Episode 004

59 4 0
                                    

Episode 004


Ipinarada ko ang kotse sa harap ng kanilang gate at saka bumaba roon. Binuksan niya ang pinto pagkabukas ko ng gate at pinapasok ako nito sa loob.

"Anong nangyari?" ulit niya sa tanong kanina.

Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari, simula sa pagdating ko sa condo at nang naabutan ko si mommy hanggang sa naging pagtatalo namin nito tungkol sa negosyo.

"So, what is your plan now?" tanong niya

"I might just stay here for a while... Alam kong kukulitin lang ako noon." sagot ko

"Then I might just prepare the guest room for you. Maiwan na muna kita dyan."

Tumayo siya at saka umakyat sa taas para simulang ayusin ang kwartong magagamit ko.

Kinuha ko ang remote ng TV na siyang nakalapag sa maliit na mesa sa harapan. Binuksan ko ang TV at nilipat ko ang channel sa mga movies at nasakto iyon sa isa sa mga paborito kong movies. Bumaba siya matapos ang ilang minuto at umupo sa isa pang couch.

"Your room's ready...Pati na rin ang shower area."

"Thanks bro," sabi ko at tumango lamang siya.

"Nag-away kayo ni Tita?" tanong ni Kaizer.

Nasa bahay niya kami kasama si Mila. Sinamaan ko siya ng tingin dahil kanina pa ko nagkwento at paulit-ulit na lang din ang tanong niya. Para siyang sirang plaka kung magtanong kahit pa malinaw ko ng nai-kwento sa kanila ang lahat.

"Nakakaintindi ka, Kaizer?" sarkastikong tanong ko rito.

Ngumiti siya sakin at inangat ang isang kamay saka nag-peace sign. Si Mila naman ay tahimik na kinakausap si Louise sa may gilid.

"Tris, balita ko darating daw si George sa birthday ni Mila," ani ni Laxus sa akin.

"Oh! Makikita na namin siya?" Tuwang-tuwang sabi ni Kaizer at bumaling siya kay Mila at tinanong ito.

"Hoy! Mila! Pupunta nga si George?" pangungulit ni Kaizer sa kanya na ngayon ay binaling sa huli ang paningin.

"Oo nga..."

"Anong oras?" tanong ni Kaizer

"Ewan...Ikaw Tris?" baling niya sakin

"Anong ako?"

"Pupunta ka? Pumunta ka!" aniya at pinandilatan ako ng mata.

"Malamang, pupunta ako" sagot ko at ngumiti sya ng sobra.

"Pupunta yan para makita si George!" sigaw ni Ian at matalim ko siyang tinitigan.

"Sige Ian, wag mong intayin na maabutan kita dyan! Ako pa talaga inasar mo," pagbabanta ko at tumayo sa aking kinauupuan saka umambang lalapitan siya. Tumakbo siya papalapit kay Carlos na nakatayo sa isang tabi at nagtago sa likod nito.

Si Carlos ang pinakamatangkad sa amin. Kaya sa kanya lumapit si Ian dahil sa pag-aakala na madedepensahan siya nito mula sa akin. But then, he's wrong.

"Carlos, pigilan mo yan, parang awa mo na!" sumbong nya kay Carlos na nananatili lamang nakatayo sa harapan niya. Palapit na ako sa kanya at bigla siyang hinawakan ni Carlos sa magkabilang balikat saka dahan-dahang lumipat sa likuran ni Ian at unti-unti itong iniharap sakin.

"Teka, teka! Carlos! Hey! Wag kang traydor!" mahigpit siyang hinawakan ni Carlos sa magkabilang braso. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa kwelyo saka matalim siyang tinitigan.

"Ano, may sasabihin ka pa? Mang-aasar ka pa?" tanong ko sa kanya.

"W-wala, wala na! Bitiwan mo na ko please! " pagsisita niya.

Binitiwan ko naman siya saka umupo sa sofa at napapikit. Iniisip kung saan banda nga ba ko nainis sa sinabi ni Ian. Ano naman kung pumunta siya sa birthday ni Mila? Hindi ko namalayan na tumabi sakin si Mila at kinausap ako. Wala naman masama sa sinabi nya.

Humarap ako sa kanya at nakitang nakataas ang isang kilay niya sa akin. Tumagilid ang ulo ko dahil mukhang may gusto siyang sabihin sakin na kanina nya pa hindi nasasabi.

"Ano bang sasabihin mo?" I asked her

Bumuntong-hininga sya at tinitigan ako ng diretso sa mga mata.

"Kailan mo ba balak magpakita sa kanya?" tanong niya, tinutukoy si George.

"Wag kang excited... Dadating din tayo dyan." sabi ko at ilang sandali pa ay nagyaya na si Carlos na umuwi. Si Mila naman ay doon daw matutulog kasama sina Laxus...

Sa totoo lang hindi ko pa alam. Sometimes, I tried to meet her but then we always go the opposite ways. May mga panahon na gusto ko na siyang makilala ng personal pero palagi kaming pinaglilihis ng tadhana. I know that she had a crush on me since then. But I'm not sure kung hanggang kailan tatagal ang nararamdaman nya.

Pagkauwi namin ni Carlos ay hiniram ko sa kanya ang laptop nya at inopen ang facebook account ni Mila. She let me borrow her account sometimes for those guys who were hitting on her. I scanned her wall until I saw a familiar name.

Georgina Sander.

Mabilis kong binuksan ang chatbox nila. I read some of their conversations na halos tungkol sa akin. After that, I visited her profile. Most of her posts ay about sa isang fandom niya from a Wattpad community.

Naalala ko na sinabi sa akin ni Mila noon na George loves to write novels. Madalas ay sinusubaybayan niya iyon. She even told me na may isang character na isinunod sa akin noon si George but then he killed that character in the story na ikinatampo ko kung kaya't nabago ang flow ng story.

I also stalked her photos and it seems that she's enjoying her college life.

"You're stalking, George?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Carlos sa likuran ko.

"Carlos! Ano ba?! Magsabi ka nga!" gulat na usal ko sa kanya at tinuro nya ang screen ng laptop niya. Agad ko naman iyong sinara at diretsong tumingin sa kanya.

"You're stalking George's profile using Mila's account" panigurado niyang sabi.

" Hindi, tinitingnan ko lang kung may pumoporma kay Mila and I just happened to stumble across her profile!" ani ko at tumango na lamang siya.

"Right..." nanunuya niyang sabi.

"Oo nga!" singhal ko at tumawa siya.

"Chill! Ano ba, wala naman ako sinasabi ah?"

Umismid ako at agad na lumabas ng kwarto. Sumunod siya sakin pababa dala ang kanyang laptop na ngayon ay nakabukas na.

"You forgot to logged out. Hindi pala inii-stalk ha? No wonder why you got to her old photos, Tris."

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na kinuha sa kanya ang laptop saka mabilis na nilog-out yun at pinatay.

Shit!

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon