Episode 038
Maggagabi na nang makauwi kami sa bahay. Nagpunta pa kasi kami sa public market para mamili ng makakain. Tumulong sya sa pag-aayos ko ng mga gamit. Kaunti lang naman yun bukod sa mga souvenirs na binili namin habang nasa beach kami.
"Kailan ka babalik sa Pinas?" tanong nya
"Baka this Christmas, bakit?" sagot ko
"Wala, hindi na kasi ako makapaghintay na sabihin sa kanila na sinagot mo na ko. Napakagwapo ko talaga, para malamang patay na patay ka pa rin sakin hanggang ngayon..." pang-aasar nya habang nakangisi sa akin.
"Yabang mo!" singhal ko at naglakad papasok sa kusina para ayusin naman ang pinamili naming pagkain kanina.
"Totoo naman ah!" sigaw nya at umirap na lamang ako habang nag-aayos doon.
Nagprisinta syang magluto para sa hapunan habang nasa kwarto naman ako at kausap sila Mila at Ashley. Matagal na rin nung huli kaming nag-usap. Nagkaroon pa ng pagtatampo nun si Ashley na mukhang nahihiya ngayon sa akin.
"Anong balita? Babae?" tanong ni Mila
"Baka umuwi ako sa Christmas" sagot ko at bigla naman silang napangiti.
"Sa wakas!" sabay na sigaw nila roon. Ngunit bigla silang natigilan dahilan para mapalingon ako sa likuran ko.
Naroon si Tris at parang walang pakialam na nanunuod ang dalawa sa ginagawa niya. Pumasok sya na walang pang-itaas at saka binuksan ang kanyang bag at nagbihis ng itim na T-shirt doon bago lumapit sakin.
"Kain na tayo" aniya at hinalikan ako saka sya humarap sa dalawa.
"Hi Ash! Hi Mila!" nakangiting bati nya at lumabas na ng kwarto ko.
Napangiwi naman ako dahil sa ginawa niya habang tulala parin ang dalawa sa monitor.
"A-ano yung nakita namin?" tanong ni Ashley bakas ang gulat sa mukha dahil nakaawang ang labi nito habang nakaturo sa harap ng camera.
"Kami na ni Tris," sagot ko rito at halos mabingi ako sa pagtili ng dalawa mula sa screen.
"Kyaaaaaaaaah!!! Sa wakas!!!" sigaw nila pareho at napailing na lamang ako...
"Sige na, kakain na kami. Susunod na tayo mag-usap." paalam ko at sinara ang laptop.
Bumaba ako at napansing may kausap sya sa telepono. Hindi agad ako nagpakita at alam kong hindi dapat pero napilitan akong makinig sa pinag-uusapan nila nung kung sino man iyon.
"Yes, Sierra. Basta next week pupunta ko dyan...sige, I miss you too. Bye." paalam nya at binaba na ang telepono.
Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa narinig ko. Nagtago ako sa likod ng isang pader at pilit kinalma ang sarili dahil sa mga narinig.
Pupuntahan nya si Sierra? Para saan? Niloloko nya ba ko? Pinaglalaruan ba nila ko? Narealize nya bang si Sierra ang gusto nya at hindi ako? Ano to? Lokohan? Matapos niyang sabihin kahapon na nagseselos siya kay Vini, bigla kong maririnig ito?
Gusto kong maiyak pero pinigilan ko, ayokong mahalata nyang may alam ako sa kasinungalingan niya. If he wants to play, then fine! Makikipaglaro rin ako sa kanya.
Pumunta ako sa dining hall at agad nya kong sinalubong. He kissed my cheek at pagkatapos ay inalalayan akong maupo sa harap ng mesa. Pinagsilbihan nya ko at tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko pinahalata na may narinig ako sa pag-uusap nila ni Sierra kanina.
"Kumain ka ng marami ha." masayang sambit nya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
Hindi ko mapigilan ang mapaisip. Bakit parang masaya sya? Dahil ba kasama nya ko o dahil magkikita sila ni Sierra sa susunod na linggo?
"Ayos ka lang?" tanong nya at tumango ako.
Masyado akong ginugulo ng isip ko, gusto kong malaman ang totoo. Pero natatakot ako sa mga posible kong malaman.
Tahimik lang kaming kumain ng hapunan at nagpasya akong mauna na sa kanya. Dumiretso ako sa bathroom para maligo pagkatapos ay naglagay ako ng lotion at sinuklay ang aking buhok. Suot ang isang white silk pajamas ay lumabas na ko ng bathroom.
Nadatnan ko siyang nagbabasa ng magazine habang nakaupo sa dulo ng aking kama.
"Tapos na ko...baka gusto mong uhm, maligo..." I said to him.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at nilapag ang magazine. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin diretso ang tingin sa mga mata ko. Umiwas ako sa ambang paglapit niya at tumakbo patungo sa kama.
Pumasok na lamang siya sa loob ng banyo habang ako naman ay napabuntong hininga na lamang. I messaged Lea about us and as usual hindi niya ko tinantanan. I just explained everything to her pagkatapos ay nagpaalam na rin siya dahil tapos na ang break niya.
Kinuha ko ang magazine na binabasa niya kanina. Isa iyong lifesfyle magazine at nakatapat iyon sa picture ng isang bahay. I scan the pages at biglang natuon ang atensyon ko sa paglabas niya ng bathroom. Nakatapis ang tuwalya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Beads of water were dripping through his abdomen. Napalunok ako at halos mamula habang pinupunasan niya ang kanyang buhok.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya habang nagbibihis siya roon. Tumalikod ako sa gawi niya at lumipat sa kabilang side ng kama. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng magazine nang maramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso nya sa aking tiyan. Inamoy niya ang buhok ko at ramdam ko ang bawat paghinga niya. Halos manindig ang balahibo ko dahil sa nararamdaman.
"I used your shampoo and soap, if that's okay." he said in a husky voice. Kaya pala pamilyar ang amoy niya sa akin.
"Okay lang" ani ko at nakapirmi pa rin siya sa puwesto namin.
"I really missed you, George. At sisiguraduhin kong di na kita papakawalan..." bulong niya at bigla kong naisip.
Totoo kaya yung mga sinasabi niya sa akin ngayon? Masyado lang ba akong nag-aalala dahil sa naging usapan nila ni Sierra kanina?
"Bakit ang tahimik mo?" humarap ako sa kanya at sinubukang kumalma.
"Wala, medyo napagod lang ako kanina." tugon ko at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at lumipat sa harapan ko.
"Do you want to sleep?" he asked and I nodded.
Ngumiti siya sakin at dinampian ng halik ang aking noo pababa sa ilong at sa labi.
Binuhat niya ako at inihiga ng maayos sa kama pagkatapos ay nahiga na rin siya sa tabi ko. He pulled me closer to him and sealed me with a tight hug.
"Goodnight, George..."
"Hmm, Goodnight"
Sa ngayon ay hinayaan ko na lamang ang sarili ko na isawalang bahala ang mga narinig kanina. Maybe I should just focus on what's happening right now. At hindi na lang masyadong isipin ang anumang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...