Episode 047
Namasyal ako at lumapit sa isang taga-roon na nag-aayos ng kaniyang traysikel. Inayos ko ang aking suot at saka nagtanong rito.
"Mawalang galang na po. Saan po rito yung pinagbagsakan ng eroplano nung nakaraan?" tanong ko rito at agad naman itong tumigil sa pag-aayos saka ako binalingan.
"Ay! Sa kabilang bayan pa yun Ma'am," saad nya at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa kanyang mukha at leeg.
"Pwede nyo po ba kong ihatid papunta roon?" pakiusap ko rito at mukhang nag-alangan pa sya.
"Babayaran ko po kayo, kung pang-gasolina o pamasahe sagot ko na po iyon. Kailangan ko lang po talagang puntahan iyong pinagbagsakan ng eroplano kamakailan lang." dagdag na pagpupumilit ko rito at bakas ang pag-aalangan sa mukha niya. Kaya pinagsalikop ko pa ang aking mga kamay at nagmakaawa pang muli.
"Sige na po, manong" pakiusap ko pang muli rito.
Matagal na nag-isip ang matanda bago ko ito napapayag. Hinatid niya ko sa kabilang bayan lulan ng kanyang traysikel. Medyo mainit ang panahon ng araw na yun kaya medyo maalikabok din ang daan dahil sa lupang nadaraanan. Tinakpan ko ng panyo ang aking ilong at halos masubsob pa ko ng dumaan sa malubak na parte ang traysikel. Ilang minuto ang nakalipas bago kami nakarating doon at tulad ng sinabi ko ay nagbayad ako rito para sa naging abala ko sa kanya.
"Hihiintayin ko po ba kayo Ma'am?" tanong nito at nilingon ko sya.
"S-Sige po, saglit lang siguro ako rito" sabi ko at naglakad na papunta sa site. May mga nakaharang na dilaw na police line doon at naglakas-loob akong pinasok iyon nang masigurong walang tao sa paligid maliban sa amin ni manong tricycle driver. Bumungad sa akin ang wasak at nasunog na eroplano. Bigla ko tuloy naalala ang huli naming pag-uusap.
Umikot ako roon at hinaplos ang bawat parte ng eroplano. Iniisip na makakakuha ako ng sagot sa pagpunta roon. Pero wala akong nakita, kundi wasak na eroplano at ilang gamit. May mga bakas pa ng dugo at mga sirang life vests at oxygen masks ang naroon ngunit walang kahit anong bakas ni Tris ang nakita ko roon.
Umalis ako roon at nagpahatid na muli pabalik sa hotel. Akala ko pa naman dito kita makikita Tris. Pero nagkamali ako, walang ikaw na nagpakita, walang bakas mo ang naiwan para malaman ko ang mismong nangyari sayo. Tahimik ako buong byahe at pinagmamasdan ang mga nadaraanang turista at mga taga-roon na abala pa rin kahit madilim na ang kalangitan. May mga bata pa rin na naglalaro sa kalsada at ang ilan ay namamasko sa mga bahay-bahay o kaya sa mga kainan kung saan ay tuwang-tuwa ang ilang mga dayuhang turista.
Pagkarating ko sa hotel ay nagbayad akong muli sa driver at humingi na rin ng pasensya sa pang-aabala rito. Baka dahil sakin ay naabala ko ang pagtatrabaho nito. Ngunit sadyang mabait ang matanda dahil sinuklian pa rin nya ko ngunit pinilit ko syang tanggapin iyon kaya sa huli ay sumuko ito at tumango na lamang bago umalis.
Naligo ako pagkarating sa aking kwarto sa hotel saka bumaba para kumain sa mga resto nila. Umorder lamang ako ng isang chicken barbecue at isang apple juice. May iba pang offers ang mga waitress ngunit tinanggihan ko iyon at sinabing iyon lamang ang gusto kong kainin sa gabing iyon.
Mag-isa akong kumain pero bago iyon ay nagtipa ako ng isang mensahe at pinadala iyon sa kanyang numero. Umaasa pa rin ako Tris, remember that. Umaasa ako na sasagot ka at makikita kitang muli, buhay ka man o patay.
I am hoping that one day, you will show yourself to me. Magpapaliwanag ka at saka babalik sakin. I'm holding to that Tris. I'm holding to the promises you always seem to break.
Matapos kumain ay umakyat ako sa aking kwarto at binuhay ang tv roon. Palipat-lipat ako ng channel habang nakaupo sa dulo ng kama at naghahanap ng palabas. Nang walang makita at nagustuhang palabas ay pinatay ko na lamang iyon saka binuhay ang radyo saking cellphone. Agad tumugtog ang isang pamilyar na kanta.
"I love you,
I have love you all along
And I forgive you,
For being away for far too long"Asan ka na Tris? Baka naman iniisip mo na magagalit ako kaya ayaw mong magpakita? Umuwi ka na kaya? Magpakita ka na please... Buhay ka pa diba? Tila hindi ko na naman mapigilan ang mga emosyong paulit ulit na yatang nangyayari sa akin.. Nakakabaliw, nakakawala sa sarili.
"Cause I'm not leaving you anymore , believe it... Hold onto me and never let me go "
Hindi kita pinakawalan pero bakit ikaw naman ang kumawala? I suddenly regret turning on the radio dahil kasunod niyon ay ang paborito naman niyang kanta ang nag-play roon. Matapos ang kanta ay biglang tumawag sa akin si Wanda through a video call.
Sinagot ko iyon at napansin na nasa Japan na sila ni Zach. Malungkot ang mga mata niyang sumalubong sa akin.
"Girl, We have heard the news. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
"Yeah, kind of... Hindi pa rin ako sumusuko sa paghahanap kay Tris kasi alam ko sa sarili ko na buhay pa siya."
"Pero paano kung talagang wala na siya?"
Pumikit ako roon at nilakasan ang loob ko na sagutin ang tanong niya.
"Hangga't walang katawan ang naipapakita sa akin. Aasa at aasa ako na buhay pa rin siya." mariing tugon ko at napansin na lumapit si Zach sa monitor.
"Maybe we can help? May mga kilala akong nagtatrabaho sa authorities diyan sa Pilipinas. Pwede ka nilang matulungan para mahanap si Tris." suhestiyon nito at ngumiti na lamang ako.
"Thanks, Zach pero ako na lang siguro ang bahala rito. You should enjoy your trip together. I promise I'll be fine here."
"Sige, pero mag-iingat ka din ha... just tell us if something happens. Okay?" ani Wanda at tumango ako.
"Sure, by the way kailangan ko ng i-end ito may mga dapat pa kong lakarin bukas." paalam ko at kumaway na lamang si Wanda bago natapos ang tawag.
Ipinatong ko ang phone sa ibabaw ng side-drawer at saka nahiga hanggang sa tuluyan akong binalot ng antok.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...