Episode 030
Saktong alas-siyete nang makarating ako sa opisina. Agad akong pumasok sa loob at nadatnan si Sir Vini at isang lalaki na nakatalikod sa aking direksyon. Agad naman tumayo si Sir Vini nang makita ako. Malawak ang ngiti niya at bahagya naman akong yumuko para bumati rito.
"Here she is! Tristan I would like you to meet one of my best employees here. My executive assistant, Ms. Georgina."
Abot-abot ang kaba ko nang unti-unting lumingon ang kliyenteng sinasabi ni Sir Vini sa akin. Parang nanumbalik lahat ng alaala sa akin nang makita ko ang kanyang mukha.
"Miss Georgina will be the one who will assist you in this partnership. Georgina, this is Mr. Tristan Eros Porteu Linden of Lineage Farms." dugtong ni Sir Vini at inilahad si Tris sa akin.
Napalunok ako at pilit pinapakalma ang sarili habang kaharap siya ngayon. Come on, George kumalma ka. Huwag mong ipahalata na naaapektuhan ka sa presensya niya!
"Nice to meet you, again" mariing aniya sa huling salita at nilahad ang kamay sakin.
"Yeah. Nice to meet you" agaran kong sagot at nakipagkamay sa kanya. He squeezed my hand a bit dahilan para agad akong bumitaw.
Lihim siyang ngumisi sa akin habang nakataas ang isang kilay. Parang nanunuya siya dahil sa biglaan kong pagbitaw kaya naman palihim akong umirap ngunit hindi ata gumana iyon dahil mas lalong lumaki ang ngiti nya. Problema nito?
Tumangkad sya lalo at mas gumanda ang pangangatawan. Pormal syang tingnan sa suot nyang puting longsleeves na polo at itim na pantalon, his hair was also in a clean cut at may suot na salamin. He looks professional from the way he looks! Mas lalo din nadepina ang ibang features niya lalo na sa jawline! Anong ginawa nito para mas lalong gumwapo ng ganito?! Damn it, Georgina wag kang mahuhulog sa kanya! You already learned your lesson.
"So, it looks like pwede na kayo magsimula? Georgina." biglang ani ni Sir Vini dahilan para mas bumalik ako sa wisyo at agad na sumagot sa kanya.
"Yes, Sir" ani ko at lumabas na kaming dalawa ng opisina. Agad akong sinalubong ni Wanda at niyakap ako ng mahigpit.
"Mamimiss kita!" mangiyak-ngiyak na sabi nya sakin. Agad siyang kumalas sa yakap at maarte niyang pinunasan ang mga luha.
"Baliw ka talaga. Babalik pa ko dito noh!" natatawang sabi ko at agad syang bumaling sa kasama ko.
"Hi, Sir! Paki-alagaan na lang po tong kaibigan ko ah!" humagikhik sya at agad ko syang sinita dahil nakakahiya ang sinabi niya. Baka kung ano pang isipin nitong kasama ko.
"Wanda!" suway ko at bahagya siyang natawa roon.
"Oo na, eto talaga. Basta ingat kayo lalo na ikaw George." nakangiting aniya at bumaling kay Tris.
"Ingat din kayo, Sir?"
"Tristan, pero Tris na lang." tugon naman nito at ngumiti.
"Sir Tristan" sambit ni Wanda.
Umiling na lamang ako at lumabas kami sa opisina nakasunod siya sakin at napagtanto kong kailangan ko nga pala syang kausapin.
"Uhm, doon muna tayo sa first mall branch ng VP Malls." sabi ko at humarap sa kanya.
"I brought my car...gamitin na lang natin kung pwede" alok nya at tumango ako.
Wala rin naman akong choice dahil malayo-layo rin yung mall at mas magastos kung magbibyahe kami.
Tahimik kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa first branch. Nauna syang bumaba at agad akong pinagbuksan ng pinto. Marahan akong bumaba at iniwas ang paningin sa kanya.
"Natuto ka na palang mag-ayos" biglang sabi nya at agad ko syang nilingon.
Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi nya lalo na ng humalakhak sya ng mahina dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"You look more beautiful, George." aniya dahilan para mapalunok ako sa sinabi niya.
Mapupungay ang mga matang tumingin sya sa akin. Pakiramdam ko ay ilang oras pa ay manlalambot na ko sa sobrang panghihina sa kanya. Hindi ko maitatanggi na hanggang ngayon ay meron pa rin akong nararamdaman para sa kanya. Pero natatakot na ko, dahil baka maulit na naman ang dati. Agad akong tumikhim at nagseryoso para itago ang tunay na nararamdaman.
"Anyway, let's just start the tour...okay?" sambit niya at tumango ako.
"Okay" at agad akong naglakad pauna.
Sumunod sya sakin at nakinig habang sinasabi ko sa kanya ang tungkol sa mall.
"So bale, medyo kulang ang products namin sa mga imported fruits. Siguro naman nag-iimport na kayo rito sa Greece diba?" tanong ko.
"Oo, actually bago pa lang. Nga pala gusto mong kumain muna tayo?" biglaang tanong nya at saka ko lang naalala na hindi pa nga pala kami nagtatanghalian.
"Sige. Pasensya na hindi ko napansin ang oras." sagot ko rito
"Ayos lang, tara munang kumain." aya nya at hinila ako palayo, na sya namang kinagulat ko.
Napatigil ako at napatigil rin sya saka ako nilingon ng nagtataka.
"Oh bakit?" nakangiting tanong nya
"Uh, Mr. Linden...I believe hindi to kasama sa trabaho natin. I don't like having physical contacts with the client."
Ngumiwi sya at saka binitawan ang kamay ko saka nagsalita.
"Talaga? O baka sa akin ka lang ganito?" tanong niya at seryoso ko naman siyang tiningnan.
"Look, Mr. Linden I'm trying to be a professional here and labas dito ang personal matters. I'm doing my job here and sana ikaw din. So please, Mr. Linden let go of me...let go of my hand." I said at agad niyang binitawan ang kamay ko.
"Pasensya na, nagbago ka na pala" biglang lumungkot ang boses nya.
"Pasensya na rin. Kumain na lang tayo para maaga tayong matapos," sabi ko at naunang maglakad sa kanya.
Pakiramdam ko ay parang nasaktan sya sinabi ko ngunit kailangan ko iyong panindigan. Natatakot na kasi ako na baka isang araw mawala na naman sya uli. Maiwan na naman nya ako ng biglaan na lang. Masaktan na naman ako dahil sa kanya.
Matagal ko ng binaon ang nararamdaman ko sa kanya. Siniguro ko na ako lang ang makakaalam sa tunay kong nararamdaman para sa kanya. As much as possible I want it to just remain deep down to my core, hidden and hopefully would never been release.
Matagal bago kami nakapaghanap ng kakainan hanggang sa napili namin ang isang kainan na iilan lamang ang mga kumakain sa loob. Mukhang bagong restaurant lang ito na itinayo rito. He slowly open the door for me at pinauna akong pumasok.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...