Episode 019
Gabi na nang makarating kami sa mansyon dito sa Italya. Pagkatapak pa lamang sa bungad ng dalawang malaking pinto ng mansyon ay agad na kaming sinalubong ng mga body guards at ilang maids ni Lola mula roon.
"Buona sera, Signore Tristan, Signora Eliza and Signorina Sierra (Good evening, Senyor Tristan, Senyora Eliza and Senyorina Sierra)." bati samin ng tagapamahala na si Fermina.
"Buona sera, Fermina (Good evening, Fermina)." bati ni mom at Sierra dito.
"It's good thing that you're here."
Napatingin kami sa nagsalita at nakitang nakatayo roon si dad malapit sa pintuan kung saan naroon ang hapag-kainan.
"Signora Enrica is waiting for you. Our dinner is already served. Let's go," utos nya at pumunta kaming lahat sa dining area.
Agad kong niyakap si lola pagkakita ko palang sa kanya. She really looks old and sick. Ang kanyang dating striktang mukha ay nawala dahil na rin siguro sa labis na panghihina.
"I miss you, hijo." sabi nito.
"Ako din po lola. It's good to see you here."
Umupo ako sa tabi nya at isa-isang nilagyan ng mga katulong ang aming sariling plato. Nagsimula kaming kumain, may mga oras na pinag-uusapan namin ang tungkol sa business at masaya naman si lola sa naging desisyon ko na kuhanin ang farm at makipagpalit kay Gabriel. Ngunit siniguro rin ni dad na may maitutulong ako sa architectural firm.
Muntik pa nilang i-suggest ang pagpapakasal namin ni Sierra for business na agad kong tinutulan.
"How many times do I have to tell you, that I won't marry someone just for business and for someone that I don't even love..." mariin kong sinabi sa kanila.
Natahimik silang lahat sa sinabi ko hanggang sa magsalita si dad.
"But it's only a suggestion, I'm sure kapag kinasal kayo ni Sierra ay matutunan mo rin syang mahalin. Sierra has been a friend of yours since then."
"Let him choose his wife, Pietro. I don't want my grandson to live in regrets just because he married someone he didn't love." singit ni lola.
"Tell me, Tris...Do you have a girlfriend?" biglang tanong ni dad sakin.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ko alam ang isasagot ko. We didn't have a formal relationship. Kaya anong sasabihin ko?
"No, he doesn't have...but he's into this girl from the Philippines..." sagot ni mom at napatingin ako sa kanya.
"Talaga?" nakita ko ang pagkislap sa mga mata ni lola.
"Who?" si Dad
"George." sagot ko
"George?! Lalaki?" sabay na sambit ni lola at dad. Napailing na lang ako sa reaksyon nila. I know this will be their reaction.
"No, it's short for Georgina...nakasanayan lang namin George ang tawag sa kanya" paliwanag ko
"I would like to meet her. Can we call her, hijo?" sabi ni lola
"I believe we can't" sabi ko at kumunot ang noo nito.
"Why? We can pay for the overseas calls..."
"The girl is in a coma right now. Ma" si mom
"Coma? What do you mean?" si dad na halatang nabigla sa narinig.
"She was involved in an accident several weeks ago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising." ani ko.
"We're sorry to hear that, sana ay magising na siya para sa ganoon ay makilala namin siya." sinserong sabi ni dad sa akin.
Tumango na lamang ako at agad naman tinapos ni lola ang hapunan.
"I know you're all tired from your trip all the way here. So, I already prepared your rooms beforehand. Fermina!" tawag nya sa personal maid.
"Yes, Signora"
"Bring them to their rooms, they need plenty of rest."
"Si, Signora. (Yes, Senyora) This way please." paglalahad ni Fermina sa amin.
Pagkarating sa kwarto ay saglit kong sinuri ang mga gamit na naroon. Malinis iyon at lahat ay nasa ayos umupo ako sa kama at binuksan ang aking maleta para mag-ayos ng mga gamit. Hanggang sa may kumatok sa pinto ng aking kwarto.
Napabaling ako sa kumatok sa aking pintuan at sumilip roon si Sierra.
"Tris, can we talk?" mahinang sabi nya.
"What is it about?" seryosong sabi ko
"Wala na ba talaga?"
Tumingin ako sa kanya at nakita ang mga mata nyang nangingilid sa luha.
"Alam mong wala naman talaga diba?"
"No, I know that you have a feelings for me before."
"I do, pero bilang kaibigan lang. You know it's because of you why she was there."
"What?! Wala akong ginagawa sa kanya!" singhal nya
Tumayo ako at lumapit sa kanya, napaatras sya at halata ko ang kaba sa kanyang mga mata.
"If you didn't tell her those lies, hindi sana kami magkakaganito..hindi sya iiwas sa akin. At kung di dahil sayo sana ako ang naghatid sa kanya at hindi na sya naaksidente pa! If you just didn't come that day. Hindi sana kami mag-aaway. Hindi sana sya magagalit at lalayo sakin!"
Mariin ko iyong sinabi sa kanya at hindi ko napigilan ang mapaluhod sa harapan nya at masuntok ang sahig.
It's all my fault! This is all my fault! I didn't even protected her from those pain and hurting. I was such a coward and stupid for not protecting her.
"If I could just make it up to her that night, sana kasama ko sya. She wouldn't have ride that jeepney, she wouldn't be caught in an accident. She wouldn't be in that state she's in right now! Sana ay kasama ko sya ngayon...sana narito pa siya!" Humagulhol ako sa harapan nya at naramdaman ko ang kamay nyang humaplos sa aking pisngi.
"This is not your fault. Don't blame yourself for this Tris, please...hindi ikaw to. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganito... I'm sorry, I'm so sorry."
Natulala ako sa kanyang pag-iyak sa harapan ko... I have never seen her cry like this before. She always had this strong aura, yung tipong hindi nagpapakita ng anumang kahinaan sa sinumang makakaharap niya. Kaya naman ay hinawakan ko ang braso nya at marahan syang tinayo roon.
"I'm sorry kung nasaktan kita. But, please Sierra. Magpapakatotoo ako sayo, hindi kita kayang mahalin. So please, find someone other than me. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo. Sorry, umalis ka na muna at magpahinga ka na. Gusto kong mapag-isa muna." sabi ko at umiwas ng tingin.
Lumabas sya ng kwarto ko at napatingin naman ako sa labas ng bintana... I suddenly think about her, kamusta na kaya sya? Is she awake already?
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...