Episode 034
Natahimik ang lahat at tila hindi makapagsalita sa sinabi ni Tris.
I glanced at him at nakitang nasa akin pa rin ang paningin niya. Don't look at me you fool! Baka makahalata sila sa ginagawa mo. I almost said that to him pero napigilan naman iyon nang magsalita si Vini."Wow, probably, your first and great love. Bihira yan ganyan, Tris." si Vini at agad syang nilingon ni Tris.
"Thanks." sabi nito at nagpatuloy kami sa pagkain.
Hatinggabi na kami umuwi dahil nagkayayaan pa silang uminom sa garden ni Terrence. Hinatid pa rin ako ni Vini kahit tumanggi na ako sa alok niya. Sa side mirror ay nakita ko pang nakamasid na si Tris sa amin habang papalayo ang sasakyan doon.
Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pantulog pagkarating pa lamang sa bahay. Pahiga na sana ako nang may kumatok sa bintana ng kwarto ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kung sino yun. Tumakbo ako papunta sa bintana at nakitang nakangiti siya sakin.
"Pano ka nakapunta rito? A-anong ginagawa mo rito?!" singhal ko sa kanya at binuksan ang bintana.
Halos mapaatras ako nang bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin. Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"I was just checking your house..." aniya at ngumiti. Iniiwas ko ang paningin ko at lumapit sa lock ng bintana.
"Gabi na Tris, umuwi ka na." sabi ko rito at isasara na muli ang bintana ngunit agad nya yung hinarangan saka hinawakan ang palapulsuhan ko.
"Dito muna ko" sabi nya.
"Hindi pwede...baka may makaalam." mariing bulong ko sa kanya ngunit hindi siya nagpatinag.
"Walang makakaalam, my house was just near yours." at tinuro nya ang katabing bahay roon.
Tumalon sya sa bintana papasok sa kwarto ko at agad naman akong umatras at pinagkrus ang dalawang braso ko. Gabing-gabi na manggugulo pa rin siya?
"Trespassing ka alam mo yun?!" sigaw ko at agad siyang tinalikuran doon.
"Sungit mo na ngayon, parang walang pinagsamahan" pang-aasar nya at inis ko syang nilingon. Sino kayang nang-iwan samin at naglaho na parang bula? Anong akala niya ganun kadaling kalimutan lahat ng yun?
"Tigilan mo ko Tris! Nakakainis ka alam mo yun?"
"Naiinis ka kasi miss mo ko? Sabihin mo lang, libre yakap." at umambang syang yayakap sakin. Agad naman akong tumakbo papalayo sa kanya at pumwesto sa gilid ng kama ko.
"Pwede ba? Kung makikitulog ka dun ka..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla syang humiga sa kama ko!
"Umalis ka riyan hoy! Ano ba, Tris!" sita ko ngunit parang wala syang naririnig sa mga sinasabi ko. At talagang nagkumot pa sya!
"Tabi tayo, dito ka na" bumangon siya at tinapik nya ang natitirang espasyo sa kama ko.
"Umalis ka dyan!" inis na sabi ko at nagulat ako nang bigla nya kong hilahin pahiga sa tabi niya. Saka mabilis na dinantay ang kanyang kamay at binti sa aking katawan para di ako makawala sa kanya. Damn it! Ano bang gusto ng lalaking to?!
"Tris ano ba?!" singhal ko at pilit na kumakawala sa kanya.
"Matulog na kasi tayo," sabi nya at mas lalo pa kong hinigit palapit at iniharap sa kanya. Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa akin. Dahilan para tumama ang ilong ko sa dibdib niya at maamoy ang pabango niya.
Hindi na ko nakakibo pa dahil pagod na rin ako. Hindi lang kami matatapos kung patuloy ko siyang sisitahin lalo pa at alam ko naman na hindi siya makikinig sakin. Hinayaan ko na lang sya sa gusto niya ngayon, hanggang sa pinikit ko ang mga mata ko.
"I miss you" bulong nya at naramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo pababa sa aking ilong.
Unti-unti akong napadilat dahil sa ginawa niya at agad na nagtama ang mga mata namin. Kasabay ng pagtama ng liwanag ng buwan sa amin mula sa labas ng bintana ay ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
Then I saw it, in his eyes the hint of pain, sadness and guilt. Pilit kong winala sa isip ko ang mga nakita ko ngunit kasabay noon ay sumibol muli ang tanong sa aking sarili.
Bakit ka biglang nawala, Tris? Bakit?
"George..." his voice was husky as he called my name. Lumunok ako at agad na binaba ang tingin sa dibdib niya. Ngunit agad niyang itinaas ang mukha ko at kasabay noon ay ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. Napapikit ako nang magtama ang ilong namin. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga nya. Ramdam ko din ang paghaplos ng kamay nya sa buhok ko pababa sa aking pisngi. He breathe heavily as he caress my cheeks . At sa gitna ng bawat paghinga nya ay ang pagsambit ng mga salitang hindi ko inaasahan maririnig sa kanya.
"I'm sorry, George."
Makalipas ang isang araw ay nagkayayaan na magpunta kami sa Agios Stefanos isang kilalang beach dito sa Mykonos para sa isang friendly outing. Nakahanda na ang lahat ng kailangan para sa nasabing outing. Kami nina Terrence, Wanda, Zach, Tris at Vini ang magkasama. Si Vini ang nagplano at naghanda nito para mas lalo pa raw namin makilala ang bawat isa. Dumating din si Ate Lia kagabi para sunduin si Chi pabalik sa Pinas. Nagkita rin kami roon matapos akong ayain nina Tris na mag-dinner sa kanila at nagkaroon kami ng konting kamustahan doon. Hindi rin makapaniwala si Ate Lia na dito pa kami sa Mykonos magtatagpo muli ni Tris.
Hapon nang makarating kami sa Agios at isa-isang nagbabaan. May villa na pag-aari si Vini roon at sya rin ang nag-organize ng mga kwarto namin.
"Tara! Swimming tayo, George!" aya sakin ni Wanda at tumango ako.
"Magpapalit lang ako" saka ko tinuro ang papasok sa loob ng villa at tumango naman siya.
Naglakad ako papasok at agad nagpalit ng isang itim na two piece bikini. Pinatungan ko iyon ng puting see-through dress saka lumabas. Agad nagtama ang paningin namin at tiningnan nya ko mula taas hanggang pababa dahilan para mailang ako. Seryoso ang tingin niya sa akin.
"Tss" mabilis syang naglakad papalabas at sumunod naman ako.
Problema nun?
Nag-swimming kami ni Wanda at nakisama na rin ang iba. Si Tris ay naroon lamang sa sun lounger at nakikinuod sa amin. Hindi matanggal ang seryosong ekspresyon habang umiinom ng juice sa kinauupuan niya.
Umahon ako sa tubig at lumapit sa tuwalyang nasa tabi lamang nya. Nagpunas ako sa aking katawan at agad syang nilingon.
"Hindi ka lalangoy?" tanong ko at uminom din sa isang baso ng juice na naroon.
"Ayoko" tipid na sagot nya
"Okay" at agad na kong bumalik sa dagat matapos ang ilang segundo.
Nakita ko ang padarag nyang pag-alis roon ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Nakisali ako sa kanila na mukhang nag-eenjoy sa malamig na tubig ng karagatan.
Paminsan-minsan rin ay lumilingon ako sa mga sun loungers at nagtataka kung bakit bigla na lamang naging ganun ang reaksyon nya.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...