Episode 025

32 1 0
                                    

Episode 025


Kinabukasan ay mabilis ang hininga kong sumugod sa bahay nina Gabriel matapos ang mga narinig ko kagabi mula kay George.

"Good morning, Sir Tris." bati ng katulong nila sakin.

"Asan si Gabriel?" tanong ko ngunit agad din namang lumabas si Gabriel mula sa loob.

"Tris, bakit nandito ka?" bago pa sya makalapit ay mabilis akong sumugod sa kanya at sinuntok ang mukha nya.

"Gago ka!" sigaw ko at agad akong hinawakan ng mga guards habang sya ay tinutulungan ng mga katulong sa pagtayo.

"Ano bang problema mo?!" singhal nya sa akin.

"Tarantado ka! Gabriel! Anong sinabi mo kay George ha?!"

Pinunasan nya ang dugo sa gilid ng kanyang labi at tumingin sakin.

"I just told her the truth...na sumama ka kay Sierra, which is true right? Magkasama kayong pumunta ng Italya and she even lived with your family."

"Oo, magkasama kami ni Sierra pero wala kaming relasyon!" sigaw ko at bakas naman ang gulat sa mukha nya.

"Pero iyon ang sinabi sakin ni Sierra nung huli kaming mag-usap. She told me that you took her with you papuntang Italya. Sinabi niya na masaya ka dahil magkakasama kayo." pagpapaliwanag nito.

Si Sierra? Hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko sa ilang buwan na nagkasama kami ni Sierra sa Italya noong nakaraan. Kahit na alam kong pareho kaming may kasalanan ay tinanggap ko pa rin sya. Ngunit labas naman ata dito ang pagsisinungaling nya.

"Look, Tris... I'm sorry okay? Hindi ko alam na nagsisinungaling si Sierra...hindi ko talaga alam. Maniwala ka sakin, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari. Kung alam ko lang na hindi pala totoo iyon. Hindi ko na sana sinabi pa kay George. You're my cousin, kaya patawarin mo ko sa mga sinabi ko. It's my fault, I'm sorry." sinserong aniya.

"Pasensya na rin kung bigla akong sumugod dito. Sige, may kailangan lang akong kausapin..." pagpaalam ko at hindi na sya hinintay pang magsalita.

Lumabas ako ng bahay nya at agad tinawagan si Sierra. Matagal pa bago nya nasagot ang tawag ko.

"Hello?"

"Meet me at the coffee shop malapit sa dati kong unit. We need to talk right now." sabi ko at binaba agad ang linya.

Nakarating ako sa coffee shop at agad ko naman syang namataan na nakaupo sa bandang dulo nito. Agad syang napatayo nang makita ako. She smiled at me habang ang dalawang kamay ay nakatuon sa mesa.

"Sit down" utos ko at umupo naman ito.

Naupo ako sa harap nya at agad naman syang nagsalita.

"Kumain ka na ba? Oorder na ko..." aniya at akmang tatayo muli para pumila.

"No, may pag-uusapan tayo." seryosong usal ko at agad naman siyang napabalik sa kinauupuan niya.

"About what?"

"Tungkol sa sinabi mo kay Gabriel. Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo sinabi na may relasyon tayo? Alam mo bang dahil sa ginawa mo, hindi na ko kayang paniwalaan pa ni George ngayon? Dahil din sayo muntik pa kaming magkasiraan ng pinsan ko. Kaya anong kabaliwan ang pumasok sa isip mo para sabihin ang kasinungalingan iyon?" mariin kong sabi at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.

"Dahil alam mo kung gaano kita kamahal , Tris...na gagawin ko lahat makuha ka lang. Tayo ang unang nagkakakilala, ako ang unang nagkagusto sayo. Ako yung malapit sayo."

"At wala kang pakialam kung may masasaktan o maagrabyado sa ginawa mo Ganun ba?"

"Dahil gusto ko makuha ka, but then I found out na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo...hindi mo alam kung paano ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko sa inyo. And I'm sorry for all of it. I'm so sorry for being a bitch to you and George. Umasa kasi ako na baka mahalin mo rin ako habang nasa Italya tayo." bigla syang humikbi roon at pinunasan ang mga luha.

"I treated you as a friend, halos kapatid na rin Sierra. At ilang beses kong sinabi sayo na hanggang doon lang tayo..."

"Alam ko pero hindi naman masama kung sumubok ako diba? Lahat naman gagawin mo para mahalin ka ng taong mahal mo."

"Pero mali ang paraan mo, Sierra..."

"I'm very sorry for this Tris. I promise na aayusin ko ito. Just give me a chance. I'm going to fix all the damages I have done to you and George." tumayo sya roon at kinuha ang bag nya. Saka pinunasan ang luha at mapait na ngumiti sa akin.

"I hope you both find your happiness. Sana ay mapatawad mo rin ako sa mga kasalanan ko sa inyo. That's all, Tris...aalis na ko."

Umalis siya sa harapan ko habang ako naman ay naiwan doon magkasalikop ang dalawang kamay at nakakatitig sa kawalan. Iniisip kung ano bang dapat kong gawin ngayon. Kung ano nga ba ang nararapat sa ngayon.

Makalipas ang maraming araw hindi ako nagpakita kay George. Inasikaso ko ang farm namin sa probinsya at mas tinuon ang pansin sa trabaho. Kakauwi ko lamang nung nakaraan at hindi na masyadong pumunta pa si George kayna Carlos.

"Tris, hindi ka ba pupunta mamaya sa graduation nya?" tanong ni Carlos sa akin. Lahat sila ay nakabihis para manuod ng graduation ni George ngayong araw.

"Kayo na lang, paniguradong baka masira ko pa ang graduation nya." sabi ko at umakyat na lamang sa taas.

Hindi ko na sila kinausap pa hanggang sa makaalis ang mga ito. Paulit-ulit akong nagpapaikot-ikot sa loob ng kwarto hanggang sa hablutin ko ang susi at agad lumabas ng bahay.

Nasa kalagitnaan na ang programa at sakto lamang ang pagdating ko dahil inaabutan na sila isa-isa ng kanilang diploma. Nagtago ako sa likurang bahagi ng gymnasium at pinanuod sila roon.

Sina Carlos ay nasa bandang gilid at nanunuod. Pinagmasdan ko syang umakyat sa entablado hanggang sa abutin nito ang kanyang diploma.

Pagkatapos noon ay ngumiti sya at marahang yumuko. Bumaba siya mula sa stage at mabilis na sinalubong nina Carlos at ng kanyang mga magulang.

Ngumiti ako habang pinapanuod sya mula sa malayo. I'm happy for you, George. Finally, you did it, you have made it this far.

Umalis ako sa lugar na iyon habang lahat sila ay nagkakasiyahan pa.

Sa tingin ko, hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin...pero maghihintay ako. Sa ngayon hanggang dito na lang muna...hanggang dito na lang muna tayo.

Goodbye, for now...George.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon