Episode 043

24 2 0
                                    

Episode 043




He walked around the living room while thinking. Sumisinghap at napapahilamos dahil sa natanggap na tawag. Maya-maya ay tumawag muli ang mom niya sa phone niya na hawak ko pa rin hanggang ngayon. Lumapit ako sa kanya at inabot ang phone saka sya tinanguan...

"It's your mom, kausapin mo na muna" sabi ko at iniwan sya roon para ituloy ang kanyang ginagawa sa kusina.

Natapos ako sa pag-aayos ng mga plato at baso pati na rin ang mga pinamili namin at pinuntahan ko sya sa salas. Nakasapo ang kanyang noo at hindi matigil sa paghikbi. He was sitting on the couch gasping and crying. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya saka hinagod ang kanyang likuran. Halos manginig siya sa paghikbi roon, I never thought that this will be the first time I have seen him so vulnerable.

"Hindi ako makapaniwala na mauuwi sa ganito ang pinaghirapan ni Dad. Kilala ko sya, hindi nya magagawa to... He would never do this!"

"Ano ba nangyari?" takang tanong ko at hinarap siya.

"May nawawalang 150 million budget sa isang partner business ng Lineage Architectures Kasabay noon ay nadagdagan ang funds at savings ni Dad nang hindi inaasahan. Kaya sya ang naiturong suspect dahil doon. Nakakulong ngayon si Dad at under probation ng korte. Mom is really crying, it was painful for her to see my father in jail."

"Hindi kaya, pakana ito ng mga kalaban nyo? Bakit hindi ka pumunta roon? Sigurado akong may maitutulong ka! After all, your mom said that they need you there." sabi ko

"Pero paano ka? Pwede ka bang sumama?"

"Hindi pa ako pwede ngayon. May trabaho pa ko kay Vini at kailangan kong tapusin yun. Ayos lang naman kung umalis ka... your family needs you right now. At handa akong maghintay sayo. Ilang taon nga nahintay ko para mahalin mo ko, ito pa kaya?" nakangiting sabi ko.

Tumungo sya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga tila iniisip kung ano ang magiging desisyon.

"Sige na... They need you there. I'll be fine here." sinserong sabi ko habang hinahawakan ang dalawang kamay niya. I am squatting in front of him while he's thinking about his decisions.

Humarap sya sakin at agad hinalikan ang aking noo. After that he pulled me again for another tight hug.

"Thank you so much, I promise... I'll be back as soon as I can." sabi nya saka kumalas sa pagkakayakap at akmang tatayo ngunit agad ko syang pinigilan.

Napatingin sya sakin at kinuha ko sa aking bulsa ang isang susi na keychain at nilagay iyon sa palad nya. Saka pinakita ang aking kwintas na may lock pendant. It was a couple keychain and necklace na minsan kong nakita sa isang animated series noong bata ako. I always dreamed of having something like that. Kaya naman noong nagkatrabaho ako rito ay pinagawa ko iyon sa kakilala ni Wanda na isang jewelry maker.

"Bumalik ka, mawawalan ng kapares to." sabi ko at tumango sya

"I promise, I'll be back..." he said and gave me a kiss on the lips.

After that he cooked some dinner for us. Matapos iyon ay nanuod lamang kami ng movie sa laptop habang nakaupo sa kama. I'm leaning on his right shoulder while his arm was around my waist. Nakadantay ang isang binti ko sa kanya at tutok naman kami sa pinapanuod namin. He suddenly covered my eyes dahil medyo malaswa ang eksena. I immediately take it off at nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"Cover your eyes, it's bad." aniya at napairap ako.

"I'm old enough, Tris. Matagal ko ng alam ang mga ganyan." I said which made him looked at me, full of horror.

"So did you had an experience?" he asked.

"What kind of experience ba?" I asked also at napamura siya roon at sinara ang laptop saka iyon tinabi.

He immediately pulled me down and pinned me while his on top. Halos mahilo ako sa sobrang lapit namin at mapalunok dahil sa posisyon naming dalawa.

"Are still..." hindi niya naituloy ang sasabihin ngunit sinagot ko naman iyon. I know what is he thinking.

"Yes, and I will only gave this to the man I'm going to marry." I said and suddenly he smirked.

"You're giving it to me?" he asked playfully

"May sinabi ba kong ikaw? Bakit, sigurado ka bang ikakasal tayo?" naghahamong ani ko at ganun na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong siilin ng isang malalim na halik.

"Oo, George. Sigurado akong sa akin mo ibibigay yan. Dahil sa akin ka na. I'll make sure that you'll end up with me forever." mariing sambit niya sa akin.

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtingin ko sa eroplanong lumipad patungo sa Italya. Bumalik ako sa opisina makalipas ang limang minutong pananatili roon. Pinagpatuloy ko ang nalalabi kong trabaho roon na nadadagdagan naman dahil sa patuloy na pagtaas ng sales ng mga malls. As much as possible gusto nyang ilihim ang pinagdaraanan ng kanilang negosyo at pamilya sa mga kaibigan namin. Mukhang di rin naman naapektuhan ang ibang partners nila sa nangyayari ngayon sa kumpanya nila.

"George, tara sa bahay mamaya." aya sakin ni Wanda matapos ang shift ko sa araw na yun.

"Sure" agad kong sagot at nagpapalakpak naman sya.

"Yaaay! Don't worry, tayong dalawa lang mamaya sa bahay...no boys allowed!" sabi nya at natawa ako.

Isa lang naman ang ibig sabihin nito, may giyera sila ni Zach.

"Ano na naman pinag-awayan nyo?" natatawang tanong ko at ngumuso siya. I knew it.

"Siya kasi! Ayaw nyang isama ako sa Japan! Panigurado kasing mambababae yun dun! Nakakainis!" singhal nya.

"Baka naman kasi, di talaga pwede... Di ba pupunta pa kayo sa New York soon?" sabi ko at umirap siya at pinameywangan ako kasabay noon ay tinuro niya ang kanyang sarili.

"Hindi pwede? Wag ako, George! Si Terrence nga kasama, tapos ako hindi?! Ako na girlfriend nya?! As in capital G-I-R-LFriend!" inis na dagdag nya at napatawa na lamang ako.

Bigla naman umilaw ang laptop ko dahil sa isang video call notification at pangalan niya ang bumungad doon.

"Buti ka pa, kahit LDR ang set-up, naiinggit ako! Sagutin mo na yan...magre-report lang ako kay Sir." sabi nya at lumabas ng opisina ko. Agad ko naman sinagot ang tawag at mukha nya ang bumungad sakin. Napangiti ako nang makita siya roon he's wearing a suit and he's even more handsome right now.

"Nakarating ka na?" tanong ko at tumango siya.

"Yes, andito ako sa korte kasama si mom... Nasa selda pa si dad and mom is inside the court room. Don't worry, sisiguraduhin kong mabilis lang to... I promise, I'll be back to you soon and I can't wait for that. I miss you and your kisses, George." saad nya at bahagya akong namula sa huling sinabi niya.

"I-I miss you too... ang mahalaga ay malinis ang pangalan ng dad mo at ng kumpanya nyo."

"Thanks for everything...Sige na, kailangan ko ng umalis. S' agapó (I love you)..."

"Ki ego se agapo (I love you too)" sambit ko at namatay na ang tawag.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon