Episode 041

31 2 0
                                    

Episode 041


Kinaumagahan ay halos mahilo ako pagkagising pa lamang, parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Tila walang maalala bukod sa nalasing ako kagabi at nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto sa mga nangyari at agad napatingin sa aking tabi. Wala ng tao roon ngunit ng tingnan ko ang aking sarili ay halos manigas ako sa sobrang kaba... Wala akong saplot! My goodness! Ang roba ay nasa lapag pati na rin ang ibang unan. Tumunog ang doorknob hudyat ng pagbukas ng pinto at agad bumungad sakin ang inosente niyang mukha. Bigla ko syang binato ng unan at sininghalan dahil sa nangyari kagabi.

"Anong ginawa mo sakin?! Sumagot ka!" I shouted at him as my breathing and heartbeat goes fast and irrational.

"Tss, baka ikaw...Ikaw nag-umpisa! Mapanukso ka! I tried my best to stop you, pero mapilit ka!" aniya at nanlaki lalo ang mga mata ko sa sinabi niya...

I'm literally lost for words. You need to have a counter-attack, George! Don't be easily defeated by him!

"Hindi ako naniniwala! Sana nagpigil ka! Alam mong lasing ako pinagsamantalahan mo pa!" sigaw ko

"Paano ako magpipigil kung..." saglit siyang tumigil at hinagod nya ang kanyang paningin sa aking katawan dahilan para balutin ko ang aking sarili ng kumot na naroon.

"Bastos!" sigaw ko at bigla syang tumawa roon.

Sobrang pagtawa na halos ay mamula sya dahil doon at mas lalo naman akong nainis. Pinagtatawanan nya pa ko? Ang kapal!

"Walang nangyari..." biglang aniya at bahagya akong naguluhan sa sinabi... Anong walang nangyari? Base sa naalala ko we were kissing deeply that night with me naked under a silk robe, then I woke up this morning only to find my robe on the floor. So paanong walang nangyari? Niloloko ba ko nito?

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya at naglakad siya palapit sa akin.

Umupo siya sa tabi ko at bahagyang nilapit ang mukha ng konti sakin. Kanina pa ba siya, gising? Bakit parang ang bango na agad niya? Anong oras na ba? Alas-nuwebe pa lang naman ah. Bakit parang ang aga naman niya ata? Ano ba George! Focus on the real thing! Wag kang papadala sa bango niya. He will realize that you are totally smitten with him! Which is true, but still get a hold of yourself!

"Akala ko nga may mangyayari. Kaso... sinapak mo ko bigla at masakit yun ha... After we break from that deep kiss bigla na lang nag-iba ang mood mo at sinapak mo ko." aniya at napansin ko nga ang mapula nyang pisngi.

Walang nangyari?

"Hindi na nga kita nabihisan kaya hinayaan ko na lang na matulog ka...Sa labas ako natulog kaya wala talagang nangyari. You even keep on saying something na hindi ko naman maintindihan aside from some curses."

Pakiramdam ko ay namumula ako sa kahihiyan. Nahihiya akong tingnan sya dahil sa pinaggagawa ko kagabi. Nakakahiya ka, George!

"Pero, ayos din...Maganda rin pala ang katawan mo" natatawang saad nya dahilan para manlaki na naman ang mga mata ko...

"Bastos!" sigaw ko at napatawa naman ito.

Inis akong binalingan sya at di pa rin matanggal ang ngisi nya. He looks sexy while looking at me, damn it!

"Nagluto ako, magbihis ka na." aniya at lumabas sya saking kwarto.

"Nakakainis!" sigaw ko at saka tumayo para makapagbihis.

Bumaba ako sa kusina at narinig ang isang pamilyar na kanta. Nakahain na ang mga pagkain sa mesa pati narin ang mga plato at kubyertos... Umupo ako sa harap at hinainan nya ko ng pagkain saka sya ngumiti ng mapang-asar at kumindat sa akin.

King...ina... talaga!

"Tigilan mo ko" masungit na sabi ko

"Bakit? Kasi kinikilig ka?" pang-aasar nya at umirap ako

"Hindi!" saad ko at kumain na lamang roon...

Matapos kumain ay nagbihis ako at lumabas para mamasyal... Hindi ko pinansin ang pagsunod nya sakin habang naglalakad kami sa kahabaan ng Mykonos. Dinala ko ang aking camera at kumuha ng mga litrato roon.

Tumigil kami para kumain sa isang cafe at parehas kaming umorder. Tahimik kami habang kumakain nang bigla syang magsalita.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kahapon?" tanong nito at tumigil ako sa pagkain.

"Anong ginagawa mo kasama si Sierra?" pagbabalik tanong ko at tila nagulat sya sa aking sinabi.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong nya at napaupo ng diretso habang nakakunot ang noo.

"Narinig ko ang pag-uusap nyo ni Sierra, sinundan kita papuntang Canada at nakita ko kung paano ka pumasok sa bahay nya. You even looked happy seeing her." seryoso at mapait na saad ko. I even tried to hide the bitterness but I just really can't!

"Bakit hindi mo sinabi? Dahil ba roon kaya ka nag-inom?"

Nag-iwas ako ng tingin at hindi sya inimikan. Although, totoo yun pero ayokong sabihin. It would give him an idea that I'm still jealous with Sierra which is kind of true.

"George" pakiusap nya at hinarap ko sya.

"Oo, kasi hindi ko maintindihan kung para saan ba yun. Bakit ka nakipagkita sa kanya? At masaya ka pa nung makita sya. I even heard you say 'I miss you,too'." sabi ko at hindi ko na talaga maitago pa ang pait sa aking boses...Malamang ay nagseselos ako. Hindi ba halata? Kahit pa sabihin na pinatawad ko na sila ay nagseselos pa rin ako.

Tiningnan ko sya at nakangiti lamang syang nakatingin sa akin.

"Bakit ka nakangiti?" inis na tanong ko.

"Cute mo magselos," nakangiting sabi nya at mas lalong sumimangot ang mukha ko.

"Seryoso ako..."

"Alam ko, oh" at inabot nya sakin ang isang invitation.

Kunot noo akong tinitigan iyon saka sya binalingan.

"Ano yan?"

"Buksan mo, para malaman mo"

Kinuha ko ang invitation na nakapatong sa mesa. It was made from a special paper with gold intricate designs on it. Binuksan ko iyon at saka binasa. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nabasa saka naguguluhang tiningnan sya. Nakangisi lamang sya habang tinitingnan ako. Tila natatawa sa reaksyon ko, wag mo kong tawanan diyan.

"Ano? Sapat na bang dahilan yan para hindi ka na magselos? Is it enough for me to prove to you na ikaw lang George, hmm?"

Hindi ako umimik saka tiningnan muli ang nakasulat sa imbitasyon...

- Gabriel Linden and Sierra Millares -
- Wedding Ceremony-
- You are cordially invited for this ceremony on the 24th day of November this year. -

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon