Episode 020
Namiss ko ang pag-iisketch sa ilalim ng puno dito sa may hardin. Sa tabi ko ay isang mesa kung saan nakalapag ang isang juice at ilang biscuits roon.
"Signore, your grandma wants to talk to you." lapit sa akin ng isa sa mga kasambahay ng mansyon.
Tumayo ako at niligpit ang mga gamit. Saka inabot sa kanya ang natirang biscuits at juice.
"Take this, it's all yours." sabi ko
"Grazie, mille. Signore! (Thank you, very much. Senyor!)" pagpapasalamat nito sa akin.
"Prego, (You're welcome)" magalang na ani ko at naglakad na papasok sa mansyon.
Pagkarating ay nadatnan ko roon si Sierra na nag-aayos ng mga bulaklak sa flower vase. Tipid syang ngumiti sakin at tumango lamang ako.
Umakyat ako sa taas patungo sa kwarto ni lola kung saan siya nagpapahinga ngayon.
Kumatok ako ng dalawang beses bago binuksan ang pintuan. Nakaupo sya sa kanyang kama at nagbabasa ng isa sa paborito niyang libro.
"La," lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi nito.
"Have a seat," utos nya at naupo naman ako sa kanyang tabi.
"Pinatawag nyo daw ako."
"I never thought, you could speak that language again." Sinara nya ang kanyang libro at nilapag iyon sa kanyang tabi saka iminuwestra sa akin ang bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Umupo ako roon at inayos niya ang pagkakapatong ng kanyang mga unan.
Matapos iyon ay humarap sya sakin na may mapanuring tingin. Umayos ako sa pagkakaupo at nag-abang ng kanyang sasabihin.
"You know, I have only a few days to live right?"
"Yes po."
"Tell me about, the girl." panimula nya.
"What do you mean?"
"Tu la ami? (You love her?)" aniya, tinatanong kung may nararamdaman ba ko para kay George.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon.
"Io non lo so, nonna (I don't know, grandma)" magalang na sagot ko rito. Sinasabing hindi ako sigurado sa kung anumang nararamdaman ko ngayon.
"Why?"
"It's just that I am not sure yet..."
"Your mom told me how much you don't want to leave her before. You know, I'm the one who almost raised you right? I have seen how you've grown as a man, Tris. That's why I'm happy to see that you might have found the girl. The girl that you have finally learn how to fall in love. Even if you're unsure, even if you deny about it but I can see it in your eyes. You have fallen for that girl, Tris... I know it. You're inlove with her." nakangiting sabi nya.
"I'm just scared, all of this is new to me...I am scared that I might not return the love she gave to me...baka masaktan ko lang siya and I think, I already did." sagot ko
Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang hinaplos yun.
"You shouldn't be scared, life is only a temporary gift, you must enjoy it. You must enjoy the beauty of love, you should be happy, don't live in regrets my dear. If you have hurted her right now. Then, try to build some courage to ask for her forgiveness. Wag mo siyang susukuan, don't give up on that kind of love you know that is worth fighting for." aniya
" I will, thanks for everything. Thanks for this."
Nagkwentuhan pa kami tungkol kay George. She likes her so much dahil ngayon lang daw sya nakakilala ng ganun katiyagang babae lalo na raw sa akin. Natatawa ako sa tuwing nakukwento ko sa kanya ang mga kabaliwan nito.
Dumating ang private nurse ni lola para asikasuhin sya kaya lumabas na lang muna ako. Nadatnan ko muli roon si Sierra bitbit ang isang vase ng orchids.
"Ilalagay ko lang ito sa kwarto ni tita," sabi nya at nilagpasan ako.
Pumasok ako sa aking kwarto para magbihis hindi ko alam kung bakit pero parang napagod ako sa maghapon ganoong wala naman akong masyadong ginawa kung hindi ang iguhit ang mukha nya at pati narin ang tanawing nakikita ko kanina sa labas. Humiga ako sa aking kama at hindi ko namalayang nakatulog na pala ko roon.
Isang linggo ang nakalipas simula ng mamatay si lola. Matapos ang pagkukwentuhan namin ay pumanaw sya ng gabing yun. Halos hindi matigil sa pag-iyak si mom dahil sa pagkawala nito. Maging ako ay hindi napigilan ang maluha sa nangyari. Iyon na pala ang huli naming pag-uusap. Pero kahit ganoon ay alam kong masaya siya para sa amin ni George. She became the light of me through this darkness. Siya ang nagbigay kaliwanagan sa kung anuman ang nararamdaman ko para kay George. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko marerealize ang tunay kong nararamdaman para kay George.
"Tris, ihahatid ko na ang mom mo, ikaw? " tanong ni dad sa akin.
"Dito muna ko, Dad." sabi ko habang nakatayo sa harapan ng puntod ni lola. Ngayon ang araw ng kanyang paglibing at kami na lamang pamilya ang natitira kasama si Sierra. Maraming nakiramay sa pagkamatay ni lola kasama na rin ang mga business partners nito. Sina Gabriel naman ay nauna ng umalis pagkatapos mailibing ni lola.
Nakita ko rin kung gaano nalulungkot si Sierra sa pagkawala nito kahit papaano ay nakasama niya rin noon si lola. Umalis sila at mag-isa akong naiwan sa harapan ng puntod nito.
"It's just too sad that you wouldn't able to meet her, grandma. I'm sure that she'll be happy to meet you." mapait akong ngumiti habang pinagmamasdan ang puntod sa harapan.
Nanatili pa ako roon ng ilang minuto hanggang sa nagdesisyon akong umuwi na sa mansyon. Pabalik ako sa kotse nang tumunog ang aking cellphone.
Nakita ko ang pangalan ni Ian mula roon kaya agad ko iyong sinagot.
"Hello."
"We heard about the news. Condolence, bro." sabi nito sa kabilang linya
Hindi ako masyadong umimik at inantay pa siyang magsalita
"Condolence , Tris!" dinig kong sigaw nila sa kabilang linya.
Binuksan ng body guard ang pinto ng kotse at bago pa man ako makasakay ay nagsalita ulit si Ian.
"By the way, Tris. Gising na nga pala si George." he said at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...