daw ang Dad mo! Kasasabi lang ni Tita kanina. Pumunta ka daw ngayon sa condo unit mo. Iniintay ka roon!"

"What?!" gulat na usal ko at mabilis na lumapit sina Kaizer sa akin.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon