Episode 003
Sinundo ko siya sa may accessories section. Bitbit niya ang isang paperbag at tumitingin sa display ng mga alahas na naroon.
"Tara" aya ko sa kanya.
"Ano? Nagkita kayo?" tanong niya
"Hindi" seryosong sagot ko at nilahad ang daan sa kanya.
"Mauna ka" sabi ko at umuna nga naman siya.
Nakasunod lang ako sa kanya palabas ng mall. Pinatunog ko ang sasakyan at binuksan ang pinto saka sumakay.
Nakita kong padabog siyang sumakay sa loob at hinagis ang mga pinamili nito sa likod. Tiningnan ko naman siya ng nagtataka at pinagtaasan niya ko ng kilay.
"Ang gentleman mo talaga, grabe!" sarkastikong sabi niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at pinaandar ang sasakyan pauwi. Hinatid ko siya sa kanila bago umuwi sa condo. Pinark ko ang kotse sa usual slot nito saka bumaba.
Pagkaakyat sa unit ay agad akong pumasok sa loob.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang ilaw at tumambad sakin si Mommy na nakaupo sa couch paharap sa akin.
"Mom!" I shockingly said.
Tumayo siya at lumapit sakin saka ako niyakap at humalik sa aking pisngi.
"I miss you, anak" aniya at ngumiti sa akin.
"What are you doing here?" tanong ko
"Aww, didn't you miss your Mommy?" nakangusong tanong niya...Damn it, para siyang bata.
"So, why are you here?"
"Alam mo ang sungit mo talaga! Manang-mana ka sa Dad mo!" umiiling-iling na sabi niya sa akin.
"Nandito ako para magbakasyon, okay? Bored na kasi ako sa pagtatravel. Halos lahat na ata ng bansa narating ko na ng mag-isa hindi nyo naman kasi ako sinasamahan ng Dad mo."
"Saan ka ba titira, ngayon?" tanong ko
"Of course, here!" tuwang-tuwang aniya habang nagpapapalakpak pa roon.
"What?!" singhal ko
"Yes! Dito mismo...Nasa guest room na nga yung mga maleta ko, kaysa naman sa maghotel ako diba? Dito na lang ako, so I can spend more time with you." masiglang sabi nya.
Napapikit ako sa inis dahil panigurado na araw-araw na naman siyang mangungulit sa akin. Madalas kasi kapag wala siyang ginagawa ay kinukulit nya kami ni Dad na samahan sya sa mga shopping sprees nya.
"Oh, by the way...Saan ka nga pala galing?" tanong niya
"Sa SM Lipa, kasama ko si Mila." sagot ko sa kanya.
"What? Ang layo noon anak! Andami namang malls dito sa malapit! Bakit doon pa? Bakit sa Lipa pa? Ang layo noon anak!"
"Will you please stop being paranoid or what? I'm 20 for Pete's sake! I can handle myself okay? Besides, I'm living alone for almost 2 years!"
"Nag-aalala lang naman ako"
"I know, pero please? By the way, Kumain ka na ba?" tanong ko
"Hindi, iniintay kasi kita."
"Kumain na ko, paghahanda na lang kita..."
Dumiretso ako sa kusina para ipagluto siya ng hapunan niya. Kumuha ako ng ilang rekados sa refrigerator saka nagsimulang lutuin ang mga naisip kong lutuin.
Three course meal ang hilig ni Mommy. Sa appetizer ay naisipan ko siyang ipagluto ng ratatouille, sa main course naman ay isang baby backribs na may caramel sauce at sa dessert ay isang brownie ala mode.
Maayos ko iyong hinanda sa mesa at nagsalin pa ng paborito niyang red wine bago siya tinawag.
"Mom!" tawag ko at sumunod siya sakin papasok sa kusina.
"Wow! This looks delicious!" aniya
"Call me, if you're done..." sabi ko at nag-ambang aalis na sa kusina.
"Wait! Samahan mo na lang ako kumain please? I got some important things to say to you as well."
Umupo naman ako sa harap niya at pinagkrus ang mga braso.
"What is it?" tanong ko
"There's another reason kung bakit ako umuwi dito."
"About the business?" tanong ko uli
"Yes, ang farm natin sa Davao at Cebu ay malakas ang production. Nakapag export tayo ng mahigit 500 products sa iba't ibang bansa like Denmark, Switzerland, Italy, Japan and Canada."
"So maayos naman pala ang farm. Then, why are you here ? "
" Yes, maayos ang farm...Actually it's about the Lineage firm. Your father wants you to take over the company as soon as possible. He's giving almost the majority of shares to you. Pero you will work as an intern first, bago ka tuluyang maging CEO ng kumpanya. Anak, Your father and I have talked about this and we decided na since your 20 and graduated due to some of your advance and accelerated studies. Naisip namin na kailangan mo ng i-handle ang Lineage ngayon."
"There's no way . I'm going to handle that Mom! No way! Mas gugustuhin ko pang patakbuhin ang farm kaysa sa Lineage!" singhal ko sa kanya.
"But son, ang farm ay sa Tito Francis mo. We only share 30% of the land ng farm. At ang magmamana nun ay ang pinsan mong si Gabriel dahil iyon ang napagkasunduan. Ang Lineage lang ang tanging business na sa atin mismo..."
"Eh di, magpalit kami ni Gabriel!"
"Hindi pwede, nakapangalan na sa inyo ang parehong negosyo. Si Gabriel sa farm at ikaw sa Lineage. Ikaw lang ang anak namin ng Daddy mo kaya ikaw ang magmamana at magpapatakbo sa Lineage."
"I'm out of here. I will never handle that company, even if I'm on the verge of desperation." tumayo ako saka lumabas sa kusina. Kinuha ko ang susi na nakapatong sa drawer bago lumabas.
Sumakay ako sa elevator at nakita ko ang pagsunod at pagtawag ni mommy sakin.
"Tris! Wait!" sigaw niya ngunit hindi ko siya pinansin. Pagkababa ay dumiretso agad ako sa kotse at binuksan iyon. Lumabas ako sa building at mabilis na nagmaneho.
Ayoko sa lahat ay yung pinipilit sakin ang mga bagay na hindi ko gusto...
Humanap siya ng ibang magmamana roon, I don't want to be involved with that company dahil kung ano-ano lang ang maaalala ko roon.
Kinonekta ko ang cellphone ko sa speaker ng kotse. Saka tinawagan si Carlos. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag.
"Hello?" sagot niya sa kabilang linya.
"Asan ka?" tanong ko
"Nasa bahay, bakit?"
"Papunta ako dyan, makikitira muna ko pansamantala." sagot ko
"Bakit? Anong nangyari?"
"I'll explain it to you later. Sige na" at binaba ko ang linya saka nagfocus sa pagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomansaHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...