Episode 039
Isang linggo ang lumipas at umalis si Tris patungong Canada. Lingid sa kanyang kaalaman na sinundan ko sya roon. Habang naghahanda siya ay nag-book din ako ng ticket papuntang Canada.
Siniguro ko na hindi siya makakahalata na sinusundan ko siya dahil sa 1st class siya nakacheck-in habang ako naman ay sa Economic seats lamang. Suot ang isang denim pants, black tank top at denim jacket na sinamahan ng black sneakers ay palihim akong sinundan siya pagkalapag ng eroplano namin sa airport. Agad kong pinara ang sumunod na cab matapos ang sinakyan niya at inutusan ang driver nito.
"Follow that cab" utos ko sa driver at sinundan namin ang sinasakyan ni Tris.
Huminto kami sa isang malaking bahay na nasa loob ng isang exclusive village at nakita kong bumaba roon si Tris at nag-doorbell. Bumukas ang gate at nakangiti niyang niyakap si Sierra. Hindi ko na mapigilan ang luha ko dahil sa nakikita.
Kung nagsisinungaling ka sana sinabi mo na lang.
Sabay silang pumasok sa loob at pinunasan ko ang mga luha ko.
"Let's go" utos kong muli at umalis na kami roon.
Nag-book agad ako ng flight pabalik sa Mykonos ng araw na yun. Pagkagaling ko sa village nina Sierra ay saglit muna akong naglibot sa lugar. Tutal narito na naman ako siguro dapat sulitin ko na rin ang pagpunta. Makalipas ang ilang oras ay saka ko napagpasyahang magtungo na sa airport para sa aking flight. Buong byahe ay natulog lamang ako kaya nang makarating ay halos gising na gising ako pagkalapag ng eroplano sa airport.
Mahigit siyam na oras ang tinagal ng aking byahe pabalik. Pagkarating sa bahay ay inilapag ko lamang ang bag ko sa loob ng closet. Pakiramdam ko ay gusto kong mapag-isa ngayon at mag-isip. Humiga ako sa kama nang biglang umilaw ang aking laptop.
Hudyat na may tumatawag roon...hindi ko iyon sinagot nang makita ang kanyang pangalan. Hinayaan ko iyon hanggang sa mawala ang pangalan nya. Maging sa aking cellphone ay tumatawag sya ngunit hindi ko pinansin.
Bakit ka tatawag ngayon? Di ba kasama mo na yung babae mo?
Nakatulala lamang ako sa kisame habang inaalala ang mga nakita ko. Pinaglalaruan ba nila ko? Ang daming sumasagi sa isip ko at halos mabaliw na ko dahil don. Hanggang sa tumunog muli ang cellphone ko. Papatayin ko na sana ngunit pangalan ni Wanda ang naroon kaya sinagot ko.
"Hello" sagot ko rito
"Free ka ba? Nagyayaya si Terrence...Bar daw mamaya." aya nito
"Sige, anong oras?" tanong ko.
Hindi ako sanay sa mga ganito pero meron nagsasabi sa akin na parang gusto kong maranasan iyon. Minsan lang naman ito diba?
"8pm, kita na lang tayo okay?" aniya
"Sige...magbibihis lang ako" at binaba ko ang tawag.
Naligo ako saka nag-ayos, I straightened my short hair with a hair iron. Naglagay ako ng dark make-up at maroon lipstick. Saka nagsuot ng isang fitted sublime maroon dress at isang itim na heels... Naglagay rin ako ng konting alahas saka dinampot ang aking purse. Tumatawag syang muli roon kaya pinatay ko ang tawag. Magsama kayo ng babae mo, bwiset!
Lumabas ako ng bahay at sinara iyon at saka nagpunta sa bar na sinasabi ni Wanda. Pagkarating ay halos hindi ko makita ang daan sa dami ng tao. Astra was filled of people who are partying and dancing. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hinanap sila. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako, kasama ko noon si Wanda at birthday noon ni Zach.
"George!" sigaw ni Wanda sa di kalayuan, maingay ang trance music sa buong bar at lumapit ako sa kanila. Nakita kong naroon sina Vini, Terrence at Zach sa iisang table.
"Yung totoo, ang fierce natin ah?" pamumuna ni Wanda saka ako umiling.
Naupo ako sa tabi ni Vini at agad syang sumenyas sa waiter.
"Ano gusto mo?" tanong nya
"I want to drink, I want to try" sabi ko at tila nagulat sya sa sinabi ko. Noon huli kasi kaming nagpunta ay juice lamang ang inorder ko. Kaya hindi na nakakapagtaka kung magulat sya sa sinabi ko.
"Are you sure?" tanong nya
"Yes, gusto ko maramdaman paano uminom...baka kasi di ko na ma-experience" ani ko at pilit na pinapaganda ang mood ko.
Umorder si Vini ng isang alak saka iyon nilapag sa akin. Mabilis ko iyong ininom at halos masuka ako sa paghagod niyon sa aking lalamunan. Nakainom na ko dati at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay. Sabagay isang baso nga lang pala ang kaya ko noon.
"Dahan-dahan, Georgina" puna nya ngunit hindi ko iyon pinansin saka pinagpatuloy ang pag-inom.
"May balak maglasing teh?" si Wanda at pakiramdam ko ay namumula na ako.
"G-gusto ko lang i-try" sabi ko at uminom muli ng isa pang alak doon.
Nakailang baso ako at ramdam ko na ang pagtama ng alak sa aking sistema. Nagsasayawan na ang iba at kami lang ni Vini ang naroon sa mesa.
"I want to dance" sabi ko at biglang tumayo ngunit muntikan na kong matumba dahil siguro sa medyo marami-rami na rin ang naiinom ko.
"Georgina, san ka pupunta?" agad na napatayo si Vini para alalayan ako at hinarap ko sya saka tinuro ang dancefloor.
"Sasayaw lang..." nakangiting sabi ko at saka ako nakihalo sa dagat ng mga taong nagsasayawan.
I'm not a good dancer pero siguro dahil sa kalasingan ay wala na kong pakialam. May mga nakikisayaw sakin at ang ilan ay pinagbibigyan ko. Hanggang sa may isang humapit sa aking baywang dahilan para mangunot ang noo ko. Mainit ang mga kamay nya at pinirmi ako sa aking pwesto. Napapikit ako nang maramdaman ang hininga nya sa aking tenga.
"Iuuwi na kita, you've been a bad girl... George" bulong nya at nagulat akong humarap sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?!" singhal ko na parang nawala bigla ang epekto ng alak sa akin.
Madilim sa buong dancefloor at nagsasayawan ang mga ilaw sa paligid. Ngunit kitang-kita ko ang seryoso at galit niyang mukha sa harapan ko. Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siya sa aking harapan. Hindi ako halos makapaniwala na narito siya ngayon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...