Episode 006
Dumiretso kami sa condo ko kahit labag ito sa kalooban ko. Pagkarating ay agad na bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Daddy. Nakaupo siya sa couch na nakaharap sa akin nasa likod nya si mommy at nag-aalala itong tumingin sakin.
"Did you call him? Just because I refused the position?"
"No, anak...Hindi iyon yun." biglang sagot ni mommy sa akin.
"Then why is he here?!" sigaw ko at agad na napatayo si Daddy sa biglaan kong pagtataas ng boses.
"Tristan!" baritono ang kanyang boses at masama ang tingin sa akin.
Tinitigan ko din ang matalim niyang tingin at pilit nilabanan iyon.
"Don't you have any kind of respect inside of you?! I'm here because I want to check on your mom and to convince you. Pero ito ang isasalubong mo sa akin? Ang kawalan mo ng respeto sa mga magulang mo?! " galit na galit niyang angil sa akin.
"I'm sorry dad, pero masyadong mahal ang respeto ko. And you only earned just a few of it."
"Carogna (you bastard)! 'Yan ba ang natutunan mo sa Greece? Sa dalawang taon na paninirahan mo ng mag-isa roon at pagsunod namin diyan sa mga kapritso mo? Sa mga gusto mo? Ha, Tristan! Answer me!"
"Hon, please calm down. Makakasama sa inyong dalawa kung parehas ninyong paiiralin ang init ng ulo niyo. Tris please, sundin mo na lang din kami ng daddy mo... For the sake of our family. " pakiusap ni mommy ngunit hindi ko magawa ang pakalmahin ang sarili ko.
Kumuyom ang kamao ko sa magkabilang gilid at puno ng galit na tiningnan si Daddy sa mga mata nito... I love both of them pero hindi sapat ang atensyon na ibinigay nila sakin noon, hindi naging sapat na naging magulang ko lamang sila.
Sinilang lang naman ako para may magmana sa iiwan nilang negosyo at iyon ang ayokong gawin. Gusto ko ako ang magdidikta sa kung ano ang kinabukasan ko at hindi sila ang gagawa ng mga iyon para sa akin. Hindi ako isinilang dahil lang sa dala ko ang pangalang Linden. I want to be the one who will be successful on my own. Hindi dahil sa anak mayaman ako.
"Bata ka pa lang ay sinabi na namin sayo na when you reached the legal age ay ikaw ang magmamana ng Lineage Architecure... Hinayaan ka namin gawin ang lahat ng gusto mo. We let you stay in Greece and here. We gave you the freedom you want para wala kang isumbat samin. Tapos ngayon na hihingi kami ng pabor sayo ay daig mo pa ang isang bastardo na walang galang?! No matter what you do or say Lineage Architecture will be run by you." awtoritadong sambit ni daddy sakin...
Umupo sya sa sofa at binigyan sya ni mommy ng isang basong tubig para huminahon...
"Oo , binigay mo sakin ang kalayaan na gusto ko... You let me handle the things the way that I wanted...Iniisip mo na wala kang pagkukulang pero meron, meron dad. You are so busy with all the business you have. Making yourself richer, making yourself gain millions and millions of money from that architectural firm. That you forgot being a father to me, a good father to be exact... Ilang beses ko ba pinakita sa iyo ang mga achievements ko noon? Hindi mo alam di ba? Kasi wala kang pakialam. Kung alam mo man, all you have to say is... kulang pa Tristan. Is that the best you've got? Pero sa tuwing may kaunting pagkakamali naman ako iyon ang napapansin mo. Because you thought of me as a failure. Magaling ka lang magpaka-tatay kapag kaharap mo ang mga business partners mo. So don't ask me for being disrespectful to you, just because you're my father. Cause you have never been." mariin kong sinabi at nabalot ng katahimikan ang buong unit. Walang ni-isa ang nagbalak magsalita sa amin.
Tumalikod ako sa kanila at humarap sa mga kaibigan ko na ngayon ay pare-parehong nakatungo... Humarap sila sakin at agad na nag-unahan sa paglabas. Papalabas na rin ako ng kwarto ng marinig kong magsalita si daddy..
"Tris, I'm sorry for letting you feel that way. I'm sorry, son. Sana ay bigyan mo pa ko ng pagkakataon para maging ama sa iyo. I'm really sorry."
Iyon ang unang beses na narinig kong sabihin iyon ni Dad. Palagi kasi siyang seryoso at walang pakialam sa kung ano man ang gawin ko. He didn't recognized me as his son before, he even never treated me as one.
Sa tuwing may mga achievements ako na natatanggap sa school ay wala siyang pakialam sa mga iyon. Palagi niyang pinapamukha sakin na kulang pa ang lahat that I need to be the best among the rest. Yung tipong kailangan kong maging perpektong anak at tagapagmana sa lahat. Ipinamukha nya sakin na isa akong estupido at walang kakayanan kung hindi ko siya susundin o kung hindi ko pagbubutihan ang lahat.
Ngunit kapag nasa harap na siya ng kanyang mga kapwa negosyante ay daig pa ang isang butihing ama na tuwang-tuwa sa natamo ng kanyang anak.
"I'm sorry too dad, pero hindi ko pa din tatanggapin ang Lineage. I rather take the farm from Gabriel. Kaysa naman sa patakbuhin ang negosyong naging dahilan kung bakit halos nasira ang pamilyang to. The reason why you have never got the chance to be a father to me before." ani ko at tuluyan ng lumabas ng unit.
Pagkarating sa parking lot ay pare-pareho silang nakaabang sa akin.
"Sorry for what happened a while ago" sinserong ani ko .
"Ayos lang, naiintindihan ka namin." sabi ni Carlos at tinapik ako sa balikat.
"Nga pala, birthday na ni Mila bukas! Ano regalo natin?" tanong ni Kaizer.
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan... Ano nga ba pwedeng iregalo sa babaeng yun?
"Tara bumili," aya ko sa kanila at sumama naman sila sa akin.
Bumalik kami sa SM para bumili ng panregalo kay Mila. It should be special since it's her 18th birthday.
Naghiwahiwalay kami para humanap ng kani-kaniyang regalo para sa kanya. Napadaan ako sa harap ng booksale at nakita ang paboritong libro ni George roon. Pupunta daw sya bukas, magkikita na kaya kami?
"Sir, ano po kailangan nila?" anang babae sa harap ng booksale.
"Ah, wala wala... May tiningnan lang." nakangiting sabi ko at naglakad paalis. Saka hinanap ang iba pa sa buong mall.
Nagkita-kita kami sa isang fastfood restaurant. Si Kaizer ay kumakain ng isang bucket meal habang kami naman ay tig-iisang value meal lamang. Ito ang kakaiba kay Kaizer, mahilig siyang kumain pero kahit kailan ay hindi ito nanaba manlang.
"By the way, sasaglit lang tayo bukas kayna Mila. May ipinapasundo kasi sa akin sa isang hotel sa Manila. Pero babalik din tayo pagkatapos." ani Carlos at napatingin ako sa kanya.
"Sino?" tanong ko rito.
"I'm not sure, since hindi pa binibigay ang full details sa akin." aniya at nakarinig kami ng isang tawag.
"One bucketmeal takeout for table 2. Orders complete na po." anang isang crew at sabay-sabay kaming napatingin kay Kaizer.
"Bakit ba? Pang dinner and midnight snack ko 'to mamaya!" depensa nya at sabay-sabay na lang kaming tumayo at iniwan siya roon.
"Hoy, Tris! Carlos! Ian! Laxus! Louis! Intayin niyo ako! Hoy!" rinig namin sigaw ni Kaizer ngunit hindi namin siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...