Episode 012

39 2 0
                                    

Episode 012



Nag-aayos ako ng gamit para sa nalalapit na pag-alis ko. I'm still staying at Kaizer's dahil nag-extend ng bakasyon ang mama niya.

"Sasama daw si George sa gala." sabi sakin ni Mila.

"Talaga? Hindi ba may klase sya?"

"Oo, pero mahaba naman daw ang break nya." aniya

"Then, sige..." sagot ko sa kanya.

"Asan na daw sila?" tanong ni Kaizer

"Hindi na ata sila darating. May pasok si George eh, si Mila naman nakauwi na daw. Hindi na pwedeng umalis pa..." ani Louise

"Ano ba yan! Kahapon di sila sumama. Pati ba naman ngayon?" pagrereklamo ni Kaizer.

Hindi kasi natuloy kahapon dahil gabi na umawas sina Mila at George.

Naglakad ako palayo sa kanila para makapag isip. Tumigil ako sa tapat ng isang restaurant at napatitig doon.

"Pre! Nang-iiwan ka naman eh. Kung gutom ka sabihin mo!" anang Kaizer pagkalapit nito sakin.

"Tara kain tayo." pag-aaya ni Laxus at nauna ng pumasok sa loob.

Isa-isa silang pumasok sa loob. Naiwan pa ko sa labas at tiningnan lang silang umorder ng pagkain.

"Are you disappointed?"

Nilingon ko si Carlos na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

"Quite not" pagsisinungaling ko.

"Paano ba yan? Sa next week na alis nyo..."

Hindi ko sya sinagot at pumasok na din sa loob ng kainan. Sabay-sabay kaming kumakain nang biglang may lumapit kay Ian.

"Ian?" anang isang maganda at balingkinitang babae sa kanya.

"Oh! You don't remember me? It's me, Tiara." nakangusong sabi nya rito.

"Ah! Oo, haha...ah...K-kamusta?" tanong ni Ian sa babae.

"I'm fine! Wanna hang out later? You know the usual?" tanong nya dito na sinabayan pa ng kindat

Humarap samin si Ian na parang humihingi ng tulong. Ngunit hindi namin sya pinansin... ayusin mo yan, problema mo yan. Labas kami diyan.

Likas kasing babaero itong si Ian maya't maya iba't-ibang babae ang kinakasama.

"Ah, eh..."

"Please? I really like you, Ian. Especially when we do that thing..." she said in a seductive tone habang hinahaplos ang balikat ni Ian. Napaigtad naman si Ian sa kinauupuan niya at halatang di siya kumportable ngayon.

"A-ano kasi... ah... May girlfriend na ko! Oo tama at ikakasal na kami, actually...At mahal na mahal ko sya at seryoso ako sa kanya..." sabi nya sa babae at bigla naman itong napatayo ng diretso.

Napatingin kami kay Ian nang sabihin nya iyon sa babae.

"I don't believe you..."

"Totoo nga..." pagpipilit nya.

"Then, who is she?" mataray na tanong nito...

"Ahm...Si..."

Matagal bago sya nakaisip kaya napasinghap ang babae at tinaasan sya ng kilay.

"You don't..."

"Meron! Si Georgina!" sagot nya dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Really?"

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon