Episode 029

41 1 0
                                    

Episode 029



Kabado ako habang seryoso ang tingin nya. Pinaglalaruan nya ang fountain pen sa kanyang mga daliri habang nakatingin sakin ng diretso.

"Do you need something, Sir?" tanong ko rito.

"Kakaalis lang nung kliyente...too bad hindi kayo nagpang-abot. Anyway, pupunta raw sya rito tomorrow morning at 7 so I'm expecting you to be here. Before 7 or on time. Napaaga ang pagpunta nya kaya baka bukas na rin kayo mag-tour sa mall, understood?"

"Yes, Sir."

"By the way, I want you to cancel all my schedule for today. May importanteng lakad ako mamaya. Reschedule those the day after tomorrow." aniya at tumango naman ako.

"Ok po, Sir."

"Sige, you can go back to your work now," aniya at ngumiwi akong lumabas ng kanyang opisina.

Hindi masyadong marami ang naging trabaho ko sa araw na ito. Bukod sa pagtawag sa mga ka-meeting ni Sir Vini dahil sa pagkaka-cancel ng meetings nila at pagre-reschedule nito.

Paminsan-minsan ay nagkukwentuhan kami ni Wanda kapag walang masyadong ginagawa at minsan naman ay ginagawa ko na rin ang mga trabaho para sa susunod na mga araw. Kailangan ko na rin kasing paghandaan ang magiging meeting namin ni Sir Vini at nung sinasabing bagong kliyente.

"Matagal pa siguro ako makakabalik" sabi ko kay Lea isa sa mga kaibigan ko habang kausap ito sa telepono.

Naging magkaklase kami ni Lea noon sa ilang minor subjects during college days.

Tapos na ang trabaho ko at kasalukuyan akong namamasyal at naisipang mamili na rin ng mga groceries. Pumunta ako sa public market para mamili ng mga pagkain.

"Namimiss na kita...grabe! Kailan pa nung huli tayong nagkita? Nung graduation pa!" si Lea

"Hahaha, uuwi din ako pag nagka-oras. Mahigpit kasi boss ko rito." sabi ko.

"Ah, baka naman may boyfriend ka na dyan?" usisa nya sa akin at agad akong umiling.

"Wala, ano ka ba! Pure work ako dito sa Mykonos." sabi ko

"Talaga ba?" nagdududang tanong niya at tumawa na lamang ako.

"Oo nga, seryoso! Saka paano ako magkakaboyfriend kung puro trabaho inaatupag ko."

"Hmm. Sige na, naniniwala na ko. Basta balitaan mo ko pag nagkalovelife ka na diyan! Siya siya, may trabaho na rin ako. See you soon!" aniya at agad nyang binaba ang linya.

Tumapat ako sa tindahan ng mga karne at sinipat ang ilan sa mga iyon. Plano kong magluto ng barbecue ngayon para sa hapunan. Iimbitahan ko rin si Wanda at Zach para sumabay sa akin. Bumili rin ako ng ilang gulay at prutas pati na rin mga panghimagas para mamaya.

Naglakad ako pauwi dahil medyo malapit lang naman ang tinutuluyan ko sa public market. Pagkarating ay inilapag ko ang mga binili at kinuha ang cellphone sa aking bag.

Tinawagan ko si Wanda at inimbita bago sinimulang lutuin ang mga barbecue. Medyo nahirapan ako dahil ito ang unang beses na mag-iihaw ako. Sanay naman akong magluto maliban lang sa pag-iihaw. Natuto akong magluto last year matapos kong lumipat dito sa Mykonos. Si Wanda ang isa sa mga nagturo sakin nung mga panahong yon.

Natapos ko ng lutuin ang limang barbecue nang may nag-doorbell sa harapan. Binaba ko ang platong naglalaman ng mga barbecue sa isang mesa.

"Wait!" pinunasan ko ang aking kamay sa isang handtowel at saka naglakad patungo sa harapan ng bahay.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin sina Zach at Wanda, kasama si Sir Terrence pinsan ni Sir Vini.

"Hi! Sinama nga pala namin si Sir Terrence!" ani Wanda at agad ko silang pinapasok sa loob.

Naiwan ang mga lalaki sa salas habang kami ni Wanda ay tinuloy ang pag-iihaw sa mga barbecue.

"Kaibigan pala ni Sir Terrence yung bagong client?" tanong sakin ni Wanda.

"Oo," sagot ko habang naglalagay ng sauce sa barbecue.

"Nagkita na kayo?"

"Hindi pa, bukas daw. Pinapapasok nga ako ni Sir ng maaga bukas." sabi ko rito at kinuha ko na ang huling barbecue at inabot iyon sa kanya.

Inayos namin ang mga mesa at agad tinawag ang dalawa.

"Mukhang masarap ah!" puri ni Sir Terrence at naunang maupo sa mesa.

Isa-isa rin kaming nagsi-upo at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho at sa planong pagtatravel ng dalawang magnobyo.

"So technically, baka next year mag-New York kami nitong si Wanda." anunsyo ni Zach sa amin.

"Aww, excited na tuloy ako next year!" kinikilig naman ani ni Wanda at hinalikan si Zach.

Tumikhim ako dahilan para mapatingin sa akin si Sir Terrence. Kahawig ni Sir Terrence si Sir Vini parehas silang moreno at may mala-Latin American features.

"Good luck bukas sa meeting" aniya at ngumiti na lamang ako.

"Oh my gosh, anong name nung bagong client, Sir?"biglaan tanong ni Wanda na agad ko namang sinaway.

"Wanda!"

"What? I'm just asking!"

"Ok lang, pero sorry Wanda masyadong private ang information ng bagong client. Maybe you can both meet him tomorrow." sagot ni Sir Terrence rito.

Matapos kumain ay nanatili pa sila at nagkaroon ng konting kantahan. Bandang alas-onse na nang makauwi sila habang ako naman ay sinimulang ligpitin ang mga pinagkainan at mga kalat doon bago pumasok sa aking kwarto para makapagpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos. Alas-singko palang ay nagising na ako dahil matagal akong mag-ayos. Simula nung makatapos ako ng kolehiyo at tumira dito sa Mykonos ay natuto akong ayusin ang sarili ko.

Nilagay ko ang contact lens sa aking mga mata saka naglagay ng kaunting make up. Sapat na siguro ang konting blush on at eyeshadow roon. Isang light na lipgloss at nude lipstick lang din ang nilagay ko sa aking labi. Pagkatapos ay sinuklay ang aking buhok at naglagay ng kaunting pabango. Sinuot ko ang isang puting longsleeve flowing dress at puting heels

Kinuha ko ang aking bag at saka tumulak paalis papuntang opisina. Ayos narin naman siguro ito para makilala ko ang bagong kliyente ni Sir Vini.

Ano kayang itsura nya? O kaya ugali? Masungit ba sya gaya ni Sir Vini o makulit gaya ni Sir Terrence? Ilan sa mga tanong ko sa sarili habang nag-aabang ng masasakyan papunta sa opisina.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon