Episode 023
"Hihiramin ko lang sana yung gym monitor mo...naiwan ko sa kabila yung akin eh." sabi ko pinipilit na itago ang panginginig ng sariling boses.
"Nasa closet ko." aniya at dumiretso ako roon.
"Carlos" natigilan muli ako nang marinig ang boses nya.
"Hey, nagugutom ka ba?" pagtatanong sa kanya ni Carlos.
Hindi ko narinig ang pagsagot nya ngunit humalakhak si Carlos doon. Kinuha ko ang gym monitor at humarap sa kanila. Nagtama ang paningin namin dalawa. Ano? Did you suddenly feel ashamed of yourself huh? How does it feel, George? To see me witnessing this kind of scene. Sabihin mo, George. Anong pakiramdam?
"Aalis na muna ko..." sabi ko kay Carlos at umambang lalabas ng kwarto.
"Sige." sagot nito at binaling ang atensyon kay George na nakatingin pa rin sa akin ngunit walang mababasa na kahit anong reaksyon sa mukha nito.
Why are you being like this? Ito ba ang paraan mo para bawian ako? Para saktan ako? Para ipamukha sa akin kung anong mapapala ko sa pang-iwan ko sayo? Well, George you really get what you want. Nagtagumpay ka na saktan ako ngayon. You have succeeded to destroy me at ikaw lang may kakayahan noon. How I wish that you were also the one who build me up soon.
Nagmaneho ako papunta sa gym habang pilit na inaalis sa isip ko ang mga nakita. May nangyari ba talaga? Sila na ba talaga? Paano at kailan pa? Bakit hindi agad sinabi sa akin ni Carlos? Alam ko naman na hindi magagawang maglihim sa akin ni Carlos pero bakit hindi niya sinabi sa akin?
Maghapon akong nag-gym at bumalik lamang nung papalubog na ang araw. Pagkarating ko sa bahay ay sya ang nagbukas ng pinto bago ko pa man iyon buksan.
"Hindi ka pa umuuwi?" I asked her sarcastically.
Umiling sya sakin at naunang maglakad papasok habang umakyat naman ako sa taas para magpalit ng damit. Pagbaba ko ay narinig ko ang mga tawanan nila sa kusina. Sumilip ako roon at nakita kong nagluluto ang dalawa ng isang putahe. Nasa likod si Carlos at nakangisi habang parang naiinis naman si George sa ginagawa nito, tila hindi makuha ang sinasabi ng kasama.
"Hintayin mo kasi" sabi nito bahagyang nakalapit ang mukha sa isa.
"Ang tagal kaya! Kanina pa to nakababad oh." ani naman ni George mukhang naiinip sa kung anumang niluluto nila. Mataman siyang tumitig doon at lumayo sa kanya si Carlos.
Napailing si Carlos at marahang kinurot ang pisngi nito. Napasinghap ako sa mga nakita at nagtago sa likod ng pader. There you go, Tris the answers are all laid down in front of you.
Alam kong niligawan noon ni Carlos si George at posibleng mangyari ulit iyon. Probably baka nga sila na at wala na kong magagawa pa roon. Sinaktan ko siya kaya dapat lang na maging masaya sya ngayon kahit sa iba.
Dumiretso ako sa salas at binuhay ang tv para manuod at iwasang isipin ang mga nakita ko. Ilang sandali ay dumating sila Mila kasama sina Kaizer, Lissa at Ian.
"Tris, kamusta?" bati ni Ian sakin at tinapik ako sa balikat.
"Ayos lang." sagot ko rito.
"Lissa! Mila!" sigaw ni George at lumapit ito sa kanila.
"George!" tumayo ang dalawa at yumakap sa kanya. Lumabas din si Carlos mula sa kusina at nakisama sa amin.
Nagkwentuhan kami at kumain ng mga niluto nila ni George. Pagkatapos ay nagkaroon ng inuman sa garden. Gaya ng dati ay juice lang ang iniinom ni George dahil sa hindi ito mahilig sa alak. Sinabi niya noon na ayaw niya ng amoy at lasa nito. Although nakatikim nga siya pero hanggang isa lang daw ang kaya niya. Magkatapat kami sa mesa at magkatabi naman sila ni Carlos.
Paminsan-minsan ay bumubulong sa kanya si Carlos at bahagya itong tumatawa. Medyo marami na rin ang naiinom namin lalo na at dumadaldal na si Kaizer. Nagrereklamo ito kapag tuwing nag-aaway sila ni Lissa, sya daw lagi ang nag-aadjust. Si Mila naman ay panay ang tawa pati na rin si Lissa. Si George naman ay tahimik sa isang tabi hanggang sa tumayo ito at bumulong kay Carlos pagkatapos ay tumango ito sa kanya.
Umalis sya at pumasok sa loob, tumayo rin ako at sumunod habang abala sila pag-uusap doon. Nakita ko syang nakaharap sa may kitchen sink at nakalapag ang isang baso sa kanan. Lumapit ako at hinawakan ang baso dahilan para mapatalon sya sa gulat.
"Ginulat mo ko..." aniya ngunit hindi ako sumagot.
"Iinom ka din? Kukuha lang ako ng baso. Wait" at agad siyang nagtungo sa lagayan ng mga baso.
Mabilis kong pinigilan ang kamay nya at pinirmi iyon sa kanyang tiyan. Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang katawan at binaon ang aking mukha sa kanyang batok. I traces some circles on her back ngunit hindi sya umiimik.
"Why did you suddenly become silent? You don't want to talk? Hmm?" mahinang tanong ko.
"Lasing ka na..." tanging sagot nya.
"No, I'm not..." sagot ko at humalakhak.
Tinanggal nya ang kamay kong nakapulupot sa kanya at humarap sa akin. Ngumiti ako ngunit seryoso ang mukha nya.
"Babalik na ko roon" sabi nito ngunit hinarang ko ang mga braso ko sa parehong gilid nya.
"Why are you being like this?" mataman kong tanong sa kanya.
Alam kong tinamaan na ko ng alak at wala na akong pakialam doon. Dahil ngayon lang ako naglakas ng loob na kausapin sya ulit ng ganito. Ang mahawakan at matingnan sya ng malapitan.
Ang pagmasdan ang mukha niya sa ganitong distansya.
Her lips was so red that I just want to kiss her right now.
"You're just drunk, Tris...Uuwi na rin ako mamaya. Kaya bumalik na tayo roon." at pilit nya kong tinulak ngunit hindi ako nagpatinag.
"Can I get an answer to my question now? Huh George?"
Tumitig sya sa mga mata ko at hindi nagsalita.
"Why, you're not answering? Huhulaan ko, hindi na ako diba? It's Carlos isn't it? Since, there's something going on with you, am I right? George?" mapait akong ngumiti ngunit napawi iyon nang makita ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...