Episode 010
Madaling araw nang umuwi si Kaizer sa kanila. Bandang alas-siyete naman nung nagising kami pareho ni Carlos at nagluto ng almusal. Ilang saglit pa ay bumaba na rin si Lissa mula sa kwarto nito.
"Good morning!" bati nito sa amin at tumango lamang si Carlos dito.
"Kumain ka na" aniya sa pinsan at naupo naman si Lissa sa isa sa mga silya.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa bumalik na rin si Lissa sa kwarto nya. Kaming dalawa naman ni Carlos ay nilinis ang mga kalat kagabi at ngayong umaga. Maya-maya lamang ay biglang nagtext sa akin si Kaizer.
Kaizer: Punta ka sa bahay.
I immediately reply to him.
Ako: Bakit?
Kaizer: Basta...
Umiling ako at mabilis na umakyat sa taas. Naligo ako at nagbihis saka bumaba. Nadatnan ko silang magpinsan na nanunuod na muli ng movies. Dumaan ako sa gilid nila para kunin ang susi sa lagayan nito at napatingin naman si Carlos akin.
"San ka?" ani Carlos
"Kayna Kaizer lang," sagot ko at kinuha ang susi ng sasakyan saka umalis. Sumulyap agad sa akin si Lissa at ngumisi ako dahil mukhang di sya makakasama papunta kayna Kaizer.
"He texted you?" tanong nya at tumango ako at agad lumabas ng bahay bago pa niya madugtungan ang sasabihin.
Pagkarating sa bahay ni Kaizer ay sinalubong nya agad ako sa may gate.
"Bakit mo ko pinapunta?" tanong ko sa kanya.
"Samahan mo muna ko, please. Umalis kasi si Mama. May business trip sya sa Japan. Samahan mo ko dito. Ha?"
"Para kang bata, oo na. Kelan pa ba umalis si Tita?"
"Kagabi lang, anong gusto mong kainin?"
"Sigurado ka?" panunuya ko dahil bihira lamang siyang mag-alok ng makakain. Ganito ba ang epekto kapag may nagustuhan ka?
"Mm" tango nya sa akin.
"Kung ano na lang meron" sagot ko at agad siyang nagtungo sa kusina. Tinext ko na si Carlos na hindi muna ako makakauwi sa ngayon at pansamantala akong titira kayna Kaizer.
Ilang sandali pa ay naglapag na si Kaizer ng dalawang plato ng lasagna at kumuha naman ako ng isa.
"Nga pala, Tris...alam mo na ba yung balita?"
"Saan?"
"Tumawag si tita, last night hindi ka kasi matawagan. She said uuwi daw kayo sa Italy this December."
"Did she drop the issue?" tanong ko
"Wala siyang binabanggit eh. Pero teka, paano si George?"
"Hindi ko alam, hindi ko sigurado." Napatingin ako sa aking cellphone at biglang may sumagi sa aking isipan.
"Give me your phone!" ani ko sabay lahad ng kamay sa harap nya.
"Bakit?"
"Tss. Just give me your phone, Kaizer!" iritableng sagot ko at kinuha nya agad iyon.
"Wag kang magbabasa ng messages dyan!" angil nya at hindi ko siya pinansin.
Mabilis kong dinial ang numero ni Mila at nakailang ring pa bago nya iyon sinagot.
"Bakit ba?" singhal nya
"Send me George's number."
"Bakit?"
"Just send it! I need to talk to her..."
"Sige na sige na, hintayin mo na lang." aniya saka binaba ang telepono.
Mabilis naman nakarating ang number ni George sa akin at pinagmasdan ko iyon. Ano nga bang gagawin ko? Tatawagan ko ba siya? Itetext ko ba siya o ano?
"Tatawagan mo?" tanong ni Kaizer
Binaba ko ang cellphone at tumingin sa kanya. Nakataas ang kanyang kilay at humalukipkip na sumandal sa sofa.
Lumunok ako bago napag-isipan ang gagawin.
"Follow me" sabi ko at biglang tumayo.
"Saan tayo?" tanong nya.
"I'm going to talk to George." mabilis na tugon ko at sumakay sa kotse.
Naghihintay kami sa labas ng school ni George. Alas-dose pa lang ay may mga estudyante ng lumalabas mula sa loob. Oo nga pala lunch time na ngayon. Malamang lalabas sila para kumain.
"Tris, alam mo ba schedule ni George?" tanong sakin ni Kaizer.
Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Bakit nga ba di ko natanong iyon? In fact, I also didn't even texted her or called her na pupunta kami dito.
"Ayan ang sinasabi ko eh. Pupunta-punta tapos ano?" pang-aasar ni Kaizer sa akin.
"Manahimik ka nga..." inis na sabi ko rito.
Nagtatalo pa kami nang mahagip ng mata ko bigla si George. Mabilis akong bumaba at sumunod si Kaizer sa akin.
"Tris!" tawag nya sakin.
"George!" tawag ko sa kanya na ngayon ay naglalakad kasabay ang ilang estudyante.
Papasok sya sa loob ng school nila at sinundan ko sya kaagad roon. Mabilis akong tumakbo at umiiwas sa mga taong nakakasalubong.
Damn it! Move it, people! Please!
Pero natigilan ako nang makitang sinalubong si George ng isang lalaki pagkalagpas nila sa gwardiya. Nagngitian sila at pagkatapos nun ay nagtawanan saka sila naglakad papasok. Kita ko pa kung paano niyakap nung lalaki si George at saka sila naglakad habang tulak nung lalaki si George mula sa magkabilang balikat nito.
"Tris! Woah, hala naunahan ka?" biglang sulpot ni Kaizer.
Umigting ang panga ko habang pinagmamasdan si George na kausap yung lalaki sa di kalayuan.
"Boyfriend nya ata, tingnan mo Tris ang sweet nila."
Matalim ko silang tinitigan bago binalingan si Kaizer na mapang-asar na nakangiti sa akin.
"That's not her boyfriend, because it's impossible." mariing sagot ko
"At bakit?"
"It's impossible dahil alam kong naghihintay sya sakin...and I am the only one who is capable to make her heart beat so fast than any other goddamn fucking guys out there. Sa akin lang, ako lang. " sagot ko at lumingon uli sa pwesto nina George.
Nilingon ko pa muli ang pinanggalingan ni George at napansin na maloko ang tingin sa akin ni Kaizer.
"Ano?"
"Wala, samahan mo na lang ako bumili ng pang-dinner natin." aniya at nauna ng lumakad sa akin.
Habang namimili si Kaizer ay binuksan kong muli ang account ni Mila. I immediately went to George's profile at hinanap ang pangalan nung kasama nya kanina.
I saw that they have a lot of tagged photos together. They are usually with a group. I checked some of the comments and based on it. Mukhang gay pala yung lalaking kasama ni George.
"Tris! Tara na!" nag-angat ako ng tingin kay Kaizer saka napapailing na ngumiti na lamang at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomansaHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...