Episode 028

33 1 0
                                    

Episode 028



Mabilis kong sinara ang pinto at hindi pa rin tumitigil ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig para mahimasmasan. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang sinabi ni Sir Vini kanina. Seryoso ba siya? Saka paano? Kailan pa?

Umakyat ako sa aking kwarto at umupo sa tabi ng bintana. Isang taon na rin mula ng manirahan at magtrabaho ako dito sa Mykonos. Simula rin noong nangyari sa bahay ni Carlos ay hindi ko na sya nakita pa.

Ang sabi nila ay bigla na lang siyang nawala pagkatapos ng graduation ko. Wala silang alam kung saan ito nagpunta. Nagulat pa ko nang minsan ay nagpakita sa akin si Sierra bago ako magtungo rito sa Mykonos.

Kakatapos ko lang noon asikasuhin ang mga requirements ko para sa paghahanap ng trabaho. Nasa harapan ako ng school ko nang biglang pumarada ang sasakyan niya sa harap ko. She invited me for coffee at pinaunlakan ko iyon. Hindi ako gaanong mahilig sa kape kaya naman yung non-caffeinated ang inorder ko.

Sumimsim siya sa kape niya bago tumingin sakin. Nakaunat ang mahaba niyang buhok na nakalugay sa kanyang gilid. She's wearing a red over-all jumpsuit. Her earrings were dangling at medyo simple ang make-up niya na pina-highlight lang ng kanyang red lipstick

"Bakit mo ko inimbita rito?" tanong ko sa kanya

"I'm sorry, George. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo at sa inyo ni Tris. Nagawa ko lang naman iyon dahil sa matinding pagmamahal ko sa kanya. I know it's selfish but, I just want him for me. Nasanay kasi ako na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. I really like Tris so much. Ako yung una niyang nakilala at napalapit sa kanya kaya akala ko, magiging akin siya. Pero hindi, Tris loves you so much and so dearly na kahit ako na matagal niya ng kaibigan ay hindi nya nagawang mahalin noong mga panahong malayo kayo sa isa't-isa at kaya ako nandito para ayusin ang lahat. Para itama lahat ng nagawa ko sayo at sa inyo. Mapatawad mo sana ako, George. Mapatawad mo rin sana siya, dahil wala siyang ibang inisip at minahal kundi ikaw lang."

Iyon ang mga huling salitang binitawan nya sa akin. Napatawad ko na rin naman sya dahil roon at sa ngayon ay balita kong nasa Canada na sya at doon na naninirahan.

Tumunog ang aking laptop hudyat na may tumatawag mula roon. Binuksan ko ang tawag at bumungad sa akin si Ashley kasama si Mila.

"Ate George! Miss ka na namin!" aniya at napangiti ako.

"Miss ko na rin kayo. Kamusta?"

"Okay naman...kailan ka ba babalik dito?" si Mila

"Hindi ko alam, may bagong kliyente yung boss ko, kaibigan daw ng pinsan nya. Ako napili na mag-assist kaya baka hindi agad ako makauwi dyan." sabi ko

"Sayang naman. Miss ka na ng lima, lalo na si Kaizer at Ian..." si Mila parin at si Ashley naman ay biglang natahimik sa isang tabi kaya agad ko syang binalingan.

"May problema ba, Ashley? Bakit ang tahimik mo ata?"

Malungkot syang tumingin sa akin at pagod na ngumiti. Simula nung umalis ako ay naging iwas sa akin si Ashley. Kahit pa pinapakita niya sa akin na wala siyang problema ay batid kong malungkot ito dahil sa kinahantungan namin ni Tris.

"Wala ate, naalala ko lang, pareho na kayong wala ni Kuya Tris dito."

Biglaang napawi ang ngiti ko sa sinabi nya at agad nagbaba ng tingin.

"Ashley!" saway ni Mila sa kanya at agad itong tumingin sakin humihingi ng dispensa.

"Sorry, ate. Kasi naman! Asan na ba si Kuya Tris?! Isang taon na syang wala! Kahit anino hindi natin alam kung nasaan sya! Kahit manlang paramdam, wala. Tapos ikaw naman ate George, umalis ka rin. Bihira ka pa namin makausap."

"Ashley! Umayos ka nga!" sita sa kanya ni Mila at padabog itong umalis sa tabi ni Mila at lumabas.

"Sorry ha, namimiss ka lang siguro." sinserong saad ni Mila.

"Hayaan mo na...naiintindihan ko naman, sige na. May trabaho pa ko bukas. Saka na lang uli tayo mag-usap." sabi ko at tumango sya.

"Sige, ingat ka dyan!"

"Sige" at pinatay ko na ang tawag. Sinara ko na rin ang kurtina sa aking bintana saka nahiga at nagpahinga.

Maaga akong pumasok sa opisina ngayong araw at hindi ko pa rin nalilimutan ang mga nagyari at sinabi nya sakin kagabi.

"Hoy! Anong nangyari kagabi?!" salubong sakin ni Wanda pagkapasok ko pa lamang sa trabaho.

"Wala, ikaw talaga..." pag-iiwas ko at dumiretso sa pantry para magtimpla ng hot chocolate.

"Anong wala? Alam mo bang feeling ko ay may gusto sayo yang si Sir Vini! " sigaw nya at muntik ko ng mabitawan ang tasa dahil sa pagkagulat.

"Manahimik ka nga Wanda! Imposible yun noh!" saway ko rito at nilapag sa mesa ang tasa pagkasimsim doon.

"Eh ano ba kasi ang dahilan at ininvite ka nya sa dinner?" nakapamewang niyang tanong sa akin.

"May bago raw kasing kliyente, kaibigan ni Sir Terrence. Ako na assign na mag-assist." sabi ko

"Oh! Baka iyon yung nasa opisina ni Sir ngayon? Grabe ang gwapo nya!"

"Grabe ka, Wanda! May Zach ka na hoy! Ikaw talaga basta gwapo eh noh?" pagbibiro ko rito at agad nya naman akong binatukan.

"Aray! Grabe ka sakin ah." sita ko rito at umirap naman siya.

"Gaga, mahal ko si Zach, ano ka ba! Saka mas bagay kayo nung kausap ni Sir sa opisina!" masayang aniya at nagpapalakpak pa sya roon.

Umiling ako at inubos ang tinimplang hot chocolate saka sya inaya pabalik sa opisina. Inaayos ko ang mga gamit ko nang may mahagip akong dumaan sa harapan ko. Hindi ko iyon napansin agad kaya napatitig ako roon ng isang beses. Nakatalikod ito sa direksyon ko at palabas na sa opisina.

"Yun yung bisita ni Sir! Ang gwapo talaga!" biglang sulpot ni Wanda dahilan para magulat ako roon.

"Wanda!" sita ko rito.

"Oo nga pala, pinapatawag ka ni Sir." sabi nito at tumayo naman ako para pumunta sa opisina nito.

Kumatok ako roon saka pumasok, nilingon nya ko at agad naman akong nakaramdam ng pagkailang sa kanya.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon