Episode 033
"Salamat" sabi ko sa kanya pagkababa ngunit nagulat ako nang bumaba rin sya at lumapit sakin. Saka marahang hinalikan muli ang aking noo.
"Goodnight, George." ngumiti sya sa akin matapos iyon at saka tumulak paalis.
Pakiramdam ko ay namumula ako sa sobrang hiya na nararamdaman. Halos hindi ako makatulog dahil sa mga nangyayari. Una ay ang pagbabalik ni Tris at pangalawa ay ang balak na panliligaw ni Sir Vini sa akin.
Kinabukasan ay nagulat ako nang may dalawang bulaklak sa aking lamesa. Agad naman lumapit si Wanda at sinundot ang tagiliran ko. Dahilan para mapaigtad ako sa ginawa niya.
"Wanda!"
"Haba ng buhok ah...dala-dalawa oh. Ikaw na!" aniya at umiling ako sa kanya. Tiningnan ko ang isang bouquet ng white roses at nakitang galing iyon kay Vini.
"Kay Sir galing?!" si Wanda na hindi ko napansin na nakatingin pala sa card na hawak ko.
Nilapag ko ang puting roses at agad natigilan nang makita ang flowercakes na nakaayos bilang bouquet sa tabi ko. Isa lang naman ang pwedeng gumawa nito.
Tiningnan ko kung may card doon ngunit wala, pero may kutob na ko kung kanino iyon galing. He always gave me flowercakes before. Alam nyang yun ang gusto ko kaysa sa mga tunay na bulaklak.
"Nililigawan ka ni Sir Vini? Eh yung isang bouquet? Kanino galing?" kuryosong tanong ni Wanda at ibinaba ko ang flowercakes sa tabi ng white roses na bigay ni Sir Vini.
Umiling ako at sinabing hindi ko alam para di na sya magtanong pa. Tinabi ko ang mga rosas at saka umupo sa aking mesa. Paismid naman umalis si Wanda sa office at bumalik na sa office nito.
Nagtitipa ako sa aking laptop habang isa-isang kinakain ang mga flowercakes. Halos maalala ko sya dahil sa mga yun. Even the taste that I have known, stays the same... I wonder if he does too.
Mabilis kong iniwala sa isipan ko ang mga naiisip at nag-focus sa ginagawang trabaho.
Hapon nang naimbitahan kami ni Terrence sa kanila para sa isang dinner. Sabay kaming dumating ni Wanda at Zach pagkatapos ng trabaho. Malaki ang bahay ni Terrence kung tutuusin, mala-Mt.Olympus ang disensyo noon. Classic Greek style furnitures and interior...mula sa mga muwebles at furnitures may touch of Greek ang bawat disenyo nito.
Naglibot ako sa buong bahay nang makita ang isang pamilyar na bata. Siya yung bata nung nakaraan, yung nasugatan at nag-iisa sa gitna ng kalsada. Anong ginagawa nya rito? Tumingin ang bata sa akin at ngumiti saka ito patakbong lumapit patungo sa direksyon ko.
"Hi." bati ko dito at umupo para makapantay sa kanya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko
"Chinny Elaine po" cute na sabi nya habang nakatingin din ng diretso sa akin. Tingin ko ay mga 5 years old lamang sya dahil sa height at itsura nya. Her cheeks flushed red and her skin is somehow fair. Kulay brown din ang mahaba at kulot niyang buhok. She's also wearing a white dress with ruffles and laces.
"Hi Chinny, I'm Ate George." pakilala ko rito at nangunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ate George?" nagtatakang tanong niya habang unti-unting tumatagilid ang ulo sa akin.
"Chi!" natigilan ako at lumingon sa lalaking tumawag sa kanya at ngayon ay parating sa kinaroroonan namin. Agad akong napatayo at tumabi ng bahagya.
Mabilis nyang kinarga si Chinny at tumingin sakin.
"Pasensya na," aniya at umiling ako.
"Okay lang, anak mo?" tanong ko at bigla syang tumawa dahil sa naging tanong ko.
Anong nakakatawa sa tanong ko? Masama ba kung magtanong sa kanya kung may anak na siya? Daglian akong nakaramdam ng inis dahil doon at agad siyang sinamaan ng tingin. Paalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Tiningnan ko lamang siya ng masama ngunit nginitian niya lamang ako. Tuwang-tuwa pa talaga siyang makita akong naiinis sa kanya ng ganito? Halos sumabog ako sa galit at inis sa kanya. Wala akong pakialam kung may anak na sya o pamilyado na, dahil nakakairita na talaga siya!
"Anak sya ni Ate Lia at Kane yung isa sa kambal. Nasa bakasyon kasi sila ni Kane kasama si Chu, kakambal ni Chi. Pero sakin hinabilin si Chi dahil ayaw lumayo sakin." paliwanag nya at nagulat naman ako dahil si Chi pala ang isa sa kambal noon ni Ate Lia. Halos di ko ito makilala dahil one or two years old pa lang naman sila nung huli ko silang makita.
"Tinanong ko lang kung anak mo, nagpaliwanag ka pa." pagsusungit ko itinatago ang pagkagulat sa sinabi niya.
"Baka kasi, iba naiisip mo eh . Single pa kaya ako, as in walang girlfriend, walang asawa." pang-aasar nya dahilan para mapairap ako sa sobrang kayabangan niya. Ano bang nakita ko sa lalaking to at nagkagusto ako rito sa loob ng ilang taon?
"Wala akong paki," iritableng sagot ko at agad naglakad papasok sa bahay nila Terrence.
Nakaupo na kaming lahat sa mesa at sa di malamang dahilan ay sya pa ang nakatapat ko! Nang-aasar ba talaga ang tadhana?
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Si Wanda at Zach ang halos namumuno sa lahat ng masasayang kwentuhan. Si Vini naman ay nakikitawa rin sa kanila habang nakikinig sa usapan.
"Nakilala ko itong si Tris last year, dito sa Mykonos. Napakasuplado kaya walang makalapit na babae. Kahit na kasama namin siya palagi sa mga parties and clubs. Kahit isa wala siyang babaeng inentertain. Tingin ko nga hanggang ngayon wala pa tong girlfriend eh." pagkwekwento ni Terrence at natawa naman sila.
Itinuloy ko naman ang pagkain ko at aksidenteng napasulyap sa kanya. Napainom lamang siya ng tubig habang nakikinig sa kwento ni Terrence.
"Sobrang sungit ba kaya iniwasan ng mga babae?" tanong ni Wanda at palihim akong sinulyupan. Sinamaan ko naman siya ng tingin bago niya ibaling kay Terrence ang paningin.
"Oo! Pag makikita mo siya noon, akala mo si Hitler ang nagpakita! Sobrang suplado at sungit, madalas pang mainit ang ulo niya kaya walang nakakalapit. Pero nung nagkita uli kami last year ang laki ng pinagbago nya. Yung Tris na masungit biglang naging maamo! Talagang nagulat nga ako nung nagkita kami dun sa Santorini last year... sobrang laki talaga ng pinagbago niya."
"Baka naman kasi may nagpabago, malay nyo...he fell inlove." biglang singit ni Vini dahilan para mapatingin kami sa kanya.
Gusto ko sanang tumayo at umalis roon, dahil pakiramdam ko ay hindi ako handang marinig ang mga susunod na sasabihin nila.
"Oo nga, nagmahal ka na ba Tris?" tanong ni Terrence rito.
He suddenly licked his lips at walang paligoy-ligoy na sumagot sya sa tanong ng kaibigan.
"Yes" at agad siyang sumulyap sakin habang nakangiti. Dahilan para mag-iwas ako ng tingin at mapainom sa tubig na nasa tapat ko.
"At hindi na siguro ako magmamahal pa kagaya ng sa kanya. She'll be my first and my last." aniya at halos masamid ako sa sinabi nya kaya agad kong binaba ang baso at hindi sya nilingon.
BINABASA MO ANG
Far Away
RomanceHow far can you go? How long can you wait? For a love that has been too far away? Tristan Eros Porteu Linden or Tris has it all, he's smart, handsome, rich. An ideal man whom every woman or lady wants to have and no one has ever caught his attenti...