Episode 014

45 2 0
                                    

Episode 014


Matapos ang dinner ay nagkaroon lang ng maikling kwentuhan. Nabanggit pa na mas nagkakamabutihan daw diumano sina Kaizer at Lissa.

Kaya naman lalong bantay sarado raw ngayon si Carlos kay Kaizer dahil baka kung anong gawin nito sa pinsang si Lissa. Lalo pa at ilang buwan na rin magkarelasyon ang dalawa. Pumasok ako sa loob ng kwarto at ginawa ang mga karaniwan kong gawain bago matulog.

Makalipas ang ilang araw ay maraming akong inasikaso. Umuwi ako sa probinsya para tingnan ang production ng farm namin at alamin na rin kung sapat pa ba ang materyales at pondo para sa mga pananim.

Isang linggo pa ang lumipas at tumuloy ako muli kayna Kaizer. Andun silang lahat kasama na rin si Gabriel. Masyado akong napagod sa mahabang biyahe kaya nagpaalam ako sa kanilang matutulog muna sa taas.

Masyadong naging mahimbing ang pagkakatulog ko dahil na rin siguro sa sobrang pagod mula sa byahe. Minulat ko ang mga mata ko at bumangon. Nag-inat ako ng kaunti at napatingin sa gilid ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita syang nakaupong natutulog sa isang silya malapit sa tinutulugan ko. Umayos ako ng upo at pinagmasdan ang itsura nya. Magkakrus ang dalawang braso at binti habang nakatungo at magkasalubong ang dalawang kilay.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang itsura nya. Kinuha ko ang aking cellphone at kinunan sya ng litrato mula roon habang mahimbing itong natutulog.

Lumapit pa ko ng maigi at pinagmasdan ang itsura nya. Magulong buhok, makapal na kilay at mukhang napakaraming butil ng tigyawat sa noo.

May eyebags pa, ano kayang ginawa nito. Masyado nyang napapabayaan ang kanyang sarili. Kahit bakas ng pag-aayos ay wala kong makita sa mukha niya.

Pinagkatitigan ko pa ang mukha niya hanggang sa napako naman ang tingin ko sa kanyang labi. Nanunuyo iyon at halos mamutla na ang kulay nito. Hindi ko namalayan na dinilaan ko na pala ang sariling labi sa ilang sandaling pagtitig doon.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang natutulog na mukha. Idinampi ko ang aking labi sa kanya ng ilang segundo bago lumayo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, basta may nagtulak na lamang sa akin na halikan siya. Kahit namumutla at nanunuyo iyon ay para sa akin ay napakalambot niyon. Lumingon ako sa pinto at nakitang nakasilip doon si Mila.

"Wag kang maingay" senyas ko at natatawa naman niyang sinarado ang pinto.

Umayos ako ng tayo ng mapansing bahagyang gumalaw ang kanyang ulo. Tumunghay sya sa akin at sinuot ang kanyang salamin.

"Kuya"

"Nakatulog ka ah." sabi ko at umupo malapit sa kanya. Inayos ko ang magulo nyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.

"Nagsusuklay ka ba?"

"Wala ko nun"

"Tss, Panget ka na nga. Palalalain mo pa."

"Salamat ah..." sarkastikong aniya at tumayo sa harapan ko.

Lumabas sya sa kwarto ko at sumunod naman agad ako sa kanya. Mabilis ang hakbang nya pababa ng hagdan. Binati sya nina Carlos nang makarating siya sa baba.

Tumingin ako kay Mila at napansin kong winawagayway nya ang kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kinunan nya ng litrato yung nangyari kanina. Kaya pala ganon na lang ang ngiti niya nung isarado ang pinto!

Mabilis akong pumunta sa gawi nya at kinuha ang cellphone nya. Ngunit mabilis nya iyong naiilag palayo sakin.

"Burahin mo yan." mariing bulong ko sa kanya.

"Ayoko nga, ikaw ah. tsansing ka kuya." natatawang bulong nya rin sa akin

"Buburahin mo o ano?"

"Hindi mo ko madadaan dyan."

"Papasa na nga lang!" singhal ko at napahagalpak sya sa tawa dahilan para mapalingon sila sa amin.

"Ano yun? Anong meron?" singit ni George at mabilis kong kinuha ang cellphone ni Mila saka tumakbo palayo.

"Kingina! Wag mong gagalawin yan!" sigaw nya sa akin nang makatakbo ako palabas ng salas.

Hinanap ko ang picture kung saan hinalikan ko si George habang natutulog ito kanina sa taas. Pinasa ko iyon sa aking cellphone bago bumalik sa loob.

"Dinelete mo?" tanong nya ngunit hindi na ko nagsalita pa. Tumabi ako kay George na nakaupo sa isang single couch.

"Isod" utos ko at umisod naman ito palayo sa akin.

Umupo siya sa pagitan namin ni Carlos at kinausap sya.

"Nagugutom ka?" tanong nito.

Umiling si George sa kanya at biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot nya iyon sa harap namin.

"Hello? Vince? Bakit na sayo ang cellphone ni Lea?" sagot nito sa tumawag.

Sino naman Vince yun?

"Ganun ba? Sige sige, kailan ba? Sa Wednesday? Sige sige...after class sige, bye." Binaba nya ang phone at agad iyong sinilid sa kanyang bulsa.

"Sino yun?" tanong ko

"Ha? Si Vince classmate ko sa isang minor subject." maikling sagot nya at kumuha ng pagkain sa mesa.

"Anong gagawin nyo? Magkikita kayo? San kayo pupunta?" sunod-sunod na tanong ko.

"Dami mong tanong ah. Tutulungan ko lang sila nung kaibigan ko."

Hindi pa din ako kumbinsido, iba ang kutob ko sa Vince na yun.

"Sasama ako." biglang sabi ko at lahat sila ay napatingin sakin.

"Bakit? Anong gagawin mo dun? Baka mainip ka pa roon." tanong nya sakin

"Basta, sasama ako" sabi ko at napailing na lamang sya.

Masama ba kung sumama ako? Iba talaga kasi ang kutob ko sa Vince na yun. Lalo pa at madalas silang magkasama siguro aaminin ko na may parte sa akin na natatakot na magkagusto sya sa iba. Kahit kaunti ay natatakot ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam at hindi ako sigurado kung bakit ako nagkakaganito sa kanya. Basta ang sigurado lang ako ngayon ay ayaw kong pagsisihan sa huli ang kung ano meron ngayon kung sakaling mahulog nga ko ng tuluyan sa kanya.

"Mila, tara na..." biglang tumayo si George sa tabi ko.

Nilingon ko sya at sumunod sa kanya palabas at ganun din si Mila.

"Hatid ko na kayo," prisinta ko at nauna na paglabas.

Binuksan ko ang sasakyan at sumakay sila pareho sa likod. Tiningnan ko sya sa may rearview mirror at busy na sya sa pagtatablet nya. Nakita kong nakatingin sakin si Mila kaya umiwas ako ng tingin at nagmaneho na.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon