Episode 007

47 2 0
                                    

Episode 007




Maaga kaming pumunta kayna Mila dahil nagkataon na may kailangan nga raw lakarin o sunduin si Carlos. Pinarada namin sa harapan ng kanto nila ang sasakyan at isa-isang bumaba. Masyadong makipot ang daan papunta sa kanila kaya naman ay kinailangan pa namin maglakad ng ilang metro papunta sa bahay ng mga ito.

Iilan pa lamang ang mga bisita nang dumating kami sa bahay nila.

"Mila!" tawag ni Kaizer at agad na lumapit samin si Mila.

"Uy! Pasok kayo!" Binuksan nya ang gate ng kanilang bahay at pinapasok kami sa loob.

Simple lang ang bahay nina Mila kumpara sa amin. May alaga silang aso at may dalawang bahay ang naroon sa loob ng isang lote. Ayon kay Mila ay paupahan ang naunang bahay samantalang ang isa naman ay sa kanila. Lumapit sa amin ang dalawang may edad na sa tingin ko ay mga magulang ni Mila. May kapatid din siya na ayon sa kaniya ay nakikipaglaro sa mga kaibigan nito sa labas.

"Ah, Ina, Ama. Mga kaibigan ko po pala..." pakilala nya samin.

"Naku, halika pasok kayo. Kain kayo dito maraming nakahanda ngayon sa mesa." aya samin ng nanay ni Mila.

Isa-isa kaming pumasok sa loob at bumungad samin ang mesa na puno ng mga handang pagkain.

"Wow! Happy birthday, Mila!" ani ni Kaizer na agad kumuha ng plato at kutsara sa tabi ng lamesa.

"Happy birthday!" bati naming lima at isa-isa na rin kaming kumuha ng pagkain sa mesa.

Umupo kami sa loob at pinagsilbihan kami ni Mila. Naglapag sya ng juice at saka naupo sa tabi ko. Binigay namin ang mga regalo namin sa kanya at pinalagay nya iyon kasama ng mga regalo sa isang maliit na mesa sa kanilang salas.

"Ang aga nyo naman" sabi nya.

"May lakad kasi itong si Carlos ngayon. Pero babalik din kami mamaya" ani Laxus.

"Si George, ano oras siya darating?" tanong ko.

"Ehem," sabay-sabay na ani nila at sinamaan ko rin ang mga ito ng tingin.

"Hindi ko alam eh. Teka, tawagan ko."

Nag-dial sya sa kanyang cellphone at siniko naman ako ni Louis habang mapanukso itong nakangiti.

"Ikaw ah." sabi nya

"Sige, at nang hindi ka umuwi ng buhay." banta ko sa kanya

"Ayaw sagutin eh." sabi ni Mila sa amin.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa nag-aya na si Carlos na umalis para sa lalakarin namin.

"Tara na." si Carlos

"Tawagan mo nga uli" sabi ko kay Mila at agad naman nya itong tinawagan.

"George!" sabay kaming napatingin nang sabihin niya ang pangalan nito.

"Anong oras ka pupunta? Ha? Anong di ka sure? Pumunta ka, aba! Andito si Kuya, pumunta ka ha! Sige sige, bye!" at binaba nya ang cellphone.

"Ano sabi?" tanong ko.

"Baka mamaya pa daw sya. Kakagising nya lang daw eh..."

"Ah," tanging sagot ko

"Tara na!" tawag ni Carlos at nagpaalam na kami kay Mila.

Sumakay kami sa kotse at pumunta sa pupuntahan ni Carlos. Pinarada nya ang kotse sa harap ng isang hotel at nagtaka naman kami kung sino ang susunduin namin dito.

"Carlos, anong meron?" tanong ni Kaizer.

"We're going to meet someone..." aniya at nauna ng bumaba.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon