Episode 046

29 2 0
                                    

Episode 046



Lumipas ang mga araw at nalalapit na ang pasko ngunit hindi ko iyon halos maramdaman. Kahit pa abala ang lahat sa paglalagay ng mga dekorasyon ay parang wala akong ganang pinagmamasdan ang mga iyon, Pakiramdam ko ay wala na kong maramdaman pa kundi lungkot at sakit. Bumangon ako sa aking kama at inayos ang sarili. Sinuot ko ang isang puting bestida saka kinuha ang ilang gamit ko at lumabas ng kwarto. Nagulat si Mama nang makita akong bumaba at agad syang nagtanong.

"Aalis ka?" tanong nya at tumango ako.

"Kumain ka na muna" alok niya at tumanggi ako.

"Kakain na lang ako sa biyahe."

"Saan ba ang lakad mo?" tanong niyang muli pagkakuha ko ng susi ng kotse sa lagayan nito.

"May pupuntahan lang ako, don't worry hindi ako gagawa ng kung ano...Kailangan ko muna pong mag-isip at magkaroon ng oras." sabi ko

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako bago niya tinapik ang aking ulo.

"Mag-iingat ka, malaki ka na" aniya at tipid akong ngumiti sa kanya.

"Alis na po ko..." paalam ko at tumango siya sa akin.

Sumakay ako sa kotse at nagmaneho papunta sa airport. Pinarada ko ang sasakyan sa parking lot saka bumaba. Wala akong ibang dala kundi ang aking handbag at wallet. Mabuti na lamang at nandun lahat ng kailangan ko. Siguro kailangan ko na lang muna mapag-isa sa ngayon. Naisip ko na ako mismo ang hahanap sa katotohanan at kung ano ba talaga ang nangyari kay Tris.

Pumasok ako sa loob ng airport at agad nag-avail ng ticket. Dahil wala akong luggage o kung ano ay dumiretso na ko sa boarding area at umupo roon saka naghintay para sa aking flight.

Tumunog ang aking cellphone pero hindi ko iyon sinagot at pinatay iyon nang matapos ang pagtunog niyon. Sa ngayon ay gusto kong mapag-isa, hindi pa naman ako suicidal gaya ng iniisip nila. Hindi man nila sabihin alam kong nag-aalala sila sa kung anong pwede kong gawin sa sarili ko dahil sa nangyari. Sa ngayon ay gusto ko lang talaga mapag-isa... para makapag-isip at para mahanap ang sagot sa mga katanungan ko. Dahil sa oras na ito ay aaminin kong baka mabaliw na talaga ako sa sitwasyon na nangyayari ngayon.

Minsan talaga may mga bagay na akala mo sayo na pero bigla naman itong babawiin sayo. Yung taong pinaghirapan mong makuha na akala mo ay sayo na talaga, bigla naman mawawala, bigla na lang siyang kukunin at maglalaho ng hindi mo inaasahan kahit gaano mo pa man ito iningatan.

Matatanggap ko pa kung sumama sya sa iba, pero hindi. Kinuha na lang sya sakin bigla at wala man lang akong nagawa, wala manlang pasabi na kukunin siya sa akin bigla. Ayoko sanang maniwala sa sinasabi nilang wala na siya pero may parte sa akin na sinasabing tanggapin na lang iyon.

Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi at hinaplos ang plane ticket na hawak...

Nagbabaka sakali akong may makikita akong sagot doon, Umaasa akong may malaman ako sa pagpunta ko roon.

Tumayo ako nang mag-anunsyo ang staff ng airport saka pumila kasama ng ibang pasahero para makasakay sa eroplano... patungong Palawan.

Pagkarating sa Palawan ay agad akong namili ng mga damit at gamit saka nagcheck-in sa isang hotel. Panandalian akong nagpahinga at saka binuhay ang aking phone na agad inulan ng mga mensahe mula sa kanila. Nakita ko pang tumatawag roon si Carlos kaya sinagot ko iyon.

"Asan ka?" bungad nya bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"I want to be alone, kaya hindi ko pwedeng sabihin. I'm sorry, please understand..." pakiusap ko at narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Okay, pero nag-aalala kasi kami sayo." mahinahong aniya

"Alam ko, pero no need to. Kaya ko pa ang sarili ko..." sabi ko pilit pinapaintindi sa kanila ang desisyon ko.

"If you need something, andito lang kami. Mag-iingat ka dyan, we'll wait for you here." huling sabi nya at tumango ako.

"Yes... I will salamat, just tell them I'm fine. Wag na lang muna nila ko hanapin. Babalik din ako kapag maayos na ang lahat, kapag maayos na ako." sabi ko at agad ng binaba ang linya.

Inayos ko ang mga gamit ko at sumunod na tumawag sa akin si Mila. I turned the loudspeaker on para makapag-usap kami dahil hindi pa ko tapos sa pag-aayos. Pinatong ko ang cellphone sa may side drawer at nakipag-usap.

"Ikaw talagang babae ka! Bakit hindi mo sinabi na aalis ka pala?" singhal niya mula sa kabilang linya at binaba ko ang damit na ipampapalit ko sa suot ko ngayon.

"Nasabi ko na kay Carlos na hindi niyo na kailangan mag-alala. I'll be fine, I just need some space and time dahil sa mga nangyari." tugon ko sa kanya.

"Nasaan ka ba ngayon?" tanong niya at kinuha ko ang cellphone saka pinatay ang loudspeaker.

"Saka ko na sasabihin, sige na may kailangan pa kong gawin. Tatawag na lang ako next time." ani ko

"Sige, mag-iingat ka ha."

"Oo, bye"

"Bye." binaba ko na ang tawag at saka kumuha ng towel at pumasok sa bathroom.

I took a quick shower at matapos iyon ay inayos ko ang aking sarili. I put some powder on my face and a nude lipstick just to make my face look light and fair.

Nagpalit ako ng damit na nabili ko sa isang tiangge dito sa Palawan kasama ang isang sandals at marahan na sinuklay ang aking buhok. Kinuha ko ang aking bag bago lumabas ng hotel para gawin ang plano ko. There's something I need to do right now. I just want to confirm something, just to make sure. Dahil hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nakukumpirma ang kutob ko.

Sinasabi nila na walang katawan ni Tris ang nakita sa pinangyarihan. Ilang gabi kong pinag-isipan ang plano kong ito. Kailangan kong patunayan sa sarili ko at sa iba na tama ang hinala ko. And once I have proven that it is true, saka ko babalik at umaasa akong kasama ko na siya sa oras na yun.

Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon