Episode 045

30 2 0
                                    

Episode 045


Inantay ko na sabihin sakin ni Carlos ang dapat kong malaman ngunit hndi pa rin sya umiimik at naiinis na ko dahil doon. Sa pagtagal ng pananahimik niya ay siyang pagtindi rin ng kaba sa akin.

"Sagutin mo ko, Carlos...Bakit nasa iyo to?!" naiinip na sigaw ko at napapikit sya dahil doon. Tila nahihirapang sabihin ang kung ano mang kailangan kong malaman.

"Nag-crash kaninang umaga ang eroplanong sinasakyan ni Tris sa may Palawan. Nakita ito sa eksena ng pinangyarihan pero hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang katawan nya. Nasunog din kasi ang eroplano dahil sa matinding pagsabog pagkabagsak nito sa lupa." hindi sya makatingin sakin nang sabihin ang lahat ng iyon.

"So sinasabi mong patay na sya? Ganun ba? Sinasabi mong wala na si Tris? Ano?! Sagutin nyo ko?" gumaralgal ang boses ko sa sinabi at nanginginig na kinuha ang isa pang laman ng zip bag na binigay sa akin ni Carlos kanina.

Isa iyong maliit na puting box na may bahid ng dugo sa palibot nito. Unti-unti ko iyong binuksan at kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. There's a small diamond ring with a few intricate designs inside at halos manginig ako nang makita iyon. Fuck!

"H-Hindi ito totoo...nagbibiro kayo diba? This is just a prank right? Sabihin nyo!" sigaw ko at lumapit sakin si mama at niyakap ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

"Anak, pasensya na...Pero posible na wala na si Tris." pilit nyang pagpapaliwanag. Ngunit ayaw kong tanggapin iyon, hindi kaya ng loob ko at ng sistema ko na tanggapin ang sinasabi nila. I can't let myself believe that the man I love is gone!

"No!" sigaw ko at pilit na nagpumiglas doon. Hindi kayang tanggapin ng isipan ko na wala na siya, na patay na siya.

"Buhay si Tris! Alam ko yun at nararamdaman ko yun! So stop saying that he's dead! Dahil alam ko sa sarili ko na buhay pa siya!" sabi ko at mabilis na tumakbo paakyat sa hagdanan.

Nagkulong ako sa aking kwarto at agad kinuha ang aking cellphone. Nanginginig akong i-dinial ang numero nya ngunit walang sumasagot doon. Sinubukan ko syang i-text nagbabaka-sakali na mababasa niya iyon... Lahat na ng paraan para mapatunayan kong maayos sya ay ginawa ko. I even checked his skype account hoping that his online recently. Ngunit walang nangyari sa mga pagtawag at pagtetext ko sa kanya kahit isa ay hindi siya sumagot. Kahit isang trace or gumamit siya ng accounts niya recently para mapatunayan kong buhay siya ay wala.

Napaupo na lamang ako sa gilid ng aking kama at patuloy na umiyak roon... Hinawakan ko ang singsing sa aking mga kamay at hinimas ang batong nasa gitna niyon dahilan para mas lalo akong humagulhol doon...

Bakit biglaan Tris? Bakit? Bakit nagawa mo kong iwan muli?

Kinabukasan ay halos hindi ako makaimik dahil sa nangyari , pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Halos hindi ako lumabas ng kwarto at halos hindi ko rin sila nakita o nakausap. Dinadalhan na lang ako ni mama ng pagkain ngunit hindi ko masyadong nagagalaw iyon. Masakit para sakin na biglang mauuwi sa lahat ang ganito.

Parang hindi ko kayang bumangon habang iniisip ang mga pwedeng mangyari ngayong wala na sya. Hindi ko lubos maisip na parang kailan lang ay masaya kami sa Mykonos. Hindi ko inaasahan na ang lahat ng sayang iyon ay panandalian lamang pala.

Bumaba ako sa aking kama at lumabas sa balkonahe ng aking kwarto. Puno ng bituin ang langit at bilog na bilog ang maliwanag na buwan sa gabing ito. Umihip ang malamig na hangin at napapikit ako para damhin iyon. Pinakiramdaman ko ang paghaplos ng hangin na iyon sa aking balat, kakaiba ang lamig na dulot niyon sakin.

Napaluha akong muli nang sumagi na naman sya sa aking alaala.
Napakadaya mo, Tris. Bakit kailangan mong mang-iwan? Napakadaya mo talaga kahit kailan... Inis kong sabi kahit alam kong hindi nya iyon maririnig. Napakadaya mo para ikaw lagi ang mang-iwan sa akin.

Bumalik ako sa loob at sinara ang pinto ng balkonahe. Binalot ko ang sarili ko ng aking kumot saka hinawakan ang susing binigay ko sakanya...

Naluluha ko iyong pinagmasdan habang inaalala ang lahat. Mula sa unang beses naming pagkikita hanggang sa araw bago sya umalis papuntang Italya para sa kanyang ama. Naalala ko pa ang gabing iyon, nung sinabi niya kung gaano siya kasigurado sa akin, na ako ang makakasama niya sa habang-buhay

"Ang sabi mo babalik ka agad...Ang sabi mo ay hindi mo na ko pakakawalan pa." nagtatampong ani ko habang pinupunasan ang mga luha.

"Hanggang kailan mo ba ko, paiiyakin?" dagdag ko pa habang iniikot ang susi sa aking mga kamay.

Bumangon ako at kinuha ang diary ko na naglalaman ng mga nais kong sabihin sa kanya noon. Sa pagkakataong ito ay bubuksan ko itong muli at isusulat ko ang mga nais kong sabihin sa kanya. Matapos magsulat sa diary ay ibinalik ko iyon sa kanyang lagayan. The diary contains all of the words I wanted to say to him noong hindi pa kami nagkikita. Kinuha ko ang singsing at marahan iyong sinuot sa aking pala-singsingan, mapait akong napangiti sa isiping narito siya at inaaya akong magpakasal.

Pakiramdam ko tuloy ay mababaliw na ako dahil sa mga nangyayari... Bakit kasi hindi na lang pwedeng maging masaya? Sobra na naman siguro ang napagdaanan namin para humantong lang sa ganito. We have both suffered enough just to end like this. Ganito ba ko kamalas sa lovelife? I admit Tris wasn't my first love but he's something. He's my great love, he's more than any man I liked before. Siya lang ang bukod tanging minahal ko kahit na nasasaktan ako, siya lang ang lalaking nagawa kong hintayin at balikan.

Hinding-hindi ko talaga matatanggap na iniwan mo ko Tris. Hindi ko tatanggapin ang lahat ng ito hangga't hindi kita nakikita sa harapan ko. Hindi ako susuko hangga't hindi kita nahahanap. I know you're alive Tris. Nararamdaman ko iyon sa puso ko na pilit nilalabanan ang isipan kong naniniwala sa kanilang wala ka na.

I would even pray for the heaven's above to keep you safe wherever you are. To guide you back to us, back to me.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon