Episode 015

36 2 0
                                    

Episode 015


Ilang buwan ang nakalipas at madalas kaming lumabas ni George. Nakilala ko na rin ang mga magulang nya at sa una ay medyo kinabahan ako lalo na sa mama nya. Masaya rin namin ipinagdiwang ang birthday ng mama niya nung nakaraan. Sa ngayon ay kasama ko si Kaizer at iniintay namin na lumabas si George mula sa klase nito.

"Tris, si George" kulbit sakin ni Kaizer at agad akong napaayos ng tayo. Ngunit kumunot ang noo ko nang makitang may kausap syang lalaki.

"Bukas na lang, salamat uli!" sabi nya roon sa lalaki at umalis na ito.

Tumingin sya samin at naglakad palapit. Nakaramdam ako ng konting inis kaya sumakay agad ako sa loob nang makalapit sya. Magkasunod din silang sumakay ni Kaizer at tahimik akong nagmaneho papunta sa bahay nila.

"Ang tahimik mo," biglang sambit nya sa akin.

"Tahimik naman sadya ako." seryoso ngunit sarkastikong ani ko.

Pumarada kami sa tapat ng kanto nila dahil may nakaharang na sasakyan. Bumaba sya na hindi ko pinapansin. Narinig ko pa ang pagpaalam nya sakin ngunit hindi ko iyon nilingon manlang. Pagkatapos ay saka ko sya pinanuod na maglakad papunta sa bahay nila hanggang sa makapasok ito sa loob. Iniatras ko ang sasakyan saka tumulak pauwi.

"Nagselos ka ba kanina?" tanong ni Kaizer

"Saan at bakit naman ako magseselos?"

"Halata eh, kanina excited ka nung hinihintay mo si George tapos nung nakita mong may kausap na lalaki bigla na lang sumimangot yang mukha mo. Hindi mo pa kinausap si George..."

Hindi ko sya inimikan at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Nakarating kami sa bahay nila at nandun nga ang mga kaibigan namin. Masyado akong nawala sa mood kaya dire-diretso akong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto.

Magdamag akong nakahiga sa kama at nakikinig ng musika hanggang sa naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Nagkunwari akong natutulog at naramdaman ang paglapit nito sa akin.

Hinila nito ang upuan malapit sa kama at nilapit ito sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Marahan din nyang hinawakan ang aking mukha hanggang sa hawakan niya ang aking kamay. Pagkatapos ay sinuklay nyang muli ang aking buhok pataas. Dumilat ako at seryosong tumingin sa kanya.

Madilim sa loob dahil lumubog na ang araw kanina. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata at sinubukan na inangat ang kanyang kamay ngunit mabilis ko iyong hinawakan. Bumangon ako at agad syang nag-iwas ng tingin sa akin.

"S-sorry" sabi nya

"Hindi, Ako dapat ang mag-sorry." sagot ko at agad syang napatingin sakin.

"Para saan?" nagtatakang tanong nya.

"Kasi hindi kita pinapansin kanina. Nawala lang kasi ako sa mood" nahihiyang sabi ko rito.

Ayokong sabihin sa kanya na nagseselos ako dahil hindi pa naman kami, lalo pa na hindi ako sigurado sa kung ano ang meron sa amin at pati na rin sa nararamdaman ko.

"Okay lang, partner ko yung kasama ko sa isang project. Nagmamadali na nga sya kasi malapit na ang birthday ng girlfriend nya. Kelangan nya magprepare kaya kailangan namin matapos agad ito." paliwanag nya

"May girlfriend yung kasama mo kanina?" tanong ko

Tumango lamang sya habang nakangiti at napanguso na lamang ako.

"Nasabi kasi sakin ni Kaizer kanina bago ako umakyat dito."

"Tss, kahit kailan talaga." tumayo ako at inangat nya ang kanyang ulo sa akin.

"San ka pupunta?" tanong nya.

"Kumain ka na ba? Samahan mo kong kumain." nakangiting sabi ko at maamo siyang tumango sa akin saka tumayo na rin.

Lumabas kami sa kwarto at bumaba sa kusina. Sinalubong kami ni Mila na kumakain ngayon sa countertable.

"Sa wakas! Akala ko kung ano na ginagawa nyo. Ang tagal nyo sa taas ah." salubong nya samin.

"Tss, pwede ba. Anong pagkain dyan?" tanong ko

Nagitla pa ko ng mabilis na tumabi si George kay Mila at may pagkain na agad ito na kagaya ng kinakain ni Mila.

"Eto" sagot nya at nilahad ang kinakain nila ni George na may gata ngunit kulay ube at may sahog na mga saging at sago at puting bilog.

"Masarap ba yan?" tanong ko

"Tikman mo" singit ni George at binigay sakin ang isang maliit na mangkok na laman ang kinakain nilang dalawa.

Tumikim ako dun at medyo naging madikit ito sa aking bibig. Nalasahan ko agad ang saging at ang puting bilog na kasama nito.

"Ano?" nag-aabang sya ng sagot ko.

"Masarap, anong tawag dito?" sabi ko

"Ginataang halo-halo yan pwede ring bilo bilo. Yung bilo bilo yun yung puting bilog na kasama diyan. Paborito ko yan."

Nakangiti sya sakin at agad akong umiwas ng tingin. Inubos ko ang binigay nya at tumayo naman si Mila.

"Sige na, iwan ko na kayo. Nilalanggam ako dito eh," aniya at lumabas na sa kusina.

Naiwan naman kaming dalawa at agad din syang tumayo.

"Ligpitin ko na" sabi nya at kinuha ang mga pinagkainan namin.

Pinanuod ko syang ilagay ang mga yun sa lababo at sinimulang hugasan.

Tumayo ako at lumapit sa kanya saka sinilip ang ginagawa nya. Nang mapatingin sya sa akin ay nagulat sya dahilan para mabitawan nya ang basong hinuhugasan na agad ko namang sinalo.

"Bakit ba bigla ka na lang sumulpot?" sita nya at ngumiti ako.

"Wala, bilisan mo na dyan. Hintayin kita sa labas." utos ko at lumayo sa kanya saka lumabas ng kusina.

Ilang sandali pa nung lumabas sya ng kusina. Tumayo ako para samahan sya palabas ng bahay.

"Hatid na kita," alok ko at tumango naman sya.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay sya sa loob at saka naman ako umikot para makasakay rin at maihatid sya sa kanila.

"Salamat." aniya at sinara ang pinto. Tiningnan ko siya hanggang sa makapasok sya sa loob ng bahay nila saka tumulak paalis. Pagkarating ko ay nasa labas pa rin sila at nagkukwentuhan. Sumali ako at agad tumabi sakin si Carlos.

"Darating na si Sierra sa isang linggo." sabi nya

"Di dumating sya..." sabi ko at sumandal sa upuan.

Tumingala ako at pumikit, iniisip kung hanggang saan kami hahantong.

Babalik na si Sierra, kaya ko ba syang ipagtanggol sa kanya? Kilala ko si Sierra, I know about her feelings towards me kaya gagawa at gagawa sya ng paraan makuha lang ang gusto nya. Kahit ilang beses ko man sabihin sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya, she will still do everything to have everything according to her way.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon