Episode 049
Sumakay kami ng traysikel pabalik sa hotel at siya na ang nagbayad ng pamasahe roon. Agad kaming umakyat sa kwarto ko at dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng isang karton ng juice saka iyon sinalin sa isang baso. Nakaupo siya sa may couch at nakatingin sa mga magazines na nasa ilalim ng maliit na mesa.
Nilapag ko ang isang baso ng juice sa harapan nya at saka naupo sa tabi nya. I hold his hand and squeezed it to get his attention.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Muntik na kong mabaliw dahil akala ko patay ka na!" sigaw ko habang unti-unti na namang namumuo ang luha sa mga mata ko. I punched his arm softly dahil sa inis na nararamdaman.
Humarap siya sakin pagkainom ng juice saka hinawakan ang kamay ko at malumanay na nagsalita...
"I'm sorry kung pinag-alala kita. Wag ka ng umiyak,nandito na ko...hmm? I would never leave you again like that George. I promise." aniya at pinahid ang mga luha sa aking pisngi.
Dahan-dahan akong tumango pagkatapos ay ngumiti sa kanya. Lumapit sya sa akin at hinalikan ang aking noo. Napapikit ako dahil roon at pinakiramdaman ang lahat. Somehow all the pain I have felt during the past few days have been washed away. I feel like my heart has been complete again.
"Kumain ka na ba? May binili akong mga pagkain o gusto mo sa labas na lang tayo?" tanong ko sa kanya at umiling siya
"Dito na lang tayo." sagot nya at tumango ako.
Tumayo ako saglit para kunin ang binili kong pagkain at pati na rin ang mga plato at kubyertos. Isa-isa kong sinalin ang pagkain sa bawat plato bago naglakad pabalik sa kinalalagyan niya.
Nilapag ko ang pagkain sa harap namin at naupo. Kinuha nya ang kutsara at nagsimulang kumain.
"Bakit pala hindi ka agad nagparamdam?" tanong ko sa gitna ng aming pagkain.
Tumingin sya sakin at bumuntong hininga saka nagkwento. Tumuwid ako sa pagkakaupo at itinuon ang buong atensyon sa kanya.
"Nagka-aberya kasi sa makina ng eroplano. Hindi inaasahan na sumabog ang dulo nito dahil sa animo'y spark sa isang makina ng eroplano. I was so nervous and scared that time. Akala ko talaga katapusan na namin noon. Bumili na nga ko ng singsing at handa na sanang isurpresa ka sa pagpo-propose ko kaso bumagsak at unti-unting nilamon ng apoy ang sinasakyan namin banda rito sa Palawan." he explained first at bahagyang tinuloy ang pagkain.
"Hawak ko ang dalawang bagay na iniingatan ko nang panahong yun. Your supposed engagement ring and your gift for me. I somehow managed to escape the plane before it got totally burned. Ilang metro ang nilakad ko sa kagubatan palayo roon hanggang sa unti-unti akong manghina at tuluyang bumigay ang katawan. Halos wala akong malay sa loob ng ilang araw hanggang sa magising ako na nasa isang bahay na ako. May mga pasa at galos akong natamo sa ilang bahagi ng katawan at nasira ang phone ko sa mga oras na yun. Maigi na lang at naisalba ang sim card nun." he paused for a bit and suddenly I showed him my ring finger where the ring has been worn. He immediately smiled at that moment staring at my finger.
"So ano na sumunod na nangyari?" I asked and he sighed then continued.
"Mabait naman yung mga kumupkop at nagligtas sakin. Mag-anak sila na nagbebenta ng mga souvenirs dito sa Palawan. Tinulungan nila kong magpagaling kaagad kaya hindi agad ako nakapagparamdam. Ilang araw akong nanatili roon para magpagaling at bumawi ng lakas. Hanggang sa umalis ako sa kanila at nagpasalamat. Plano kong bumalik sa atin ngunit wala pa akong sapat na pera ng mga oras na yun. Binigyan nila ko kaso nahihiya akong gastusin dahil iyon ay kinita nila sa pagbebenta ng souvenirs at mas kailangan nila yun. Kaya binigyan na lang nila ko ng lumang cellphone para magamit at saka ko nabasa ang mga text mo sakin..Eksakto pa na nakita kita rito sa Palawan nung namamasyal ako. Hindi lang ako nakabwelo agad para lapitan ka." aniya matapos ang mahabang paliwanag nya
"Sobra akong nag-alala kung alam mo lang, parang halos patay na rin ako nung mabalitaan yun. Ilang gabi at araw akong umiyak habang hawak yung singsing mo... Kahit kailan talaga, lagi mo kong iniiwan..." I said at mabilis na tinapos ang pagkain at ganun na rin siya bago muling nagsalita.
"I'm sorry, hindi na to mauulit okay?" aniya at tumayo dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Umupo sya sa harap ko at kinuha ang aking kamay kasabay noon ay marahan nya itong hinaplos at hinalikan.
"I'm sorry, George." sambit nya at niyakap ako.
"Merry Christmas, George!" bati nilang lahat nang pumatak ang alas-dose sa gabing iyon.
"Merry Christmas din!" masiglang bati ko nang biglang sumulpot si Tris sa tabi ko at kumaway sa kanila dahilan para sabay-sabay silang matigilan.
"Hi! Merry Christmas!" pagbati nito at halos hindi ko na mapigilan ang ngiti ko nang makita ang pag-iiba ng ekspresyon nila.
"Kingina, Christmas diba? Hindi halloween?" si Kaizer at bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Buhay ako mga baliw!" singhal ni Tris sa kanila at nanlalaki ang mga matang napatingin sila sa akin. Halatang naghahanap ng sagot mula sa akin kaya naman ay dahan-dahan akong tumango.
Bigla silang naghiyawan at nagtatalon sa screen at maging si Kaizer at Ian ay nagyakapan pa sa sobrang tuwa. Natawa kami pareho dahil sa inasal ng dalawa.
"I'm happy for the both of you" si Carlos ang nagsalita.
"Thanks/Salamat" sabay naming sabi at ngumiti sa amin si Carlos.
"Merry Christmas, Tris! George!" sigaw ng dalawa
"Merry Christmas!" bati namin at nagpatuloy ang selebrasyon naming dalawa sa hotel room habang sila ay nasa bahay ni Carlos.
The video call is still on going at binuhay nila ang player saka nagpatugtog doon. Hinila ako ni Tris patayo at isinayaw sa buong kwarto ng hotel.
Pagkatapos ay hinapit nya ko papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit saka bumulong.
"I miss you..." his husky voice whispered.
"I miss you too..." tugon ko at nagpatuloy kami sa pagsasayaw.
BINABASA MO ANG
Far Away
عاطفيةHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...