Episode 011

34 2 0
                                    

Episode 011


Umuwi kami ni Kaizer na hindi manlang nakakausap si George. Masyadong uminit ang ulo ko dahil sa nakita at sa hindi ko rin malaman na dahilan. Kahit pa alam ko naman na bakla yung lalaki at wala silang kung ano man relasyon maliban sa pagiging magkaklase.

Lintik, bakit ko ba kasi nasabi kay Kaizer yun? Alam kong bibigyan nya ng malisya ang mga sinabi ko sa kanya kanina.

"George! Kain ka na!" pang-aasar ni Kaizer sa akin.

"Tigilan mo ko, Millares baka di kita masanto." inis na sagot ko rito.

Hinanda nya ang mesa at nagsimula kaming kumain. Matapos iyon ay sya na ang nag-imis ng pinagkainan namin at ako naman ay umuna na sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama matapos kong maligo. Muling sumagi sa isip ko ang eksena kanina ni George kasama ang lalaking yon. I thought you're waiting for me? Then what is this? Bakit ganito? Bakit ganoon na lang naramdaman ko kanina? What kind of feeling is this? Ano ba mga iniisip mo Tris? Alam mo na nga yung totoo diba? Bakit naghihimutok ka pa riyan?

Lumipas ang ilang linggo at maaga akong nagising dahil sa isang importanteng lakad. Umalis naman si Kaizer dahil may date raw sila ni Lissa. Ilang linggo din ang lumipas nung sinagot din siya ni Lissa sa isang cafe sa malapit.

Inaayos ko ang sleeves ng aking polo, sa araw na ito ay tinawagan ako ni mommy dahil may kailangan daw syang sabihin sakin. Siniguro ko na hindi nya iuungkat ang tungkol sa Lineage sa oras na magkita kami at sumang-ayon naman siya roon.

Nagmaneho ako papunta sa isang exclusive restaurant sa BGC. Pumasok ako sa loob at agad sinalubong ng isang waitress sa bungad pa lamang ng restaurant.

"Good morning, Sir. Table for how many?" tanong nito sakin. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar bago tumingin sa waitress.

"I'm with, someone." sagot ko

"Do you have reservations?"

"Yes"

"Your name, Sir."

"Tristan Eros Porteu Linden"

"Oh, you're with Ms. Eliza Linden?"

"Yes."

"This way, Sir. Sorry for the long wait."

Sumunod ako sa waitress papunta sa kinaroroonan ni Mommy. Agad kong nakita si Daddy na nakaupo sa tabi ni Mommy at sa tabi nya ay ang pinsan kong si Gabriel kasama ang Papa nito. Lumapit ako sa kanila at agad silang umayos sa pagkaka-upo.

"Son" tumayo si mommy at hinalikan ako sa pisngi. Tumango naman sakin sina Daddy at Tito.

Binati rin agad ako ni Gabriel pagkaupo ko sa tabi nya.

Hindi na siguro mawawala ang seryosong aura ni Daddy sa kanya. I never seen him smile or laugh just once. He's always into business and anything related to studies. Kahit nagtatrabaho ay hilig pa rin nitong pag-aralan ang mga bagay-bagay. He said that learning is infinite, na hindi nagtatapos ang mga natutunan sa apat na sulok lamang ng silid-aralan. That life is full of lessons that you should learn from.

" Alam mo na siguro na uuwi tayo sa lola mo this December, right?" tanong sakin ni Daddy.

"Yes." sagot ko naman dito.

"I also realized na hindi kita mapipilit para sa Lineage Architecture. That's why Gabriel is here with us. He will transfer all the farm's property to your name and he will be the one who will hold the Lineage architecture..." mahabang paliwanag ni Daddy.

"Mabuti naman at sumuko na kayo." sabi ko

"Just sign these papers and the farm is yours..." sabi ni Tito Francis at sinimulan ko ng pirmahan ang mga papeles.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon