Episode 040
"What are you doing here?!" singhal ko at seryoso ang tingin nya sa akin.
The lights were dancing together with people around us. Pero sa ngayon siya lamang ang nakikita ko. Ramdam ko ang iritasyon at galit nya, na parang kagaya lang noon. Pero anong akala nya ? Papatinag ako? Never! I wouldn't back down right this instance! Kung inaakala niya na bibigay ako gaya ng dati, then he's wrong!
"You're drunk, George. Iuuwi na kita" mariing aniya at hinila nya ko paalis ngunit nagpumiglas ako roon.
"Ano ba? Nagpa-party ako dito, di mo ba nakikita?!" sigaw ko at binawi ang kamay ko sa kanya.
Tumingin sya sakin at halos magkarera sa bilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya at sa nararamdaman ko ngayon. Nagulat na lamang ako nang bigla nya kong buhatin na parang sako at inilabas roon. Damn, bakit ba hindi ako makalaban ng patas sa lalaking to?!
"Ibaba mo ko, Tris! Ano ba?! Hahanapin ako doon! Mag-aalala sina Wanda! Tris, ano ba!" pagpipiglas ko at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad doon.
"Ako na magsasabi sa kanila mamaya. Iuuwi na kita ngayon mismo sa ayaw at sa gusto mo. Tangina, George! Hinahayaan mong hawakan ka ng kung sino-sino roon! Are you out of your mind?! Kung hindi pa ko dumating ay malamang nabastos ka na ng kung sino!" singhal nya habang nilalabas ako mula sa dancefloor. Nakakahiya na pinagtitinginan pa kami ng mga naroon.
"Wala kang pakialam! Ibaba mo ko ngayon din!" utos ko ngunit parang wala syang naririnig.
Nakalabas kami sa Astra na hindi ako nagpapaalam sa mga kasama ko. Nauubusan na rin ako ng lakas dahil masyadong mahigpit ang hawak nya sakin. Talagang wala siyang balak na bitawan ako ngayon.
"Hoy! Ibaba mo ko sabi!"
"Hindi kita ibababa... Iuuwi kita ngayon at mag-uusap tayo." sabi nya sa akin. I rolled my eyes and hit him weakly on his back. Masyado na kong pagod kakapiglas kaya walang gana ko na lamang siyang hinahampas sa likod hanggang sa mangawit ang mga kamay ko.
Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay at ibaba nya ko sa sofa. Nakasimangot akong nag-iwas ng tingin at pinagkrus ang dalawang braso. Hinawakan nya ang aking baba saka iyon inangat para magtama ang mga mata namin. Ngunit mabilis kong ibinaba ang aking tingin.
"Look at me" utos nya at hindi ko iyon sinunod.
"George" ma-awtoridad na utos nya at tiningnan ko sya mga mata. Malumanay iyon at parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga tingin niya. Napaka-inosente ng mga mata nya na direktang nakatitig ngayon sa akin at halos malunod ako sa pagtitig roon... para bang kaunti na lang ay bibigay na ako sa kung anuman ang sasabihin at gagawin niya.
"Sabihin mo sakin, bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? Why did you do this?" sunod-sunod na tanong nya sa akin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at sa halip ay nilapit sya sakin. I stared at his deep set eyes and reddish lips. Unti-unti kong nilapit ang aking mukha sa kanya nang bigla akong masuka.
Fuck, I'm such a mess!
Halos hindi ko mapigilan ang pagsusuka roon sa sobrang dami ng nainom ko kanina. Parang namilog ang aking sikmura dahil doon. I really swear right now, that this will be the first and the last time I'm going to drink that much.
Naramdaman kong inalalayan nya ko papasok sa banyo na nasa first floor ng bahay saka binuksan ang shower. Naramdaman ko agad ang lamig ng tubig na dumaloy sa aking katawan at halos mapaigtad ako roon sa sobrang lamig ng tubig na pumapatak sa aking katawan.
"Maligo ka" utos nya at akma ng aalis nang bigla kong hilahin ang dulo ng kanyang polo.
"Paliguan mo ko" utos ko rin at napapikit sya dahil sa inasal ko. I smirked because I can see how he struggle to keep himself calm during this situation. Dala na rin siguro ng epekto ng mga alak na nainom ko kanina kaya ganito kalakas ang loob ko.
Unti-unti kong binaba ang aking damit at tinapon iyon sa kanya. Napapikit sya roon saka pinulot ang damit ko sa sahig. Nagtaas ako ng kilay sa kinilos niya at naglakad patungo sa pintuan ng banyo.
"Maligo ka na" aniya at sinara ang pinto matapos niyang lumabas ng banyo.
Ngumuso ako at nagsimulang linisin ang aking sarili pagkatapos ay nakaramdam ako bigla ng antok at pagod pagkalabas ng banyo. Marahil ay ngayon lamang umepekto ang lahat ng mga ginawa ko sa buong araw. Umakyat ako sa kwarto at naroon sya nakaupo sa aking kama at tahimik na nakatingin sa kanyang cellphone. Nakasuot lamang ako ng roba at umupo sa tabi niya. I stared at him with my right hand under my chin.
"Magbihis ka" utos nya uli na hindi ko pinakinggan.
Lumapit pa ako sa kanya saka hinaplos ang mukha nya pababa sa kanyang panga. Lumunok ako bago siya siniil ng isang halik sa labi. Marahan iyon at sa una ay hindi man lang sya tumutugon, ngunit kalaunan ay naramdaman ko ring tumugon sya.
"Stop this, George...lasing ka." he whispered between our kisses.
"No, Tris...I want you" ani ko habang unti-unting tinatanggal ang butones ng kanyang polo.
Naramdaman ko rin ang pagtanggal ng aking roba at napamura sya dahil doon. I kissed him thoroughly at wala na kong pakialam sa kung anuman ang kalalabasan ng mangyayari ngayon. Patuloy lamang ang paghalik nya at ang pagtugon ko roon. Halos maramdaman ko rin ang paglalakbay ng kanyang isang kamay pababa sa aking baywang. He snaked his arms around my waist as he dragged me towards him and made me sit on his lap. He trailed his kisses down my jaw and to my neck then back to my lips again. Our kisses gets deeper and deeper hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
If something happens tonight, I won't going to regret it. Kung sila man ni Sierra at least naibigay ko sa kanya ang nais kong ibigay. I love him that much, that I'm willing to be a fool to do this.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...