Episode 048

38 2 0
                                    

Episode 048


Malamig ang hangin sa Palawan hudyat na Pasko na nga kinabukasan. Ang malaking christmas tree sa gitnang parte ng hotel ay mas pinagarbo ng mga dekorasyong kulay pula at ginto. Nakausap ko na sila at lahat sila ay talagang nag-aalala sa akin. Pinilit kong ipakita sa kanila na ayos lang ako at hindi nila kailangang mag-alala para sakin.

"Pasko na George, bakit hindi ka pa bumalik dito? Wala ka manlang sa noche buena mamaya..." si Mila.

"Pasensya na, uuwi na lang siguro ako dyan sa bagong taon at dito muna ako magdiriwang sa Palawan." sabi ko at bigo siyang tumingin sa akin.

"Ano pa ba ang magagawa namin? Merry Christmas na lang sayo at mag-iingat ka dyan ha?" aniya at tumango ako

"Thanks and Merry Christmas na rin sa inyo diyan" sabi ko at agad pinatay ang tawag.

Lumabas ako ng hotel at halos makipagsiksikan sa dami ng tao sa labas. Mas lalong dumami ang mga turistang namamasyal ngayon dahil lahat sila ay namimili ng mga souvenirs. Lalo na nang mapadpad ako sa pamilihan ay mas dagsa ang mga tao. Namili ako ng ilang pagkain doon bago tumulak sa daungan. Patungo ang bangkang sasakyan ko sa isang kilalang beach dito sa Palawan.

Maraming turista ang nakasakay sa bangka nang dumating ako roon. Ang ilan ay mga Amerikano at Espanyol iilan lamang ang mga kapwa kong Pilipino ang naroon.

Nagsimulang umandar ang bangka at lumapit sakin ang isang babae. She's a bit chubby and has a fair complexion. Her hair is tied in a bun and she's wearing a floral off-shoulder and denim shorts.

"Hi, mag-isa ka?" tanong nya at tumango ako

"Ah. Ako nga pala si Marites, kasama ko boyfriend ko andun siya sa dulo. Dito kasi namin balak mag-Pasko sa Palawan...ikaw? Bakit mag-isa ka?" tanong nya

"George pala, uhm... wala lang, gusto ko kasing mag-relax ngayon. Alam mo na, masyadong stressful sa siyudad." sabi ko at tumango naman siya.

"Tama ka dyan, Saan pala probinsya mo? Kami kasi sa Iloilo pa. Ikaw?"

"Sa Batangas ako" sabi ko

"Malayo-layo rin ah..."

"Oo nga eh" tugon ko at tipid na lamang na ngumiti sa kaniya.

Tumingin ako sa dagat nang umalis si Marites sa aking tabi dinama ko ang hanging dala ng karagatan habang umaandar ang bangka. Nakarating kami sa sinasabing beach at agad nagbabaan ang mga turista roon. Inalalayan ako ng bangkerong naroon at naramdaman ko agad ang malambot na buhangin sa aking mga paa. Kinunan ko ng litrarto ang lugar gamit ang dala kong camera saka naglakad lakad sa buong beach.

Halos lahat ay naliligo sa dagat samantalang ako ay nakaupo lamang sa dalampasigan. Makalipas ang ilang oras ay nagsi-sakay na kami sa aming bangka pabalik sa bayan. Malapit na kami sa daungan nang biglang tumunog ang isang pamilyar na tugtog sa aking telepono. Agad kong kinuha iyon at mabilis ang hiningang tiningnan ang pangalang nakalagay sa screen. Pangalan nya ang nakalagay roon! Halos mangilid ang mga luha ko habang tinitingnan ang pangalan niya sa screen ng phone ko. I knew it! He's definitely alive! Nanginginig ang mga kamay kong sasagutin ang tawag ngunit agad iyong nawala bago ko pa man iyon sagutin.

Tiningnan ko ang mga mensahe ko na pinadala ko sa kanya ngunit walang sagot mula sa mga iyon. Hanggang sa tumunog muli iyon at agaran ko iyong sinagot.

"H-Hello?" halos manliit ako habang iniisip na sana ay may sasagot sa kabilang linya. Umaasa ako na boses niya ang maririnig ko roon.

"Ang bagal naman ng bangka nyo. Hindi niyo ba pwedeng bilisan? Naiinip na kasi ako rito." aniya at napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

Tumigil ang bangka sa daungan at nang imulat ko ang aking mga mata ay sya agad ang unang nakita ko. Nakatayo siya sa itaas ng sementong pader na nakaharang sa karagatan at nakapamulsa habang diretsong nakatingin sakin.

"T-Tris..." nanginginig na sambit ko at dahan-dahang binaba ang phone.

Agad akong napatayo sa sobrang tuwa at nagmamadaling umakyat sa daungan. Hindi ko na pinansin pa ang sigaw ng bangkero na nagulat sa ginawa ko dahil hindi na ko makapaghintay na malapitan siya. Matapos ko kasing tumalon sa natitirang distansya ng bangka sa daungan ay mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

Bigla ko syang niyakap ng mahigpit at naramdaman kong binuhat nya ko mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko halos mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha dahil sa sobrang saya. My man is alive! Binaba niya ko at pinagdikit ang aming mga noo saka marahang hinaplos ang aking pisngi. He showered me some quick kisses on my nose, head and lips. Matapos iyon ay niyakap niya kong muli bago siya bumitaw at matamang tumingin sa akin.

"B-buhay ka, Tris. A-Akala ko wala ka na, akala ko iniwan mo na kami, ako. Kahit naniniwala ako na buhay ka pero dahil sa mga nangyayari at nakikita ko ay unti-unti na kong naniniwala na wala ka na. P-Pero heto ka, you're alive. You're alive..." umiiyak na sabi ko at pinunasan nya ang mga luha ko.

"Shh, I'm sorry if I didn't show up early as soon as I can...I'm really sorry kung pinag-alala kita. But, I promise to you right? I will comeback for you no matter what. Tris will always come home to his George right?" aniya at patuloy pa rin ako sa paghikbi roon.

"Mahal na mahal kita, George at hindi ako makakapayag na magkahiwalay pa tayo. And I know how much you deserve my explanation. But for now, I just want to kiss you, because damn it! I really missed your kisses back there! It's just so frustrating to be away from you. So can I kiss you right now? My George?" tanong niya at nakangiti akong tumango sa kanya

Ngumiti rin sya saka ako siniil ng isang malambot at marahan na halik sa labi. Napapikit ako at napahawak sa kanyang damit nang unti-unting lumalalim ang halik niya. Matapos iyon ay bumitaw siya roon at habol ang hiningang tumingin sa akin saka ako muling niyakap.

"Fuck! I really miss you so damn much!" he huskily said at natawa na lamang ako.

Habang dinarama ang yakap niya sa akin. This would be one of my happiest Christmas in my entire life and I thank God for this gift.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon