Episode 013

40 2 0
                                    

Episode 013



NAIA TERMINAL 3

1PM

"Ingat ka don." sabi ni Carlos

"Pasalubong ah!" si Kaizer

"Tatawag ka, magpaparamdam ka..." si Ian at Louise

"Ingat bro." si Laxus..

"Oo na! Basta ,alam nyo na ha..." sabi ko sa kanila at isa-isa silang tumango.

"Yes boss!" sabay sabay nilang sabi.

"Son, let's go..." lumapit si mommy sakin at isa-isa syang nagpaalam sa lahat.

"You take care okay?" sabi niya sa mga ito.

"Ingat kayo, tita!" sabay din nilang sabi sa kanya.

Tumango ako sa kanila bago kami pumasok sa loob. Nauna na si Daddy sa loob ng eroplano. Lumingon ako sa labas ng bintana pagkasakay ng eroplano bago ito tuluyang lumipad sa ere.

Last week of June, 2016

Kasalukuyan kong inaayos ang pagkakasalansan ng binake kong flower cakes para sa kanya.

"Mukhang masarap ah." sabi ni Carlos sa gilid ko.

Kababalik ko lang nung January at nagpaiwan sina mommy at daddy roon kasama si lola. Matapos kong ayusin ay agad ko iyong binigay kay Carlos.

"Wow naman, alam kong may hidden desire ka sakin. Di mo na kailangan to, mahal naman kita eh!"

"Gago! Padala nyan kay George..." singhal ko sa kanya.

"Eh, di ikaw magdala..." sagot naman nya sakin.

"Ikaw na, may gagawin pa ko. Bilis!" utos ko at kinuha nya ang mga flower cakes.

"Ingatan mo yan!" pahabol ko pa at sumaludo lang sya sakin bago lumabas.

Nilinis ko naman ang mga kalat bago lumabas ng kusina. Pagdating sa salas ay naroon sila maliban kay Carlos at Mila. Hindi ko pa nga pala sya natatawagan na may pakain ako. Nagkita kami last time at binigay nya sakin ang regalong kwintas ni George sa akin galing Palawan. Hindi naman ako nakarating sa birthday nya dahil may kinailangan akong asikasuhin noon. Kaya naman bumawi na lamang ako sa pinadala kong flower cakes sa kanya. Palagi ko na rin sinusuot ngayon yumg kwintas na binigay niya.

Umupo ako sa tabi ni Kaizer at napansing nanunuod sila ng movie.

"Anong movie yan?" tanong ko sa kanya

"Taken 3" sagot ni Kaizer habang tutok na tutok sa harapan. Nakinuod naman ako sa kanila at bigla naman akong kinulbit ni Kaizer

"Oh?"

"Paabot naman ng popcorn," utos nito sakin at kinuha ko naman iyon sa may lamesa saka inabot sa kanya. Kumuha na din ako ng ilang piraso at saka nagpatuloy sa panunuod.

Panglimang movie na namin ito nang biglang may pumasok sa loob.

"Tris !!!" nilingon ko ang tumawag at nakita ko si Lissa na pumasok sa loob.

"Lissa." bati ko sa kanya at kasunod nya ay sina Ate Lia at ang asawa nito.

"Ate." tawag ko dito saka sya nginitian

"Kamusta?" tanong nito sakin

"Ayos naman..." sagot ko rito at binati rin si Kane.

Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari noong wala ako. Pinatay na rin ang player at lahat kami ay nasa garden ngayon.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon